44

1.4K 63 3
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

APATNAPU'T-APAT

"HOY!" sigaw ni Harold sa harapan ni Gun na nakaupo naman sa sofa. Nasa living room sila ngayon ng mansion nila Harold.

Gulat at nanlalaki naman ang mga mata ni Gun na napatingin kay Harold. Naputol ang malalim niyang pag-iisip.

"Oh? Bakit ka nanggugulat diyan?" tanong ni Gun kay Harold.

Naupo si Harold sa sofa katabi ni Gun. "Pumunta ka lang ba dito para lang matulala?" sarcastic na tanong ni Harold kay Gun.

Napaiwas ng tingin si Gun kay Harold. Napabuntong-hininga ito. Bwisit kasi si Chace eh. 'Yun ang dahilan ng malalim niyang iniisip ngayon.

"Pasensya ka na... May iniisip lang ako..." palusot na sabi ni Gun.

Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold.

"Iniisip? At ano naman iyon?" pagtatakang tanong ni Harold.

Napatingin muli si Gun kay Harold. Napangiti ito ng tipid.

"Iniisip ko lang kung paano ka magiging akin ng buong-buo..." palusot na sabi ni Gun sabay pa-cute pa. Para hindi mahalatang iba ang iniisip niya at nag-aalala siya sa mga bagay-bagay.

Napaiwas ng tingin sa kanya si Harold. "Ewan ko sayo... Pati ba naman 'yan, iniisip mo pa..."

"Siyempre naman..." sabi kaagad ni Gun.

Tumayo mula sa inuupuan si Harold at nilapitan ang anak na si Kiel na ngayon ay nakaupo sa carpeted floor at naglalaro ng mga laruang kotse nito. Tinabihan niya ito at nakipaglaro na rin sa anak. Day-off niya kasi ngayon kaya ito rin ang time para naman kahit papaano'y makasama ang anak.

"Oo nga pala Harold... May sasabihin sana ako sayo..." sabi ni Gun na nakapagpatingin naman kay Harold sa kanya.

"Ano iyon?" magkasalubong ang magkabilang kilay at nakakunot ang noo na tanong ni Harold.

Napabuntong-hininga muna si Gun bago magsalita.

"Ahm... Balak ko sana magbakasyon ng ilang araw sa ancestral house namin sa Nueva Ecija... Ahm... eh... Gusto ko sana na isama ka... isama kayo ni Kiel kung gusto mo..." sabi ni Gun.

"Bakasyon?" tanong ni Harold. Napatango si Gun. "Gusto ko nga sanang magbakasyon kaso hindi na pwede lalo na sa mga susunod na araw dahil maraming dapat gawin sa..."

"Sir... May nagpadala po sa inyo..." naputol ang sasabihin ni Harold ng biglang pumunta at tumayo ang yaya sa living room. Napatingin sila dito at nakita nilang may dala itong isang boquet ng red roses.

Muling nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold dahil sa pagtataka.

"Para ba sa akin 'yan?" tanong nito sabay turo sa hawak-hawak ng yaya na bulaklak.

"Opo Sir..." sagot ng yaya.

Tumayo si Harold mula sa inuupuan at nilapitan ang yaya. Kinuha niya mula rito ang bugkos ng bulaklak na napakaganda pa ng pagkakaayos.

"Sige... Bumalik ka na sa ginagawa mo... Salamat." Sabi ni Harold. Tumango naman ang yaya bago umalis.

"Kanino 'yan galing?" tanong ni Gun na nakatingin rin ngayon kay Harold at sa hawak nitong bulaklak.

Napakibit-bakilat lamang si Harold. Tiningnan niya ng mabuti ang bulaklak. Nakita niyang may nakaipit na card doon. Kaagad niya iyong kinuha at binasa.

"I hope that this flowers will make you smile – Chace"

"Oh? Kanino galing?" tanong muli ni Gun kay Harold. Pati ito ay nagtataka at nakakaramdam na rin ng inis dahil may nagpadala pa ng bulaklak kay Harold. Pakiramdam niya kasi, panliligaw ang ginawa ng nagpadala ng bulaklak kay Harold.

Napatingin kay Gun si Harold. "Kay Chace galing..."

"Kay Chace?" tanong kaagad ni Gun. "Bakit? Nanliligaw ba sayo iyon? Nagpapaligaw ka pa ba?" may pagkainis na tanong ni Gun kay Harold.

Napailing si Harold kay Gun. "Hindi huh... Hindi ko nga alam kung bakit niya ako pinadalhan ng ganito eh..." sabi ni Harold na muling tiningnan ang bulaklak. Pakiramdam niya tuloy, para siyang babae na nililigawan sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng bulaklak.

"Eh bakit ka nga pinadalhan ng ganyan? Pwera na lang kung may..."

"Oh... Kanino galing 'yang mga bulaklak na iyan?" tanong kaagad ni Madam Esmeralda na bigla na lamang lumitaw sa living room pagkatapos manggaling nito sa kusina. Nakatingin ito sa anak at sa bulaklak. Napangiti ito. "Para ba sa akin 'yan?" tanong nito.

Úmiling si Harold. "Para po sa akin Mom... Pinadala ni Chace... 'yung isa..."

"Chace?" kaagad na sabi ni Madam Esmeralda. Nanlalaki pa ang mga mata nito at parang hindi makapaniwala sa narinig na pangalan.

Nagtataka naman sila Gun at Harold sa nakitang reaksyon ni Madam Esmeralda nang marinig ang pangalan ni Chace.

"Mom? Bakit? May problema ba? Kilala niyo ba si Chace?" sunod-sunod na tanong nito.

Napailing-iling si Madam Esmeralda sa anak. Tipid na napangiti. "Sandali lang huh... May nakalimutan pala akong kunin sa kwarto ko..." sabi nito at nagmamadaling umalis sa harapan nila.

Nagkatinginan sila Harold at Gun. Puno sila ng pagtataka sa iniba ng kilos ni Madam Esmeralda.

- - - - - - - - - - - -

Nakatayo sa veranda ng bahay si Chace. Titig na titig ang mga mata nito sa isang silver na kwintas na may pendant ng palayaw niya na CHACE na hawak-hawak nito. Napangiti siya. Ito kasi iyong kaisa-isang kwintas na ibinigay sa kanya noon ng mga magulang niya nung 7th birthday niya. Naaalala pa nga niya iyong mga sinabi ng kanyang ina noon bago ibigay sa kanya ito.

"Anak... Ito ang birthday gift namin sayo huh... Huwag na huwag mo itong iwawala... Ituring mo 'yang kayamanan mo dahil 'yan ang kaisa-isang bagay na pwede mong dalhin at tingnan kahit saan... Kung sakali mang malungkot ka... Lagi mo lamang tingnan 'yan para maalala kami ng papa mo... Alam ko naman na malaki ang pagkukulang namin sa inyo ng papa mo dahil sa mas inuuna namin ang kumpanya kaysa sa inyo ni Sari... Pero alam ko naman na naiintindihan mo iyon di ba kung bakit ganun kami? Dahil iyon sa inyo... Pinaghahandaan na kasi namin ang magiging kinabukasan ninyong magkapatid para kung sakaling mawala kami... Hindi niyo dadanasin ang hirap... Kaya anak... Happy birthday and always keep that gift from us... Mahal na mahal namin kayo ng papa mo..."

Pinunasan ni Chace ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa makulimlim na kalangitan.

"Ma... Pa... Sari... Ang daya niyo naman eh... Bakit iniwan niyo ako mag-isa dito? Bakit hindi niyo na lamang ako isinama diyan para maging isang masayang pamilya tayo?... Mabuti pa kayo... Alam kong masaya ng nagyayakapan diyaan habang nakatingin sa akin habang ako... Ito, nag-iisa... walang kasama sa malaking bahay na ito..." naiiyak na sabi ni Chace. Napabuntong-hininga ito.

"I miss you Ma... Pa... Sari... I miss my family... I... miss... You... all... Mahal na mahal ko kayo kahit na... iniwan niyo akong mag-isa..." sabi pa ni Chace. Nanatiling nakatingin si kalangitan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang maagang pagkawala ng mga magulang niya at lalo na ni Sari na kung hindi dahil sa ginawa ni Gun, sana hanggang ngayon ay kasama niya pa rin ito. Pakiramdam niya kasi, sapat na para sa kanya ang pamilya na makasama sa buhay. Masaya ang magkaroon isang pamilya pero malungkot at masakit kung biglaan naman itong mawawala sayo. Kaya ngayon, napakalungkot niya dahil sa siya'y nag-iisa na lamang sa buhay.

-KATAPUSAN NG KABANATA APATNAPU'T-APAT-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now