Chapter 45: In A Hurry

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh hinihingi niya kaya sa akin si Alannah!" Napasimangot ito. "Gusto na nung magkaanak eh pero ayaw namang mambuntis kaya anak ko na lang ang hinihingi."

Natawa si Monic. Seriously, Las?

"Tapos nung tumawag ako kani-kanina lang, sabi ba naman ng lalaking 'yon sa akin, huwag na akong umuwi? Hindi na raw kasi ako kilala ng anak ko. Siya na raw ang kinikilala ni Alannah na Daddy!"

Lumakas ang tawa ni Monic at napatakip na lang siya ng bibig. 'Yung itsura naman kasi ng kanyang nobyo... siniseryoso lang ang pinagsasabi ng baliw nitong kaibigan? She found it also cute, though, how he was being possessive of his little princess.

Nang makita niyang napanguso sa kanya si Marky, tumigil na siya sa pagtawa at nginitian na lang ito.

"Napaka-adorable naman kasi ni Alannah. Kahit ako, gusto ko siyang maging anak." She said matter-of-factly.

Napangiti na rin si Marky, bago muling tinuon ang paningin sa piniprito at isa-isa 'yung inahon sa isang plato.

"Alam mo, sa totoo lang, para sa akin, anak mo na rin ang anak ko." Sagot nito. Then he looked at her with a hint of hope in his eyes--hope, maybe, na hindi siya tumanggi o mailang sa sinasabi nito. "Sa nakikita kong pakikitungo at pag-aalaga mo kay Alannah... ikaw na ang tinuturing kong ina niya."

Nagwala ang puso ni Monic at napangiti nang malapad. She felt praised, felt great as a woman, as Marky's girlfriend.

"Kaya sobrang thankful ako eh," inabot ni Marky ang kanyang mukha para may hawiing buhok at iipit iyon sa likuran ng kanyang tenga. "Thankful na ikaw ang minahal at minamahal ko ngayon, hindi lang dahil sa sinusuklian mo ang pagmamahal ko, kundi dahil sobra pa ang binabalik mong pagmamahal sa akin--dahil pati ang anak ko na malaking parte ng buhay ko, tanggap at minamahal mo."

Humawak na ito sa pisngi niya at nilapitan siya, with his other hand holding her on the waist. Pagkalapit ay pinagdikit nito ang kanilang mga noo at patuloy na nagsalita.

"Thank you, Monic. Thank you very much for all you've given me up to this point. Forgiveness, second chance, acceptance, love, your everything. I swear, hindi ko sasayangin ang lahat ng iyon. Hindi ko na talaga hahayaang mawala ka pa ulit sa buhay ko. God--God knows how much I love you."

At ayun na naman ang puso ni Monic... 'yung parang sasabog na dahil sa sobrang pagmamahal na nararamdaman.

"Oh God knows how much I love you too, Marky." She replied, placing her hands on his shoulders.

They both smiled, then teased themselves by making their noses touch. Nang yukuan naman na siya si Marky upang halikan, pinalupot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Good--"

"Ay hala!"

'Yung dalawang kasambahay, bigla-biglang pumasok sa kusina, dahilan para mapabitaw si Monic kay Marky habang ang binata naman ay nanatiling nakahawak sa kanyang bewang.

Nakakahiya! Itinago ni Monic ang mukha sa dibdib ni Marky.

"SPG!" Sigaw nung matabang kasambahay sabay takip ng mga mata

"Ang sweet kaya!" Parang kinikilig naman 'yung maliit na isa. "Bati na sila! Ayieee! Congrats po Ma'am at Sir!"

Natawa si Marky at niyakap ang ulo ni Monic. "Maraming salamat. Uhm, nagugutom na kami eh. Puwede pakihanda na lang ng iba pang makakain?"

"Sure po!" 'Yung maliit na kasambahay ang sumagot.

Dahil doon, nakatakas na sila papuntang kainan. Pero mula no'n ay hindi na magawang tignan ni Monic ang mga kasambahay nila sa mata. Hiyang-hiya talaga siya. Habang si Marky, pinagtatawanan lang ang pagkahiya niya at pasimple pa siyang inaasar. Binabato niya tuloy ito ng maliliit na piraso ng kinurot niyang tinapay.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon