Chapter 49: Promise

Start from the beginning
                                    

Nawala bigla ang tuwa ni Monic ngayong pagmamahal na ni Marky ang topic nila.

"Oh, bakit ka nalungkot diyan?" Napansin naman iyon ni Yvette. "Aba, huwag mo sabihing hindi ka pa nakaka-move on sa nangyari sa akin? Ako, naka-move on na. Pero ikaw, hindi pa?"

"Naka-move on ka na? 'Di nga?" Tukso niya rito.

Pero sa totoo lang, gusto lang makasiguro ni Monic sa nararamdaman ni Yvette kahit ba wala na itong ginagawa o pinaparamdam na pagkontra sa relasyon nila ni Marky. Matapos nitong humingi ng tawad noon sa kanilang dalawa, pati na kay Malou, ay binuhos na nito ang buong atensyon sa sariling anak at sa sakit na nilalabanan.

"You know," nakangiting simula ni Yvette. "I still love Marky. Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero siyempre nabawasan na ang pagmamahal na iyon--nang sobra--ngayong matagal na akong... alam mo na. Nagparaya. Grabe, ang dramang word lang. Nagparaya." Matawa-tawa na naman ito. "Anyway, Monic, I assure you na pagmamahal para sa isang kaibigan na lang itong nararamdaman ko para kay Marky. So there's no need for you to feel uneasy kapag pagmamahal na niya ang pinag-uusapan natin."

Now with a smile, Monic nodded at her best friend. Napakagaan na rin ng pakiramdam niya ngayong nakasiguro na siya sa kasalukuyan nitong nararamdaman.

"Speaking of Marky's love for you... Kitang-kita ko kung gaano ka niya kamahal ha."

Naramdaman naman ni Monic ang pag-init bigla ng kanyang mga pisngi. She herself was very aware of how much Marky was in love in her. Kung siya, nakatutok sa pag-aalaga sa matalik na kaibigan. Si Marky naman ay nakatutok sa pag-aalaga sa kanya. Alam nito kung gaano kahirap sa kanya na alagaan si Yvette, kaya ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang makatulong sa kanya. Abala ito sa trabaho, pero nakakagawa pa rin ng paraan para mabisita siya at si Yvette; para magbigay ng ilang bagay na alam nitong kakailanganin niya; para makasama siya kahit saglit; para mayakap siya; para mahalikan siya.

"You two deserve each other's love." Dagdag pa ni Yvette. "You two deserve a happy-ever-after. So, make a promise to me, Monic."

Nagulat naman doon si Monic.

"What promise?" She asked.

"Promise me, na kapag may kailangan kang pagdesisyunan tungkol sa inyong dalawa ni Marky, tungkol sa relasyon niyong dalawa, huwag na huwag mo akong iko-consider--ako at ang sakit ko. Consider only your heart--how that beats for him."

"Okay..." Nakangiti siyang tumango. Sa tingin niya kasi ay hindi naman necessary ang promise na iyon. Wala kasi siyang maisip sa mga oras na iyon na maaari niyang pagdesisyunan tungkol sa kanila ni Marky.

"Anong okay? Ayun lang? Wala man lang promise na term?" Reklamo na naman ni Yvette.

"Eh 'di promise!" Natatawa na naman si Monic.

"Promise na ano?" Subok sa kanya nito.

"Promise, hindi ko... Hindi ko iisipin ang kalagayan mo kapag may kailangan akong pagdesisyunan tungkol sa relasyon namin ni Marky. Dahil ito," tinuro ni Monic ang kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso. "Ito lang ang papakinggan ko--ang tinitibok nito para sa kanya."

Ngumiti si Yvette at tinapat sa kanyang mukha ang hinliliit ng isa nitong kamay.

"Now, let's seal that promise."

Tuluyan nang natawa si Monic. Pang-ilang beses na tawa na ba niya iyon? Hindi na niya alam.

For Monic, pinky swears were too child-like. But she had never done it before. So somehow, na-excite din siya na gawin iyon.

With a couple of nods, she finally entwined her own pinky finger with Yvette's. And it felt... crazy--crazy but great.

"Promise sealed." Sabay nilang salita na kanilang ikinagulat. Then they both laughed.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now