Chapter 47: Yvette

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumunot nang sobra ang pagmumukha ng kaklase niya, bago ito padabog na naglakad paalis. Mukhang napahiya, kaya nag-walk out na lang.

"Aba... Ngayon lang ako nakakita ng basurang nagmamaktol." Komento pa nung del Valle kasabay ng pagsara sa gripo. At matapos magpunas ng mga kamay gamit ang panyo, tinignan siya nito sa salamin--at ngumiti--bago sumunod sa kaklase niyang lumabas.

Doon na lang napangiti si Yvette. Magmula nang pumasok siya sa paaralan na iyon, iisa lang ang tingin niya sa lahat ng nag-aaral doon. Pero mali pala siya. Meron din palang katulad nung del Valle.

Hindi lang iyon ang pagkakataon na nakausap ni Yvette 'yung babaeng del Valle. One time, so much to her disbelief and surprise, nakita niya ito sa aisle na tambayan niya sa library, nakaupo sa sahig at umiiyak.

"Uy, bakit ka umiiyak?" Pilit niya noon na hininaan ang kanyang boses sa kabila ng matindi niyang pagkabigla. Akala niya, siya lang ang nagtatago sa lugar na iyon para magmukmok eh.

Mabilis namang pinunasan nung del Valle ang sariling mukha.

"Teka, may umaway ba sa'yo?" Sunod niyang tanong. Ayun agad ang naisip niyang dahilan kasi ayun din ang dahilan niya kapag umiiyak siya roon.

"Hindi..." Nakasimangot nitong sagot sabay singhot. "Nade-depress lang ako..."

"Wow..." Nagpamewang siya, ang boses ay nagkaroon ng pait. "Ano naman kayang ikinaka-depress ng isang anak-mayaman na gaya mo? Halos nasa sa'yo na nga ang lahat, pero nagawa mo pang ma-depress? Hindi lang marunong makuntento, ganon?"

Nakasimangot siya nitong tiningala. "Hindi porket anak-mayaman ako, wala na akong karapatan na makaramdam ng ganito."

Oo nga naman...

"Eh, ano bang ikinaka-depress mo diyan?" Nawala na ang pait sa boses ni Yvette.

Pero iniwas lang nung del Valle ang tingin sa kanya at nanatiling nakasimangot.

Napabuntung-hininga si Yvette, bago piniling umupo sa tabi nito.

"Sabihin mo sa akin kung anong ikinaka-depress mo, nang gumaan 'yang pakiramdam mo." Sabi niya rito. "Willing akong makinig--nang wala nang mean side comments. Promise. Para lang talaga gumaan ang pakiramdam mo ngayon, hahayaan kitang magkuwento sa akin."

Muli siya nitong tinignan. Ang mga mata nito, may pagkagulat na may aninag ng pag-asa. At sa tingin niya, parehas sila ng naramdaman at naisip sa mga oras na iyon.

Kaibigan--puwede ko siyang maging kaibigan.

Monic del Valle. Yvette was very glad that she met someone like her. Para kasi niyang nakikita ang kanyang sarili rito. Parehas na palaban na may kahinaan pagdating sa pamilya. Parehas ng iniisip at nararamdaman sa mga bagay-bagay. Kung may pagkakaiba sila, ang nakikita lang niya ay ang estado nila sa buhay--at pagkakaroon nito ng mga magulang.

Isa pa sa pagkakatulad nila ay ang paglayo ni Monic sa sarili mula sa ibang tao doon sa kanilang paaralan. Hindi raw kasi nito gusto ang ugali ng mga estudyante roon. Mga napaka-bratty raw at sobrang taas ng tingin sa sarili, na kanya namang sinang-ayunan.

Bukod doon, may sama rin ito ng loob sa sariling pamilya. Kung ang sama ng loob ni Yvette ay laban lamang sa kanyang abusadong tiyahin, kay Monic naman ay laban sa sariling mga magulang.

Monic was an only child. Nag-iisa na nga lang, hindi pa mabigyan ng sapat na pansin ng mga magulang. Kahit ano raw ang gawin nito upang mapalapit sa mga magulang, walang epekto. Monic's parents priority was not her, but rather their family business. Kaya kapag kailangan nito ang mga magulang, lagi na lang daw itong nade-depress at naiiyak.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon