Chapter 38: Make It All Okay

Magsimula sa umpisa
                                    

Tahimik siyang pumasok ng kuwarto at umupo sa tabi nito.

"Alannah?" Malambing niyang tawag sa bata sabay haplos sa likod nito. Pero hindi ito kumibo at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

Haay...

Hinayaan niya itong umiyak lang nang ilang saglit bago siya muling nagsalita.

"Alannah," pilit niyang inalis ang unan na nakatakip sa mukha nito. Luhaan ito at pulang-pula ang ilong at mga mata nito. "Tahan ka na oh? Huwag mo na isipin 'yung nangyari kanina. Kasi... love ka naman talaga ng daddy mo." At kinuha niya ang kanyang panyo mula sa bulsa ng jeans niya at ipinunas iyon sa mukha ng bata.

"Hi... Hindi niya ako love." Sagot nito habang humihikbi. "Ayaw na niyang umuwi dito--at makasama ako. Kasi--kasi ikaw na lang ang love niya. Sabi pa ni--ni Mommy, kapag nagalit si Daddy sa akin, hin--hindi na niya talaga ako love. Kaya ayaw ko na po sa'yo--Tita Nix. Pati si Daddy, ayaw ko na. Hindi ko na--kayo love!"

Kung kanina, nasaktan si Monic sa parehong mga salita na binato nito sa kanya, ngayon, natawa na lang siya. She even found Alannah cute while saying those words. Very innocent, indeed. Kawawa lang dahil ginagamit ng sariling ina para sirain ang relasyon nila ng ama nito.

"Alannah, listen to me." Marahan niya itong hinatak para paupuin sa kandungan niya at sumunod naman ito. That proved Monic that the little girl didn't mean every word she said. Obviously, hindi pa nito malaman kung ano ang totoo sa hindi. At hindi pa ito sigurado kung talaga bang hindi na siya nito mahal at ang sariling ama. "Nagalit nga kanina sa'yo ang daddy mo, pero hindi dahil sa hindi ka na niya mahal. Nagalit siya dahil may mali kang nagawa. Sinigawan mo ako, ako na mas nakakatanda sa'yo. 'Di ba? Tama ba ang ginawa mong 'yon, Alannah?"

Umiling ito habang humikbi-hikbi. "Pero kasi, ikaw--ikaw na ang love ni Daddy."

Natawa na naman si Monic at bumalik sa pagpupunas ng mukha nito.

"Alannah, 'yung mga sinabi kasi ng mommy mo... Mali eh. Mali siya ng pagkakaintindi at mali rin ang mga nasabi niya sa'yo." Kahit naiinis si Monic sa dati niyang kaibigan ay hindi pa rin niya maatim na siraan din ito sa sarili nitong anak. "Ganito kasi talaga 'yon... Oo, love nga ako ng daddy mo, pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ka na niya love. Ang totoo nga niyan, mas love ka niya kung sa akin lang. Ikaw ang mas love niya kasi ikaw ang anak niya, ang baby niya, ang prinsesa niya. "

Monic paused, and thought about that one time na inisip niya ang bagay na iyon. Dati, nakaramdam siya ng selos nang isipin niya na malamang, mas mahal ni Marky si Alannah. Pero ngayon... wala na iyon sa kanya. Tanggap at mas gusto na niya na mas mahal ni Marky ang anak nito kaysa sa kanya dahil bilang isang ama, tama at dapat lang iyon.

"Hindi ka nga lang mas love ni Daddy eh," tuloy niya sa kanyang sinasabi kay Alannah. "Ikaw ang pinakamamahal niya sa buong mundo. Kaya lahat, gagawin niya para sa'yo. Kaya kahit sa malayo siya tumira, kahit gusto ka talaga niyang makasama, nagtitiis siya para makapagtrabaho at magkapera at maibigay ang mga pangangailangan mo. Ganon ka niya kamahal, Alannah."

Natulala na lang ang bata at tumigil na sa paghikbi. Mukhang napapaisio ito sa nga sinabi niya.

"Tapos, sinabihan mo si Daddy mo kanina na hate mo siya? Nako... Birthday pa naman niya ngayon... For sure, nasaktan at nalungkot 'yon kanina sa sinabi mo..." And I was, too. Gusto niya sanang ihabol. Pero hindi na mahalaga 'yon.

"Love ko si Daddy!" Naiiyak nitong paglilinaw.

Napangiti roon si Monic. Success.

"Alam ko, love mo talaga siya." Inayos niya ang buhok nito. "Kaya mag-sorry ka mamaya sa kanya, ha? At sabihin mo rin kung gaano mo talaga siya ka-love."

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon