Sinulyapan ko ang mga babae at tumango tango sa akin. Wala ba akong kakampi dito?

"Julz." tinapik ni Isay ang palad ko. She looks radiantly pretty too. Mukhang hiyang din ito sa pagiging buntis. At wala kasi itong alalahanin kaya halatang masaya si Isay. And so with Elena. Nagmumukha akong lantang gulay sa paligid nila.

Kung may nakikita man akong pag-alala at concern sa kanilang mata, I'm sure it's all for me.

"We are deeply bothered about the two of you. Nagulat kami ng nalaman namin na naghiwalay kayo ni Jack. Na umalis si Jack. Hindi ka nagkukuwento sa amin. Paano mo nakayanan ang lahat ng iyon ng mag-isa? You know we are always here for you, don't you? Nag-aalala kami sa'yo, Julz." si Isay.

Pinatong ko ang isa kong palad sa ibabaw ng palad ni Isay. "Kaya ko, Ysabel. Ako pa." pagak na tumawa ako.

Si Veronica ay umiiling-iling. "Oh well, napagdaanan din namin yan. Alam mo naman siguro ang kwento namin di ba? Hindi madali pero pilit pa ring nagpapakatatag para sa sarili. I understand you, Julz. We've been there, done that. It's just that I want you to know that you are always welcome to knock our doors anytime you like. Don't hesitate to contact us. We are a family, remember?"

"Thank you." emosyonal na sagot ko.

Lumapit naman si Elena at niyakap ako mula sa likuran. "Alam mo, ang masasabi ko lang, kung pwede pang buuin ulit, pipilitin. Kung maari pang magkabalikan, susubukin. Pero kung nakakapagod na, tatagan mo lang ang loob mo para malagpasan mo ang lahat ng ito, Julz. But I'm not telling you to give up Julz. Dahil ang alam ko, if it's your true love, it'll be worth the fight. Worth the suffering. Worth the pain. And definitely worth a chance. And Jack is your one true great love. And so are you to him. Huwag kang tumulad sa aming apat na pinalipas ang ilang taon bago namin pinaglaban ang pagmamahal namin sa kanila. It took years bago namin pinatawad ang isa't isa. Kung maaari namang magkapatawaran ng mas maaga, gagawin. Pero siyempre, huwag mo ring pilitin ang sarili mo kung alam mong hindi pa talaga kaya."

"Elena is on point, Julz." salita ni Emz. "You deserve to be happy. Don't let pride control your happiness. We are human and human tends to commit mistakes. But humans have hearts, and we have a heart to love and forgive. Give yourself a chance to be happy."

I nod at them. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa kanilang sinabi. "I know and I will. I just need time. Medyo mabilis kasi ang mga kaganapan kaya halos sabay-sabay na bumagsak sa akin ang sakit. Pero alam kong kaya kong mapatawad. Dahil naniniwala naman ako na pag mahal mo ang isang tao, hindi ka mapapagod magpatawad lalo na't pag alam mong karapat-dapat siyang patawarin. Sa ngayon, I'm still recuperating but I'm getting there. Pag nagkita ulit kami ni Jack isang araw, kaya ko ng ngumiti sa kanya. Kaya ko ng titigan siya. Kaya ko ng mahalin ulit siya. At mamahalin ko siya ng paulit-ulit." my voice faltered.

Halos sabay silang napasinghap at lumapit sa akin. They hugged me so tight pero natawa ako sa kanilang ginawi. Natatawa na naiiyak. Ganun din sila. May luha rin sa kanilang mga mata.

"Join kami sa group hug na yan!" nilingon ko ang mga lalake na pababa sa hagdan. They're all smiling at us.

Kumawala ang mga babae sa akin at isa-isa nilang nilapitan ang kanilang mga lalake. Nagyakapan muna ang mga ito.

I almost rolled my eyes ngunit nakangisi. Halos natawa din ako kay James dahil ganun din ang inakto niya katulad ng sa akin.

These couples really can't get enough with each other. But I find it romantic. The boys really are possessive with them. Ipupusta ko ang buhay ko, handang magpakamatay at pumatay ang mga lalakeng ito para sa kanilang minamahal.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon