Chapter Sixty Nine

Start from the beginning
                                    

Great. Mapait siyang napangiti. Maayos siyang nagpaalam sa ginang bago putulin ang tawag. Binalikan niya ang kwarto ni Kira at binuksan ang cabinet nito. Mukhang marami itong damit na dinala. Hindi niya nakita doon ang mga paborito nitong damit.

 Nang lumingon niya ay napansin niya ang isang papel na nakapatong sa unan nito. Ngayon lang niya iyon napansin. Nilapitan ni Callan iyon at dinampot. Dahan-dahan niya iyong binuklat at binasa..


 Callan, 

 Wala na siguro ako kung mababasa mo pa ito. Huwag kang magalit sa akin. Pinili ko na huwag na magpaalam sa 'yo ng personal. Ayaw kong mas maging mahirap pa para sa ating dalawa ang paglayo ko. Ayaw kong pareho pa tayong magdusa.

 I know, malaking kasalanan ang nagawa ni Mama sa pamilya mo. But she was still my mother. Yes, disappointed ako. Disappointed ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na magagawa niya ang bagay na 'yon. Pero hindi ko kayang magalit sa kanya. Kahit pagbalitarin ko pa ang mundo, walang makakapagbago na siya ang ina ko. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya magawang kamuhian. Kung napatawad siya ni Papa, bakit hindi ko rin gawin 'yon?

 Pare-pareho lang tayong nagdudusa at nahihirapan.

 Pero siguro, kaya mas nahihirapan tayo ay dahil sa kung ano ang meron tayo. Mas lalo tayong nagdudusa dahil sa magulong nakaraan natin. Naaapektuhan noon ang relasyon natin. Nasa panig ka ng mama mo habang nasa panig ako ng sarili kong ina.

 Tama ang iyong ina. Hindi tayo puwedeng magsama. Dahil sa kasalanan ng ina ko, hindi magiging maganda kung patuloy pa rin tayong magsasama. Hindi tayo magiging masaya kahit kelan.

 But i still want you to know that i love you.. I am hopelessly, madly, helplessly inlove with you. Mahal pa rin kita kahit hindi na puwede.. Kahit masakit na.

 I can't. I can't stopped loving you. My heart won't stop loving you. At kung hindi ako lalayo, magiging selfish lang ako at ipagpipilitin ko pa rin ang sarili ko sa 'yo. Kaya natatakot ako, Callan. Natatakot ako na ikaw mismo ang lumayo sa akin. Natatakot ako na baka isang araw, magsawa ka na sa akin at hindi mo na ako mahalin tulad ng dati.. At ayaw kong dumating ang araw na mahanap mo 'yong babaeng mas makakahigit pa sa akin at iwanan mo na ako. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa 'yon.

 Kaya kailangan kong magdesisyon ngayon. Mas makakabuti kung magiging malayo muna tayo sa isa't isa. Makakabuti kung mapuputol muna ng panandalian ang meron tayo ngayon. Ayokong makitang nahihirapan ka. Kahit gusto ko na makita ka sa araw-araw, mayakap ka lagi at makasama ka sa iisang bahay ay hindi puwede.

Sa ngayon, pareho tayong naguguluhan at nahihirapan. Kailangan na may isang magparaya. Kahit ayaw kitang bitawan at palayain.. I need to do this. And i need you to understand..

 Ito ang makakabuti sa 'yo, Callan... Ang lumayo muna ako.

 Please be happy, hon. I want you to be happy.. For always.

I love you so much.

 Your loving wife.


 NANIKIP ANG DIDBIB ni Callan matapos basahin ang sulat ni Kira. Mariin siyang tumiim-bagang habang hinihiwa ng matinding pangamba ang sikmura niya. Lumayo ito para sa kanya. Marahil ay iniisip nito na iyon ang makakabuti para sa kanilang dalawa.

 He should not really left her last night! Hindi siya makapaniwalang iniwan niya kagabi ang dalaga. Kahit gaano pa siya kagalit kagabi, hindi pa rin niya ito iniwanan. Tama si Diego. Mag-asawa na sila ni Kira. Dapat ay kinausap niya ito kagabi at nagkaroon na agad sila ng maliwanag na pag-uusap.

 Nagsisisi siya ngayon.

Hindi niya dapat pinanaig ang emosyon niya. Kung maibabalik lamang niya ang oras, hindi niya iiwan si Kira. Hinding-hindi niya ito iiwan!

 Damn! Ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ang asawa pumunta. Malabong makapunta agad ito sa Palawan. Mga ilang saglit pa ay sinubukan niya ulit itong tawagan. Ngunit hindi talaga nito sinasagot ang tawag niya.

 "Hon, this is no longer funny.. Hahayaan kitang lumayo sa ngayon. But please, sabihin mo sa akin kung nasaan ka. Kahit iyon lang, please.. Sagutin mo na ang tawag ko."

 Nang gabing 'yon ay natagpuan niya ang sarili sa harap ng bahay ni Themarie. Alam na hindi basta-basta aalis si Kira kung wala itong mapagkakatiwalaan sa negosyo nito. At si Themarie ang alam niyang malapit na kaibigan ni Kira na kaya nitong takbuhan.

 O baka nga nandoon lang din ang asawa nakikituluyan.

 Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang kaibigan ni Kira. Napansin niya na parang bumibilog ito ngayon.

 "Callan.." Parang inaasahan na nito ang pagbisita niya. Pilit na ngumiti ito sa kanya. "Napabisita ka yata?"

 Matamis na ngumiti siya at hindi na nagpaligoy. "Nasaan si Kira?"

Namilog ang mata nito, tila hindi inaasahan ang diretsahang tanong niya. "S-Si Kira? H-Hindi ko alam, eh." Nag-iwas ito ng mata at lumunok. "Bakit mo sa akin tinatanong? Di ba, ikaw ang asawa?"

 Naningkit ang mata niya. "Just tell me where she is."

 "Pero Callan.."

 "Tama ka, Themarie. Asawa ko si Kira. Kaya kung alam mo kung nasaan siya ngayon, sabihin mo sa akin. May karapatan ako na malaman kung saan siya pumunta."

 Humugot na malalim na hininga si Themarie at diretsong tumingin sa kanya. "Yes, i know where she is, but i'm not telling you. Sorry."

 Nanigas ang katawan ni Callan at nagsalubong ang kilay. "And why is that?"

 "Dahil kaibigan ako ni Kira. Pinagkakatiwalaan niya ako at bilang isang kaibigan, mahalaga sa akin ang tiwala ng isang tao. Alam ko kung nasaan siya pumunta. Don't worry, she will be safe. Gusto lamang ni Kira na lumayo muna. May iniwan naman siguro siyang sulat sa 'yo, di ba? Please understand her. Kahit asawa mo na siya, may karapatan pa din siya na magdesisyon para sa sarili niya. Kung naniniwala ka na mahal ka niya, babalik 'yon sa 'yo. Sa ngayon, hayaan mo muna ang kaibigan ko.. Hayaan mo muna siyang isipin na ito ang makakabuti para sa inyong dalawa."

 Parang naparalisa si Callan at ang tanging nagawa lang niya ay titigan at pakinggan ang sinasabi ng kausap.

 "Huwag ka sana magalit sa akin, Callan. Ginagawa ko lang ito dahil kaibigan ako ni Kira. Ayaw ko na makitang nahihirapan at nagdurusa ang taong malapit sa puso. I'm really sorry." Pagkatapos nitong magpaalam sa kanya ay isinara na nito ang pinto.

 Marahas na humigit siya ng hangin at malalaki ang hakbang na pumasok sa kotse niya. Nakatiim-bagang na pinaandar niya ang sasakyan.

 They had got to be fucking kidding him. Hindi siya makakapayag na lumayo sa kanya si Kira.

 "Kung mahal ka niya, babalik 'yon sa 'yo. Sa ngayon, hayaan mo muna ang kaibigan ko.. Hayaan mo muna siyang isipin na ito ang makakabuti para sa inyong dalawa."

  Fuck that.

 Alam niya kung ano ang mas nakakabuti para sa kanila ni Kira. Kailangan lang nila na mag-usap. Magkapaliwanagan. Hindi ang magkalayo!

 He never told her to leave him! Damn it!

Nanginginig na isinuklay ni Callan ang daliri sa buhok. No, Kira. This is not the best for us. Bumalik ka na sa akin. Please, i want you here.. I need you, hon. Please.

  Kung hindi sa kanya sasabihin ni Themarie kung nasaan ang asawa niya, pwes siya mismo ang maghahanap dito. Para saan pa at nasa ganoong propesyon siya kung hindi niya ito mahahanap.

 Hindi siya makakapayag na si Kira ang magpasya ng makakabuti para sa kanila. Hindi siya makakapayag na layuan ito at kalimutan siya.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now