Chapter Sixty Five

Start from the beginning
                                    

 Gumalaw ang kamay niya upang hawakan ang gwapong mukha nito. He looked so stressed. Walang kapayapaang nakalarawan sa mukha nito. Parang may gumugulo sa isipan nito.

She called his name. "Callan," maliit at paos ang tinig niya. Di nagtagal ay nagmulat ito. Nabasa niya ang lungkot sa asul na mga mata nito.

"O, bakit?"

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" balik tanong ng asawa.

Tumango siya. "Maayos naman." Tinitigan niya ito. He don't look okay. Walang liwanag sa mga mukha nito. Bigla niya naalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Nawalan siya ng balanse sa pag-akyat sa hagdan dahilan upang mahulog siya at mauntog sa tiles. Pagkatapos nun ay naramdaman niya na may likidong umaagos sa dalawang hita niya.

 May kilabot na gumapang sa balat niya nang may mapagtanto at kusang nahawakan niya ang tiyan. Naalala niya ang maliit na nilalang sa kanyang tiyan.

 Ang baby niya.

Tumingin siya kay Callan.

Nag-iwas ito ng tingin, tila tumatangging bigyan siya ng sagot. "Anong nangyari sa baby natin?" tanong niya, ang boses ay bahagyang nanginig. "Hindi naman siya naapektuhan sa pagkakahulog ko sa hagdan, di ba? I did not lost him.. Hindi, di ba?"

Tumungo ang asawa niya. Ilang segundong hindi nagsasalita. "Our baby is a girl, not a boy. Ngayon ko lang nalaman ang tunay na kasarian ng magiging anak sana natin. So, kailangan pala pangalan ng babae." Pilit na ngumiti ang lalaki at hindi iyon umabot sa mata nito.

"What about Cara? Cara is a good name. Ano sa tingin mo?"

Hindi niya alam 'yon. Hindi pa kasi nila napapatingin kung babae o lalaki ang magiging anak nila. "Hindi 'yon ang tinatanong ko."

Hinawakan ni Callan ang kamay niya at pinisil iyon. "Mamaya makakauwi ka na rin. Twenty four hours ka rin dito. Pagkauwi natin, babawi ako. Mamamasyal ulit tayo---"

"Huwag mong ibahin ang usapan, Callan!"

Napahinto ito at napatitig sa kanya.

"Sagutin mo ako. Anong nangyari? Ayos lang ba ang baby natin? Hindi ba.. H-Hindi ba ako nakunan?" Parang hirap na hirap siyang sabihin ang huling linya. Nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib. Hindi niya makakayanan kung may mangyaring hindi maganda sa baby niya. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili..

"The baby didn't survive."

Nag-init ang mga mata ni Kira at natutop ang bibig. Tila huminto sa pagtibok ang puso niya.

The baby didn't survive.

"No.." Napakurap siya, sunod sunod ang naging pagpatak ng luha niya. Tumingin siya kay Callan. "Tell me your just joking.. Tell me, Callan, please. Nagbibiro ka lang, di ba?"

Suminghap ang lalaki at marahas na sinuklay ang buhok. Malungkot ang kulay asul na mga mata nito at parang walang buhay ang mukha nito.

Parang may humalukay sa kanyang sikmura. Parang malungkot na musika na muling dumaloy sa isipan niya ang sinabi nito. The baby didn't survive.

"It's not your fault.." Lumipat ito sa gilid niya at niyakap siya. Mahigpit. "It's not your fault, hon."

Impit na umiyak si Kira sa dibdib ni Cllan. Bakit? Anong kasalanan niya para kunin ng maaga ang kanyang anak? Umiiyak na ibinaon niya ang mukha sa kanyang palad. Gusto niyang sumigaw at bumaluktot.

Nakikita niya sa isipan ang itsura ng kanyang anak kung sakaling naisilang pa niya ito. Isang batang babae. Kulay asul ang mga mata, tulad ng kay Callan. Nakakasigurado siya na magiging isang maganda at mabuting bata ito paglaki. Pero dahil sa kawalan niya ng pag-iingat, hindi na niya ito makikita pa. Hindi na..

The baby didn't survive.

No. She lost the baby.

Kasalanan niya.. Kasalanan niya.

Walang tunog na sumigaw siya. Humigpit ang yakap sa kanya ni Callan. Pero wala siyang maramdaman kundi sakit.

Hanggang sa makarating na ulit sila sa bahay ay parang hindi pa rin niya matanggap ang nangyari.

"You need to eat, honey. Hindi maganda kung malilipasan ka ng gutom," sabi ni Callan nang pumasok ito sa silid niya. Nakahiga siya sa kama.

Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi at tumalikod dito. Ayaw niya na makita nito ang pagdurusa niya. Ang pagiging miserable niya. "Iwanan mo muna ako, Callan. Gusto kong mapag-isa."

"I can't do that. Hindi kita iiwanan, lalo na ngayon." Naramdaman niya ang pag-akyat nito sa kama. Ang sunod niyang naramdaman ay ang mainit na yakap nito sa katawan niya. "Hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Walang may kasalanan--"

Kumawala siya dito at marahas na bumaling sa binata. "Hindi mo ba nakita? Dahil sa kawalan ko ng pag-iingat, nawala ang anak natin! Hindi mo kailangan na sabihin pa 'yan dahil malinaw sa akin na kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit siya nawala. Kung hindi ako nagpadala agad sa emosyon ko, kung hindi dahil sa mga nalaman ko sa ina mo, hindi ko makakalimutan na may isang buhay ako na dapat ingatan at isipin bago ang sarili ko."

Sunod-sunod ang naging patak ng luha niya. "It's my fault, Callan. Hindi ako nag-ingat."

"Hindi ko gustong sisihin mo ang sarili mo. Lalong hindi ko gusto na makita kang mahirapan ng ganito. Hindi mo ginusto na mawala ang baby natin."

Umiwas siya ng tingin. Oo, hindi ginusto ang nangyari. Walang ina ang gugustuhin na mawalan ng anak. Pumikit siya ng mariin. "Still i want to be alone. Hayaan mo muna ako na mag-isa. Please."

Bumuga ng hininga si Callan. "Okay. If that's what you want." Pinanood niya ang pagbaba nito sa kama at paghakbang nito palabas ng kwarto. Nang isarado na nito ang pinto ay napabaluktot na lang siya.

 Niyakap niya ang sarili habang mag-isang lumuluha.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now