You're the One, right?

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinakabahan ako sa kakaibang kutob ko kanina at ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko mula sa noo...

Nasa daan na kami pauwi nang biglang lumiko si Jacob kaya mas kinutuban pa ako...

"J-jacob... Saan tayo pupunta?" pagtatanong ko

Ngumiti lang siya nang malumbay tapos ipinagpatuloy ang pagmamaneho...

Tumigil kami sa isang bahay na malapit lang sa school...

Kinabahan lalo ako...

"Tara na. Nandito na ang Big Bang." sabi ni Jacob sabay Baba sa kotse...

Big bang? Yung Gang o yung Banda sa Korea? Aiish.

Bumaba na ako nang kotse nang masiguro kong hindi ako pagbubuksan ni Jacob ng pinto...

Nagdire-diretso na kami sa loob nang bahay at nang makapasok ako,

Nakita ko ang seryosong mga mukha nang kagang ni Jacob...

At nang makita nila ako...

Nakita ko ang iba't-ibang emosyon sa mukha nila...

Pagdududa, Pagkagulat, Paghihinala at Pagkagalit...

Lalong bumilis ang tibok nang puso ko at pinagpapawisan na ako nang malamig...

"Hoy mga Gago. Bakit niyo ako kelangan dito?" sabi ni Jacob nang maramdaman siguro niya ang tension sa buong bahay...

Nanatili lang silang tahimik pero nagsalita yung isa niyang kagang na sa pagkakaalala ko ay Lee ang pangalan...

"Diba sinabi na namin sa'yong layu---" sabi ni Lee na naputol nang biglang humiyaw si Jacob

"HINDI SIYA YUN!" sabi ni Jacob tapos hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit...

Nanahimik na naman sila tapos nagsalita si Mark...

"Ahehehe. Jacob! Tara muna bumili nang beer! Kaya ka namin pinatawag eh kasi magbobonding ang buong gang. Akala nga namin ay bibili ka na pagkapunta mo dito. Pero hindi namin inakala na... SIYA lang ang dadalhin mo rito... Ahehehe!" sabi ni Mark sabay Akbay kay Jacob

Tinanggal naman ni Jacob yung kamay ni Mark at tumingin sa akin...

"Iiwan muna kita dito... Akin na ang cellphone mo..." sabi ni Jacob na mukhang seryoso kaya nataranta ako sa kakahanap ng cellphone ko

Nang makita ko yun ay ibinigay ko naman sa kanya tapos may pinagtatatype siya dun...

Pagkatapos niyang magtype dun ay bumulong siya sa tenga ko...

"Nasa Speed Dial #1 mo ako. Pindotin mo lang yun pag may nangyaring masama sa'yo..." bulong ni Jacob tapos umalis na sila ni Mark...

Lalo akong kinabahan sa sinabi niya...

Bakit ako mapapahamak?

Nang makaalis silang dalawa ay nangangatal akong ngumiti sa mga kagang niya...

Umiwas lang sila nang tingin sa akin sabay yuko...

Naglakas loob akong maupo sa sofa na walang umookupa...

Narinig ko bigla ang pagbuntong hininga ni Lee...

At biglaang nagsalita si Jomar...

"You are the One, Right?" sabi ni Jomar na ikinabigla ko naman

"A-a-alin? A-a-ano?" natataranta kong tanong at kinakapa ko sa bulsa ko ang cellphone ko

"You are the one assigned to kill Jacob.. Right? You are the Assassin... Right?" pagsasabi ni Lee na naging dahilan nang panlalamig nang buo kong katawan

Kinakabahan na talaga ako pero hindi ko alam na may mas ikakakaba pa pala ako...

Mas kinabahan ako nang bigla akong nakaramdam nang malamig na bakal sa may leeg ko...

M-m-may Baril..

May Baril na nakatutok sa akin...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~SimpleMe09


SM09's N: Short Update lang ^O^ Wala na akong maisip XD Dedicated kay Mika dahil sabi niyang mag-update daw ako!!! *O*

Nga pala... Ang hindi na nakakaalala sa mga kagang ni Jacob ay bumalik lang sa Chapter: Meet my Gang. Nasa External Link ang Picture nang buong Gang ni Jacob. At OO. Bigbang ang Name XD Kasalanan ko bang naadik ako sa Monster MV nung mga oras na yun? XD

I Heart My Assassin (Under-Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon