Chapter 40: Sorry

Start from the beginning
                                    

Papikit na si Marky at nahahatak na ng antok, nang may biglang nag-doorbell. Nung una, pinakiramdaman pa niya kung may nag-doorbell nga. At naulit naman iyon.

Ugh, Las.

Badtrip siyang tumayo. Malamang kasi na nagpakalasing na naman nang todo ang kaibigan niya kaya ayun, hindi na naman mabuksan ang pinto. Lagi na lang ganon iyon tuwing umuuwing lasing eh. Lagi siyang dinadamay. Damay hindi lang sa pagbukas ng pinto kundi pati na sa pagpupuyat dahil dinadaldalan siya nito nang walang humpay.

Binuksan na niya ang front door kasabay ng paghanda sa kanyang mga tenga para sa mga nakakarinding ipaglalaban ni Alastor sa gabing iyon. Pero...

"Ah yes!" Cheer ng babaeng hinding-hindi niya inaasahan na pupunta roon--at nang ganong oras pa.

"Yvette?"

"Sa wakas, tumama riiin." Sabay sinok at ngiti ng dalaga. Naamoy na rin ni Marky ang alak mula rito.

"Lasing ka ba?" Kunot-noo niyang tanong dito.

"Lasing? Hindi ah! Naiinis lang ako. Kasi--" Sininok na naman ito. "Naka-dalawang mali ako ng bahay na kinatok. Uhh, dalawa nga ba 'yon? Ah, hindi. Tatlo pala. Tatlo. At puro walang Marky daw sa kanila. Ayun pala, mali lang ang pagkakabasa ko sa unit number nila." Sabay tawa naman. "Grabe. Nakakahiyaaa."

Humugot nang malalim na hininga si Marky bago hinawakan sa magkabilang braso ang dalaga.

"Pumasok ka nga muna, Yvette."

"Teka nga, ayoko! Nagpunta lang ako dito para tanungin ka ehhh. Tanungin kung ano baaang problema mo. Huh?" Dinuro-duro siya nito sa dibdib. "'Di ba, si Monic ang mahal mo? Sooo, bakit mo pa ako hinahanap, huh? Bakit ka pa nagte-text at tumatawag? Ano pa bang pakialam mo sa akin? Eh hindi mo naman akooo mahal." At dinuro naman nito ang sarili. "A-ko. Gustung-gusto mo akong nasasaktan eh 'no?"

"Hindi. Ano ka ba, Yvette. Halika nga." Pinilit niya itong papasukin sa loob ng unit. Mahirap na at baka nakaka-istorbo na sila ng kapitbahay.

"Bitawan mo ako!"

Buti nasa loob na sila nang magpumilit itong bumitaw sa kanya.

"Ang sama-sama mo talaga 'no, Marky? Dalawang beses mo na 'tong ginagawa sa akin. Da-la-wa na. At a-yo-ko na."

Nakokonsensya na naman si Marky.

"Sige na, sige na. Si Moniiic na ang mahal mo. Sige, magpakasal na kayo. Magsama na kayo. Sige lang. Pero... ibigay mo sa akin ang anak ko."

"Yvette? Puwede ba? Lasing ka lang kaya nasasabi mo 'yan. Magpahinga ka na muna dito." Hinawakan niya ito muli sa magkabilang braso para paupuin sa sofa.

"Hindiii!" Nagpumilit din itong muli na bumitaw. "Akin na kasi si Alannah!"

"Shhh, tulog na si Alannah. Kaya matulog ka na muna. Please, Yvette."

"Hindi, ayoko na dito, Marky. Ayoko na." Binira-bira siya nito sa dibdib. "Aalis na ako kasama si Alannah. Kaya ibigay mo siya sa akin."

"Tsk. Yvette naman." Napipikon na si Marky pero nagtimpi siya. Lasing lang si Yvette at gawa iyon ng sakit na nararamdaman nito dahil sa kanya. Kaya dapat lang na magpasensya siya.

"Kung ayaw mo siya ibigay, papiliin mo siya. Papiliin mo si Alannah kung kanino siya sasama. Papiliin mo siya and for sure, ako ang pipiliin niya. Ako. Kasi mahal niya ako, hindi-tulad-mo." Nasira na ang boses ni Yvette kasabay ng muling pagduro sa dibdib niya. "'Di ba? Sa pagkakataon naman siguro na 'to, may pipili na sa akin? May magmamahal na sa akin? Kahit sarili ko man lang na anak?"

Hinawakan ni Marky ang kamay ni Yvette na dumuduro sa kanya at kinulong ang dalaga sa isang napakahigpit na yakap.

"Tama na 'yan, Yvette..."

"This... This is so unfair." Humagulhol na ito. "Bakit ba ayaw niyo sa akin? No matter what I do--good or bad, wala na akong napalang maganda. Hindi ko makuha-kuha ang gusto ko. Bakit ba kayo ganyan? Bakit... bakit ba ganito ang buhay ko?"

Hindi alam ni Marky kung ano na bang dapat niyang sabihin kay Yvette. Hindi naman kasi ito nakikinig. Pero sobra na siyang naaawa dito. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil alam niya ang mga pinagdaanan nito sa buhay--growing up as an orphan with an abusive aunt. Nung mag-aral, puro kaaway ang nahanap sa eskwelahan. Wala itong naging kaibigan until she found Monic, an equally feisty girl na hindi natakot na pumanig dito sa kabila ng pagkakaroon nito ng maraming kaaway.

Then, he came into their lives. And... things in Yvette's life started to get messed up again. Minahal siya nito, pero sinong minahal niya? Ang matalik nitong kaibigan--si Monic. Lumala pa ang sitwasyon nila dahil sa purong katangahan na kanyang nagawa kaya nagkaanak sila nang hindi inaasahan. Ngayon tuloy, ayun. Napaka-kumplikado na ng sitwasyon nilang lahat.

Nagpatuloy lang si Yvette sa pag-iyak habang nakayakap sa kanya. Her cry seemed like it would last for hours but he didn't mind. Gusto niyang maparamdam sa dalaga na mahal niya ito, hindi man sa paraang hinahangad nito. Mahalaga ito sa kanya, hindi lang dahil sa ito ang ina ng kanyang anak kundi dahil tinuturing pa rin niya itong kaibigan.

Wala pa naman tatlumpung minuto ay tumahan din si Yvette at nakatulog sa mga bisig niya. Binuhat na niya ito patagilid at dinala sa kanyang kuwarto.

"Marky..." Bulong nito habang nakapikit. Nang maihiga niya ito sa tabi ng kanilang anak ay kumapit pa ito sa kanyang T-shirt. "Mahal kita, Marky... Please... Mahal kita..."

Gaya kanina ay hinawakan niya ang kamay nito upang pabitawin sa kanya.

"Alam ko, Yvette..." Bulong niya rin dito. "But I'm sorry... I'm... I'm very sorry..."

Hindi na sumagot si Yvette at may tumulo na lang luha mula sa nakapikit nitong mga mata. Pinunasan naman iyon ni Marky at hinalikan ito sa noo, bago lumabas ng kuwarto nang sabu-sabunot ang sariling buhok.


--TBC

A's NOTE: Short update. :( Pasensya na. :( :)

Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa nitong LTSTA ha. :) Sa mga nag-comment sa last chapter, esp to @PTRCMartinez and @jymiilovee, grabe. Thumbs up sa hugot.

Oh and malapit-lapit na 'tong matapos. So unting kapit na lang, readers. :)

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now