Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at niyakap ko siya sa baywang. "Jack naman. Di ba sabi ko naman sa'yo, hindi naman ibig sabihin na siya ang tipo kong lalake nangangahulugan na agad na siya ang mas mahal ko. Hindi ganun yun. Ang nararamdaman ko sa'yo ngayon, hindi ko magawang ikompara sa kahit na sino dahil ngayon lang ako nagmahal ng sobra-sobra sa isang lalake. At ikaw ang lalakeng iyon, Jack. I can't even fathom a word of how much I love you, Jack Rayden Aragon. Kaya huwag mong ikompara ang sarili mo sa kanya dahil nag-iisa ka lang sa puso ko."

His face beams at sa kabila ng mapusyaw na ilaw na nagtatanglaw sa amin ngayon, nakikita ko ang pagkapula ng kanyang pisngi. Napangiti na rin ako at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanyang baywang.

I smelled his masculine scent. Ang bango niya talaga. Hindi ako magsasawang samyuhin siya ng paulit-ulit. Panay din ang kurot ko sa kanyang tagiliran. Nakakagigil naman kasi ito eh.

"Uhm. Love, nanggigigil ka na naman sa akin. Baka magkapasa na ako niyan." he chuckled pero naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Namiss lang kita, Jack."

"I miss you too. I miss everything we do. I miss all of you." he replied. His voice clipped and low.

Nagtaas ako ng kilay. "Really? Sige nga. Anong mga namiss mo sa akin?"

"Well, I miss holding you. I miss hugging you during the night as we watched the night sky, the moon and the stars. I miss your laugh. I miss your smile. I miss how your eyes shimmering when you find me funny. But most of all, I miss our.....lovemakings."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at umayos ulit ako ng upo. "Ah...okay." tipid kong sagot. Pilit kong itinago ang panginginig ng aking katawan. I'm shaking not because I'm scared. I'm shaking because I'm excited. I'd love to make love to him. I miss the way how he paid homage to my body. But I'm not going to admit that to him. I just can't.

Ginagap nito ang palad ko at hinalikan ang likod nito. "You're trembling. Don't worry, I will not force myself to you unless you're ready. Alam kong nasa healing process pa tayo ngayon at unti-unti nating binabalik ang dati. Hindi kita pipilitin kung iyon ang nais mo. I respect you and I'm willing to wait hanggang sa maging handa ka na. Taking time is what love's all about, my love."

"Thank you." maikli lamang ang aking tugon. I cleared my throat. "Where are we going, Jack?" Pag-iiba ko ng topic.

"You'll see. We are almost there."

Mayamaya lamang ay bumagal ang takbo ng sasakyan. Wala pa yatang kinse minutos mula ng umalis kami sa restaurant.

Sinilip ko ang pagkataas-taas na tower. It looks like a satellite or something. Sa gate entrance ay maraming tao ang nakaantabay doon. May hawak-hawak na placards ang mga ito.

"Midnight Blue! Midnight Blue! We want to meet Midnight Blue!" the group of teenagers chant.

Napanganga ako at mabilis kong binalingan si Jack. "Station mo ito? Ang daming tao!" bulalas ko.

He nod calmly. "That's the scene almost every night." He picked up his phone at may tinawagan. Naka-loud speaker ito. "Nasa labas na ako ng building."

"Okay po Sir. The back gate is clear. Pwede na po kayong umikot doon. Iraradyo ko po ang guard na nakabantay doon."

"Hindi na kailangan." he said.

"Poh?"

"Sa harap ako dadaan."

"Pero Sir. Ang dami pong tao sa entrance."

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя