Chapter 49: Promise

Start from the beginning
                                    

Natawa si Monic na pilit niyang hininaan dahil nasa chapel pa nga sila. Isang bagay iyon na na-miss niya mula sa high school and college days nila eh. 'Yung magsasagutan sila nang ganon.

"Eh kasi! Saka ka na mag-thank you sa akin. Kapag magaling ka na. But I'm telling you, it's nothing. Really. But nothing not in a way na walang kuwenta, okay? Nothing na I don't mind doing, na walang problema sa akin, kasi ito ang gusto ko--ang tulungan ang best friend ko na gumaling nang makasama ko pa siya nang mas, mas, mas matagal."

That made Yvette smile back at her. Tapos natahimik ulit sila, but only for a moment.

"One more thing, Nix..."

"Ano 'yon?"

Sumeryoso ang mukha ni Yvette na ikinabahala niya.

"Uy, bakit, Yvette?"

"Si Alannah..." Iniwas nito ang tingin sa kanya at saka yumuko. "Hindi talaga siya anak ni Marky..."

Napanganga si Monic. Naalala niya, minsan dati, hiniling niya na sana, hindi talaga anak ni Marky si Alannah. Pero ngayon... hindi iyon matanggap ng puso at isip niya.

"N-no... No, Yvette... Joke lang 'yan, 'di ba?"

Nilingunan ulit siya ni Yvette, ang mga mata nito ay namimilog dahil sa reaksyon niya.

"Yvette..." Napahawak siya sa braso nito. Natatakot siya para kay Marky. Dahil kapag malaman nito ang tungkol doon... God. The guy would be so much hurt at ayaw niyang mangyari iyon. "Tell me, niloloko mo lang ako 'di ba?"

"O-oo na, nagjo-joke nga lang ako. Ano ka ba--uy! Huwag ka umiyak, Nix!"

"Kainis ka!" Hahampasin niya sana ito pero buti na lang napigilan niya ang sarili. Madali kasing magka-pasa si Yvette. "Hindi magandang joke 'yon ha!"

"Sorry." Matawa-tawa nitong inabot ang kanyang mukha para punasan ang unting luha na iniyak niya. "Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon mo kapag sinabi ko 'yon. Nitong huli kasi, hindi ko maiwasan na hilingin na sana, sa iba na lang ako nagkaanak, para wala nang sabit sa pagmamahalan niyo ni Marky. Eh hindi ko naman akalain na ganyan ang magiging reaksyon mo. Akala ko, matutuwa ka kahit papaano."

"Bakit ko naman 'yon ikakatuwa? Mahal na mahal ni Marky si Alannah. At kung naging totoo lang 'yung joke mo na iyon, paniguradong sobra-sobra siyang masasaktan--silang dalawa ng anak niyo. Ayaw ko naman na ganon ang mangyari sa kanila. Ayaw kong masaktan sila."

Binitawan na siya ni Yvette at nagtitigan sila.

"T'saka anong pinag-iisip mo na sabit si Alannah sa pagmamahalan namin ni Marky? Hindi ganon ang tingin ko sa kanya, Yvette. Tanggap ko siya bilang anak niyo ni Marky. At tinuturing ko na siya bilang sarili kong anak. Kaya huwag ka nang mag-isip nang ganon, ha?"

"Hm," nakangiti itong tumango. "Sorry ulit. At... thank you ulit. Thank you sa pagtanggap at pagmamahal mo sa anak ko."

Napaikot ng mga mata si Monic. "Huwag ayan ang ipagpasalamat mo. Magpasalamat ka dahil hindi namana ni Alannah ang kamalditahan mo. Buti na lang sa lola siya nagmana. Mabait. Napakadali niya tuloy mahalin."

"Ikaw rin, Nix. Napakadali mong mahalin. Kung naging lalaki nga lang ako, malamang naging kaagaw ako ni Marky sa puso mo."

Natawa nang malakas doon si Monic. Agad na lang siyang nagtakip ng bibig para patahimikin ang sarili.

"Adik ka, Yvette!" Pabulong niyang sita sa matalik na kaibigan.

"Totoo kaya 'yon. Kaya nga ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang minahal ni Marky."

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now