The Jerk's Wife: 12

Start from the beginning
                                    

"Palage siyang kasama ni Richard sa isang organization noon. Kaya nakilala ko ang asawa mo ilang taon na rin ang nakalipas." Dugtong nito. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang banggitin nito ang pangalan ng anak.

Richard? Lalaki?

Magsasalita sana siya nang biglang umupo si Claire sa tabi niya. He sighed.

"I guess we're leaving now. I hope you don't mind Mr. Chang. We still have an appointment to catch up." Sabi niya sabay sulyap sa relong pambisig. Bigla siyang nawalan ng gana. Claire suddenly frowned to him.

Binalewala niya ang nagtatanong na mga mata ng asawa. Tumayo siya at inayos ang kanyang tuxedo. Mr. Chang stood up. He formally smiled then offered his hand.

"It's okay Mr. Schwartz. See you next time." Nakipagkamay ito sa kanya at tinanggap naman niya ng maayos despite the fact na naging bother siya na magkaibigan pala ang anak nitong lalaki sa asawa niya. Not a good idea for business.

Paglabas nila sa isang prominent Chinese restaurant, walang kaimik-imik siyang tumungo sa nakaparadang kotse. His personal driver, Raymond frowned seeing him in a bad mood. Nauna siyang sumakay sa back seat. Maya-maya umibis na rin si Claire sa sasakyan at tumabi sa kanya.

"Back to the office Raymond." Nababagot niyang utos dito. Hindi na umimik ang driver.

The way Mr. Chang talked about his son with his wife ay tila may malalim na kaugnayan ng pagkakaibigan. Muntikan pa nga siyang ma-out of place kanina sa topic ng dalawa. He had no idea not until Mr. Chang told him between his son and Claire. Hindi talaga mawala sa isipan niya ang sinabi ni Mr. Chang. Nagbuga siya ng hangin at isinandal ang likod sa upuan. He shut his eyes closed.

"Sa pagkakaalam ko, wala ka namang ibang appointment. Wala ka ng schedule after this meeting." Narinig niyang tugon ng asawa. Alam niyang nahahalata na siya nito.

Of course she is his secretary, alam naman nito ang lahat ng appointment niya. Ang asawa niya ang taga-gawa ng schedule at hindi niya ito maloloko. Hindi naman ganito si Brandon kadetalyadong tao. Brandon was his former secretary dahil nagresign ang secretary niya dahil maselan ang pagbubuntis. Brandon has no choice dahil ito ang assistant ng kanyang secretary noon at alam na nito ang routine sa loob ng opisina.

"I just don't feel like talking to him." He reasoned out without looking at her. Nakataas ang ulo niya.

Claire snorted. "Really? Ang bilis naman magbago ng mood mo. Kanina lang, you were just lightly talking to Mr. Chang tapos ngayon nasa kalagitnaan pa ng masayang usapan bigla ka lang nawalan ng gana. Based on my observations, Mr. Chang is polite and approachable person." Sabi nito. Again, she was being so nice. Naiinis siya sa pagiging mabait ng asawa sa lahat ng oras at kahit sa sinong tao. Umiling siya at tiningnan ito. Claire is still frowning looking at him.

"Paano mo naman nasabi 'yan? Do you know him already?" He wanted her to open about her personal life, hind isa kahit sino na lamang niya malalaman.

"Huh? Saan mo nakukuha 'yang ang inis at pabago-bago mo ng mood?" Kunot-noong tanong nito, not answering his question.

He sighed. Nainis siya sa pagmaang-maangan nito. Nanliliit ang mga mata niyang tinitigan ito.

"Answer me first, do you know him already? Or ama siya ng dati mong ex-boyfriend?" Naiinis niyang tanong. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. According to Mr. Chang ay magkaibigan ang anak nito at asawa niya, who knows na nagkaroon pala ng relasyon ang dalawa. He needs to expect the worst to prepare his emotions. Gusto talaga niyang malaman ang totoo at makilala pa ang asawa.

Napaawang ang bibig nito sa sinabi niya at biglang napaisip.

"You mean, Richard?" Nahihiwagaan nitong tanong.

The Jerk's WifeWhere stories live. Discover now