Hindi ba galit ako sa kanya? Hindi ba gusto ko na siyang umalis? Eh ano 'to? Nagkasakit lang siya, bigla na lang akong nag-alala nang ganito--bigla na lang akong naaligaga na alagaan siya.

Wow, Monic. Just, wow.

Kahit halatang mabigat ang nararamdaman ay pilit bumangon si Marky at nilapag sa bedside table 'yung baso. Nung bumalik ito sa pagkakaupo ay inabot nito ang isa niyang kamay at mahigpit siyang hinawakan.

Mainit. Ramdam ni Monic ang init mula sa kamay nito.

"Monic..." Halata rin sa boses ni Marky ang panghihina nito. "Hindi mo na ba talaga ako pinagkakatiwalaan?"

Hindi siya makasagot. Yumuko lang siya para iwasan ang pagtitig ng binata at para pakiramdaman ang sarili.

Hindi na nga ba niya pinagkakatiwalaan si Marky? Sa pagkakatanda niya ay binigay niyang muli ang kanyang tiwala rito mula nang magkaayos at magkabalikan silang dalawa. Pero sa mga nangyari kanina... sa mga salitang binitiwan sa kanya ni Yvette...

"Kung anu-ano na siguro iniisip mo sa amin ni Marky... Iniisip na... totoo."

"To show how I pity you, being cheated on again by the same guy."

"Hin... Hindi ko alam, Marky..." Sagot na niya rito kasabay ng muling paninikip ng kanyang dibdib. "Matulog ka na..."

Gusto niyang takasan ang pag-uusap nilang iyon, ngunit ayaw naman pakawalan ni Marky ang kanya kamay kahit anong hatak ang gawin niya.

God. How could Marky still be that physically strong sa kabila ng sakit nito?

"Hindi mo alam kung hindi mo na ako pinagkakatiwalaan... Pero kung sa akin lang, mas pinagkakatiwalaan mo pa ang mga lumalabas sa bibig ni Yvette?"

That made her let out an exasperated sigh. "But at least, tumutugma ang mga sinasabi ni Yvette sa sitwasyon--"

"Tumutugma agad? Hindi ba puwedeng ginamit niya lang 'yung sitwasyong kinalalagyan niya para magsinungaling at gumawa ng ibang kuwento? Para masira ang relasyon nating dalawa? Alam mo naman na hindi siya pabor sa relasyon natin, 'di ba?"

Natamaan naman si Monic sa mga sinabi nito. Hindi iyon sumagi sa isip niya. Pero paano rin naman kasi iyon sasagi sa isip niya? Nadala na siya sa mga nangyari noon.

"Look at me, Monic..."

Hindi siya sumunod sa sinabi ni Marky. Nanatili lang siyang nakayuko at nakatitig sa kamay niyang hawak-hawak nito.

"Monic," dumiin ang tono ng binata kasabay ng paghawak ng isa nitong kamay sa kanyang baba niya upang magkatinginan sila nang harapan.

Marky's eyes... they looked weak, but very determined.

"Monic, hindi totoo ang kung anumang sinabi sa'yo ni Yvette. Walang nangyari sa amin--walang nangyari na katulad ng nangyari noon, ng iniisip mo. Please, believe me."

Suddenly, Monic's throat felt dry, kaya lumunok siya bago sumagot.

"Kung wala... Bakit hindi mo sinabi sa akin agad na magkasama kayo?" Naiiyak si Monic at hindi siya makapaniwala na nangyayari na naman iyon, ang magkausap sila ni Marky sa ganon kasakit at kahirap na paraan. "Bakit kailangang kay Yvette ko pa 'yon malaman--nang gamit pa ang cellphone mo?"

Binitawan na siya nito sa kanyang baba. "Okay... Aaaminin ko nang isang malaking pagkakamali iyon--na naglihim ako sa'yo."

Nanggigil ang mga kamay ni Monic.

See? Talagang naglihim siya. Sinadya niyang hindi 'yon ipaalam sa akin.

"Kaya kanina, gusto ko sanang iumpog ang ulo ko sa kalsada eh, dahil sa pagkakamali kong iyon." Marky started to sound frustrated. "Dapat pala talaga kasi, sinabi ko na agad sa'yo ang ginagawa kong pakikipag-ayos kay Yvette. Hindi ko na dapat inisip na surpresahin ka kung sakaling magkaayos na kami. Dahil si Yvette nga pala 'yon--ang nakasira sa relasyon natin noon, na maaring makasira muli ng relasyon natin ngayon. Hindi ako nag-ingat. Hindi na ako nadala."

Umurong ang dila ni Monic sa paliwanag ni Marky. Pumupunto na ito. But still, gusto pa rin niyang timbangin ang bawat salitang sinasabi nito.

"Sorry sa paglilihim na ginawa ko, Monic." Now, Marky sounded desperate. "Pero, ayun lang naman 'yon eh. Wala akong masamang intensyon. Wala akong ginawang masama. Gusto ko lang talaga na magkaayos na kami ni Yvette para matahimik na tayong dalawa, para hindi na niya idamay pa si Alannah sa panggugulo sa atin."

Sa kanyang naririnig, unti-unti nang nawawala ang paninikip ng dibdib ni Monic. Pero... kulang pa eh...

"Kaso, kagabi, hindi ko akalain na susugurin ako ni Yvette sa amin. Lasing siya no'n, Monic, at naglabas siya ng sama ng loob at galit sa akin. Umiyak siya at nagmakaawa, hanggang sa makatulugan na niya 'yon. Hindi ko naman siya puwedeng ipagtabuyan nang ganon siya, kaya doon ko na lang siya hinayaang matulog sa tabi ni Alannah."

Monic was picturing the scene in her mind, at lalong lumilinaw sa kanya ang lahat.

Kaya pala kanina...

"Kaya kaninang umaga, napakialaman niya ang cellphone. Dahil naliligo ako no'n at pinalaro ko 'yon kay Alannah. At nung makapag-usap naman na kami ulit, wala siyang sinabi tungkol sa pagtawag mo at nagpaalam na siya agad na kailangan na niyang umalis."

That bitch... Nanggigil na naman si Monic

"Sabi pa niya bago siya umalis, hindi na siya kokontra sa atin kasi pagod na raw siya. She sounded sincere kaya naniwala ako. Nagpasalamat pa ako sa kanya bago ko siya hinayaang umalis."

Monic imagined Yvette's poker face, and she wanted to rip it off and exchange it with a snake's.

"Pagkaalis niya, ikaw naman ang sinubukan kong kausapin, Monic. Pero hindi ka na nagre-reply o sumasagot sa mga tawag ko. Akala ko naman busy ka lang, pero naikuwento sa akin ni Las ang naging pag-uusap niyo. Doon na ako natauhan sa posibleng nangyari, at nagmadali na akong puntahan ka para personal na magpaliwanag. Pero..." Sinadya ni Marky na hindi tapusin ang sinasabi, dahilan para muling mapalunok si Monic.

Pero sinampal kita at nakipaghiwalay na naman ako sa'yo... Gusto niya sanang idugtong sa paliwanag ng binata. Pero nag-ipon na lang siya ng lakas ng loob para patuloy itong matitigan at mahingian ng tawad.

"S-sorry..." Sabi niya sabay yuko. At sa kanyang pagyuko ay hindi na niya nakontrol ang pagluha ng kanyang mga mata.

God.

Dali-dali niyang pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang sariling mga kamay.

Mahina namang natawa si Marky sabay tulong sa kanya sa pagpupunas ng luha. And his warm, manly hands touching her like that... Oh, she just couldn't stop herself from loving him.

"No need to say sorry, Nix... Ako pa rin ang may kasalanan ng nangyari eh... Ang gusto ko na lang sana ay magkaayos na tayong dalawa--at maipawalang-bisa mo 'yung sinabi mo kanina na wala na tayo..."

Maipawalang-bisa. Natawa naman doon si Monic.

"Ano yan... Tumatawa-tawa ka na lang diyan ha..." Patampong sita sa kanya ni Marky. "Nakalimutan mo na ba 'yung ginawa mo dito kanina?" Tinuro nito ang pisngi na kanyang sinampal kanina.

Pinigilan ni Monic ang muling matawa at inabot ang pisngi nitong iyon. "Gusto mong ulitin ko ang ginawa kong 'yon?"

"Grabe..." Ngumuso ito.

Ngumiti naman si Monic at hindi na niya nakontrol ang sarili. Niyakap niya ito sa katawan at tinulak pahiga sa kama. Marky was still hot due to fever at alam niyang maaari siyang mahawa rito, pero wala siyang pakialam.

"Matulog ka na nga, mahal kong hari..." She told him, intentionally emphasizing the last three words para ipaalam na okay na sila. "Nang gumaling ka na..." At siniksik niya ang sarili sa gilid nito.

Mahina ulit na natawa si Marky at ginantihan ang yakap niya. "Well, I think I can let myself take a rest now--now that we're already okay--now that my queen's already back to me..."


--TBC

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now