Chapter Sixty Six

Start from the beginning
                                    

 "Patawad, anak. Ngayon lang kami nakapunta. Kung hindi pa tumawag si Callan, hindi pa namin malalaman ng Papa mo ang nangyari sa baby mo. I'm really sorry, anak."

 Hindi siya nagsalita. Nanatili lamang siyang tila yelo sa pagkakaupo. Tumatagos ang tingin niya sa kanyang ina. She was a good mother to her. Kahit gusto niya itong sumbatan ngayon at komprontahin kung totoo ba ang mga sinabi ng ina ni Callan, ay parang hindi niya magawa. Iniisip pa lang niya ang pagiging mabuting ina nito sa kanya ay maluluha na siya.

 But why?

 Bakit kailangan pa nitong itago. Goddamnit, bakit hindi agad nito sinabi sa kanya? Dahil doon nagulat siya ng wala sa oras. Naging handa sana siya sa sakit na naramdaman. Hindi sana siya mabibigla at magdadamdam ng sobra.

 Dahilan para mahulog siya sa hagdan at mawala ang munting nilalang sa tiyan niya. Namasa ang mga mata ni Kira at kinailangan niyang kumurap para pawiin 'yon. Then, she took a long, deep breath.

 Walang mangyayari kung hindi niya kokomprontahin ang mama niya. Hindi niya malalaman kung sinong nagsasabi ng totoo at kung tunay nga ba ang paratang ni Mrs. Fontanilla.

 Tumabi sa kanya ang ina. "Anak, nandito lang kami ng papa mo. Alam kong masakit ang nangyari pero kailangan natin tanggapin na--"

 "Na alin? Na nawala ang anak ko? Hindi mo kailangan sabihin sa akin ngayon 'yan, Ma. I'm moving on. Unti-unti kong tinatanggap ang pagkawala ng anak namin ni Callan."

 Hinawakan nito ang balikat niya pero umiwas siya. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng kanyang mama. Kahit ang papa niya ay napakunot-noo.

 "Matatanggap ko na wala na talaga ang baby ko. Pero hindi ko matatanggap ang nalaman ko kay Mrs. Fontanilla."

 "Anak..."

Parehong namilog ang mata ng magulang niya. Base sa reaksyon ng dalawa, mukhang may itinago nga ang mga ito.

"A-Ano'ng sinasabi mo, anak?" nauutal na tanong ng ina niya. Tila nawala ang kulay sa mukha nito.

 May pait na ngumiti siya. "Hindi ba naulit sa inyo ni Callan? Nahulog ako sa hagdan kaya nawala ang baby namin. Pero bago nangyari 'yon, sumugod dito sa bahay si Mrs. Fontanilla. Kaya ko sanang tanggapin kung sasabihin niya na ayaw niya sa akin para sa anak niya. Kaya kong tanggapin kung tawagin niya akong malandi dahil sa pakikipagrelasyon ko kay Callan. Pero hindi ko matatanggap na malaman na nagkaroon ng bawal na relasyon ang ina ko sa ama ng asawa ko."

 Napasinghap ang mga ito. May luhang tumulo sa pisngi niya. Hinayaan lang niya iyong maglandas. Para makita ng mga ito kung gaano siya nahirapan.. Kung paano ginugulo ng nakaraan ng mga magulang niya ang kasalukuyan. She wanted them to see she was in pain.

"Actually, tama lang ang pagdating n'yo. Dahil gusto ko na malaman ang totoo. I wanted to know kung ano ang itinatago n'yo sa akin. And i wanted to ask you, Ma.. Ngayon lang." Tumitig siya sa namumutlang mukha ng ina. "Totoo ba ang bintang ng ina ni Callan?"

 "A-Anak.."

 "Sagutin mo ako, Ma. Huwag na nating patagalin pa 'to."

 "Pero, a-anak.."

 "'Ma! Please lang. Kahit ngayon lang maging tapat ka sa akin!" Tumingin siya sa papa niya na nakatungo. Nakapikit ito at tila naririnig niya ang mabigat na paghinga nito. Pumapalibot sa hangin ang tensyon. Parang may humahalukay sa sikmura niya at nanginginig ang kalamnan niya. Gusto niyang hilingin na sana maging panaginip lang ang lahat ng iyon. Ang pagkawala ng baby niya at ang mga nalaman niya ay sana'y naging isang masamang panaginip na lang. Parang gusto niyang gumising sa kabila ng kaalaman na dilat na dilat ang mata niya at totoo ang mga nangyayari. Pero sana.. Sana nananaginip lang---

 "Oo."

 Napakurap siya. "O-Oo?"

 Mariing pumikit ito at tumango. May luhang umaagos na sa pisngi nito. At parang tatakasan ng lakas ang buong sistema niya.

 "Patawad, anak. Malaking kasalanan ang nagawa ko noon. Nagkasala ako sa papa mo, nagkasala ako sa pamilya natin. Nagkamali ako dahil nagpadala ako sa tukso. Pero maniwala ka. Pinagsisihan ko na 'yon noon. Sobra akong nagsisi noon."

 Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Anak, makinig ka sa akin."

Pareho na silang umiiyak. She could feel the pain inside her. Mas lalo pa 'yong nadagdagan. Akala niya ay napakasaya na ng pamilya na meron siya. Sa kabila ng kahirapan, inakala niya na perpekto ang pamilya nila. Ngunit hindi pala.

 May sekretong nakatago sa pagitan ng pamilya niya at pamilya ng lalaking napangasawa niya.

 Sekretong hindi niya alam na labis na makakabasag sa puso niya. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang kanyang ina. Mula sa kung paano ito naakit sa ama ni Callan at kung paano nagsimula ang relasyon ng dalawa. Pero para siyang bingi. Walang rumehistrong mga salita sa isip niya. All she could care about was the pain. Parang diretso siyang sinaksak nito sa dibdib.

 Totoo pala ang mga sinabi ng ina ni Callan. Ang ina niya ang sumira sa pagsasama ng mga magulang ng asawa niya. Dahil sa bawal na relasyon.

 Bawal na relasyon.

 Umalingawngaw 'yon sa isipan niya. Luhaang tumingin siya sa kanyang mama. Yes, her mother was a beautiful woman. Kahit may edad na ito nananatili pa rin ang pagiging isang magandang babae nito. Hindi na siya magtataka kung maakit din dito si Mr. Fontanilla.

 "So, kung nagkaroon kayo ng relasyon.. Ibig sabihin ba noon ay totoo din na nagkaroon kayo ng anak, Ma?"

 Napakurap ito.

"Kung totoo 'yon, just tell me, 'Ma. Sabihin mo lang para matapos na ito." Alam niyang hindi lang siya ang nahihirapan ng oras na 'yon. Kundi pati na ang papa niya. Nakayuko lang ito. Malamang ay matagal na din nitong alam ang nangyari. Pero pinatawad nito ang ina niya. Naka-move on na siguro ang mga ito.

 At siya na ngayon lang 'yon nalaman ay parang hindi maka-move on.

"Oo, Kira. Nagkaanak kami ni Frei." Nanlalambot at naguguluhan na umupo siya.

 "Paano, Ma? I mean, paano mo naisilang ang bata?"

 Humugot ito ng malalim na hininga. "Tatlong taong gulang pa lang kayo ni Callan ng magkaroon kami ng unang relasyon ni Frei. Doon ako nabuntis, Kira. Itinago ko sa inyo ng Papa mo ang totoong nangyari. Pero kalaunan nalaman rin at nabunyag ang naging relasyon namin ni Frei ng malaman ni Chav ang tungkol sa bata."

 "Ibig n'yong sabihin.. Bata pa lang kami ni Callan ng magkaroon kayo ng relasyon ni Sir Frei?"

Tumango ito. "Oo. Nabuntis ako noon at sa Batangas ko ipinagbuntis ang naging anak namin."

 Naguguluhan pa rin siya. Ang akala niya ay teenager na sila ni Callan ng magkaroon ng relasyon si Sir Frei at ang ina nya.

"Where's the baby?"

 "Ipinaampon namin sa mag-asawang banyaga ang bata. Lalaki ang naging anak namin. At kaya lang nalaman 'yon ni Chavelly ay dahil nakikipagkita kami ni Frei sa bagong magulang ng bata."

 "Bakit kailangan n'yo pa na makipagkita sa mga magulang ng bata? Kung ganoon hindi n'yo na lang dapat ipinaampon. Sa ginawa n'yo, Ma, mas lalong lumaki ang kasalanan n'yo. May karapatan 'yong bata na malaman kung sino ang tunay na magulang n'ya. May karapatan siya na mabuhay kasama 'yong nagsilang sa kanya. Hindi sarado ang isip ko. Ma, handa akong tanggapin ang totoo kung sinabi mo agad. Handa rin sana akong tanggapin na may kapatid ako. Ipinaliwanag mo sana para hindi ako ngayon nahirapan."

 Ikinulong niya ang mukha sa kanyang palad at doon umiyak. Kung maaga niyang nalaman 'yon siguro ay hindi na nawala pa ang baby niya. Mas nagkaroon siguro ng kalinawan ang lahat bago nagkaroon sila ng relasyon ni Callan.

 Kahit sabihing nakaraan 'yon, apektado pa rin sila. Dahil mga anak sila. At ang nakaraan ay muling nanariwa sa pagkakaroon nila ng relasyon. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng ina at ang walang hanggang paghingi nito ng tawad.

 Sa kabila ng pag-iyak, muli siyang nagsalita. "I want to know his name.. 'yong kapatid namin ni Callan.. Anong pangalan niya?"

 Matagal bago sumagot ang kanyang ina...

"Diego. Diego ang ipinangalan namin sa kanya, Kira."

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now