Chapter 45: In A Hurry

Magsimula sa umpisa
                                    

Humupa na lang ang pagkahiya ni Monic at ang pagtawa ni Marky nang mapag-usapan nila si Yvette, with her opening up the topic, asking kung anong nangyari matapos niyang iwan na magkasama ang mga ito kahapon. Marky told her how he dealt with Yvette, and she was shocked to find out what he had told the bitch. "Hindi ko na ipapakita sa kanya si Alannah, at lalaban ako kahit paabutin niya pa 'yon sa korte."

"Kawawa naman si Alannah..." Malungkot na naibulong ni Monic sa sarili. Na-imagine niya ang mararamdaman ng bata kapag naipit nang ganon sa pagitan ng mga magulang. And she felt nothing but pain and sadness.

"Kahit naman ako, naaawa sa anak ko..." Pag-amin ni Marky. "Kung ako lang, ayaw ko talaga sanang umabot kami sa ganon, pero wala na akong ibang choice eh... Sa kaso ni Yvette, wala na..."

Napatitig si Monic kay Marky. Nakatulala na ito at halatang nahihirapan din sa desisyong ginawa. Naaawa na rin siya rito, pero ang isipin na ang relasyon nila ang dahilan kung bakit umabot sa ganon ang sitwasyon ng mga ito, mas nakonsensya siya. Pakiramdam lang niya, kasalanan niya ang lahat. But no. She wouldn't let that feeling make her back out and give up her love for Marky. Malaking sakripisyo na ang ginawa ng binata para lang sa kanya, para sa pagmamahalan nilang dalawa, at hindi niya iyon magagawang sayangin.

Inabot ni Monic ang isang kamay ni Marky at idinikit iyon sa kanyang pisngi. Oh, that hand...

"Magiging okay din ang lahat, Marky..." She wanted to say more than that para mapagaan ang pakiramdam ng kanyang nobyo, pero wala na siyang masabi bukod doon eh. Maiinis sana siya sa kanyang sarili, kung hindi lang siya nginitian ni Marky.

"Oo naman, magiging okay din ang lahat. Basta kasama kita at si Alannah."

That, took something heavy out of her chest, and finally made her smile back at him.

***

"ITO NA OH." Nilapag ni Monic sa kanyang kama ang mga damit na hinubad niya kay Marky kagabi. "Ako nag-dry clean ng mga 'yan." Proud niya pang sabi.

"Wow." Nagpamewang sa kanyang tabi si Marky at ngumiti nang nakakaloko habang nakatingin doon sa mga damit. "Isa na lang talaga ang kulang..."

"Kulang?" Nagtaka naman si Monic. "Ano na lang ang kulang?"

"Ah, wala..." Napakamot ng batok ang binata.

Nagtataka pa rin si Monic pero binalewala na niya iyon. "Teka, sure ka bang maliligo ka? Hindi kaya makasama 'yon sa'yo?"

"Hindi 'yon. Sanay akong ganon. Ayokong bini-baby ang sakit ko." Nilipat nito ang tingin sa kanya. "Ikaw, maliligo ka rin 'di ba?"

Naalala naman ni Monic ang trabaho na kailangan niyang pasukan sa araw na iyon, as well as si Teacher Riz na tinadtad pala siya ng text kahapon pagkauwi niya dahil nabalitaan nito ang iskandalong nangyari sa labas ng nursery school. The thought of her workmate throwing her a bucketful of questions later made her want to sigh.

"Oo. Bakit?" Sagot niya sa tanong ni Marky.

"Hmmm, sabay na tayong maligo..."

Napatitig siya kay Marky--sa mga mata nitong nanunukso, at sa mga labi nitong nakangiti nang nakakaloko. Naughty mode, she thought.

"Joke lang." Awkward itong tumawa at naglakad na papuntang CR.

Loko talaga. And she took a deep breath.

Sinundan niya si Marky without him knowing. Nagulat na lang ito nang pigilan niya ang pagsara nito sa pinto, at mas nagulat pa nang marinig ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Pasabay maligo."

***

GALING BA TALAGA sa sakit ang lalaking 'to kagabi?

Ilang beses iyon naitanong ni Monic sa sarili the whole time she was with Marky inside the bathroom. Paano ba naman, nakaya nitong maligo nang malamig ang tubig. At... nakayang gawin ang mga ginawa sa kanya.

Napangiti si Monic habang nakaupo sa kama at nagpupunas ng buhok--at habang pinapanood si Marky na nagbibihis sa kanyang harapan. He was half-naked, busy doing his pants, and she couldn't help but stare at his physique, particularly at his arms--oh those powerful arms that were able to carry her up, pinning her against the bathroom wall as he owned her once again.

Monic really admired Marky's strength--strength that managed to hold her up for a few minutes after they reached one exhausting climax, and before she told him that she already could stand up on her own.

"Nix, ha... Huwag mo nga ako titigan nang ganyan..." Sita ni Marky sa kanya sabay upo sa kanyang tabi at punas din sa sariling buhok. "Kung anu-ano tumatakbo sa isip ko eh..."

Inikutan niya ito ng mga mata, pero ramdam din ang pag-init ng kanyang mga pisngi. "Perv much."

Ngumiti naman ito nang nakakaloko. "Perv much only to you."

Natawa si Monic. "Only to me. Buti naman."

Tinukod ni Marky ang isang braso sa kanyang likuran, at niyukuan siya para halikan sa noo. Monic shut her eyes to feel more of that kiss. Sobra siyang natutuwa na kahit ang dirty ng dating ng tuksuhan nila sa isa't isa eh pinaparamdam pa rin nito ang respetong mayroon ito sa kanya.

"Bihis ka na." She softly reminded him and he nodded. Tumayo naman na siya at pumuwesto sa tapat ng kanyang tukador.

Nang matitigan ni Monic ang sarili sa salamin, hindi niya alam pero parang may kakaiba sa kanya. Parang... parang mas nagagandahan siya sa kanyang sarili ngayon.

Sa gitna ng pagbibihis nila, may cellphone na nag-ring. That was Marky's phone.

Sinuot naman muna ng binata ang itim nitong T-shirt bago sinagot ang tawag. Habang si Monic ay nanatili lang sa pagkakaupo sa tapat ng tukador, abala sa pagsusuot ng hikaw.

"Hello, Ma."

Ah, Tita Malou... Biglang na-miss ni Monic ang matanda.

"Nandito po ako kay Nix ngayon..."

Napangiti si Monic sa narinig sa hindi malamang dahilan.

"Huh?"

Tinignan ni Monic sa salamin ang kanyang nobyo. Nakaupo pa rin ito sa kama at naka-kunot noo.

"Teka, bakit? Ano po bang nangyari sa inyo?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Monic habang nakatitig pa rin sa repleksyon ni Marky. Nakita niya ang pagkawala ng pagkunot-noo nito at ang pagpalit ng pamimilog ng mga mata.

"S-sige po, Ma. Sige."

Lalong kinabahan si Monic sa kabado ring boses ni Marky. Nang ibaba na nito ang tawag ay tumayo na ito, mukhang aalis na, ngunit parang nagdadalawang-isip.

"Marky," tumayo na rin si Monic at hinarap ito. "Bakit? Anong problema?"

Hindi ito makatingin sa kanya at tila nahihirapang magsalita.

"Uy, Marky..." Sobra nang kinakabahan at nag-aalala si Monic. Hinawakan niya ang binata sa likod at hinaplos ito.

"S-si... Si Yvette..." Tulala nitong sambit. Hindi naman mawari ni Monic ang kanyang naramdaman sa pagsambit nito sa pangalan ng babaeng iyon.

Anong pakialam ko sa babaeng iyon? Gusto sana niyang isagot. Ngunit nang masabi na ni Marky ang nangyari kay Yvette, halos manghina siya. And next thing she knew, she was already walking with Marky--in a hurry, to get his car and to go where her best friend was.


--TBC

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon