"Rivera! In my office after class!"

I just shrugged my shoulder and boredly laid my back on the field, completely ignoring what Mr. Romulo said. Oh fuck, I just wanted to talk to Lance.

Pagkatapos ng klase ay nagpunta ako sa office ni Mr. Romulo at inabot sa akin ang detention slip ko. Masama ang tingin niya sa akin habang inaabot iyong papel, I wanted to roll my eyes on him. I think he deserve the ball I shot through him dahil sa pagpapahirap niya sa amin tuwing p.e pero pinigilan ko nalang ang sarili kong magsalita. May mga sinabi pa siya sa akin bago ako tuluyang makaalis pero wala naman akong naintindihan duon dahil nakatingin lang ako sa bintana ng office niya.

Paglabas ko sa kanyang office ay agad akong sinalubong ni Chriselle, "How was it?" agad niyang tanong sa akin.

I just showed her my detention slip at ngumiwi siya dahil duon. Pagkatapos ko kasing batuhin si Mr. Romulo ay pinagalitan niya ako, bakit kailangan ko pa daw sadyaing pumunta sa detention, isa pa baka paginitan na ako palagi ni Mr. Romulo sa klase dahil sa ginawa ko. I don't really care. Nitong mga nakaraang araw ay nasasanay na rin ako na napagiinitan ng kahit na sinong nakakasalamuha ko, wala namang bago duon. Ang mahalaga lang ay ang makausap ko si Lance ngayong araw na 'to.

Mabilis ang naging araw na 'yon para sa 'kin. Nagsimula na rin kaming magpractice nila Hilton at Pia ng kantang kakantahin para sa music fest. May mga part na nahihirapan si Pia dahil siya ang magsesecond voice at sanay siyang maging lead ng mga kinakanta niya kaya puspusan sa pagtuturo si Hilton sa kanya. Halos tatlong oras rin kaming nakaupo duon bago opisyal na tinapos ni Hilton ang practice. Agad kong nilikom ang mga gamit ko nang sinabi niyang tapos na kami.

Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay tumayo agad ako at lumabas ng practice room. Narinig ko ang mga yabag ni Hilton hanggang sa maramdaman kong nasa tabi ko na siya. I glanced at him and he showed me those playful smile he have.

"Bakit ka nagmamadali? May pupuntahan ka ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya, "Detention"

Parang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa panlalaki ng mata niya, "Bakit mukha ka pang masaya?" aniya habang tinatagilid ang kanyang ulo.

Umiling lang ako sa kanya. Because finally, I can talk to Lance again and I miss him so much pero hindi ko rin iyon isinaboses. Hilton smiled at me nang napagtanto niyang hindi ko rin naman sasabihin ang dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa detention room ngayon. Nagsabi nalang siya na ihahatid niya ako duon at pumayag nalang ako kahit na maraming estudyante nanaman ang habol tingin sa amin. I think this is the first time na makikita ulit ako ng mga schoolmate ko na kasama ang isang member ng creole pagkatapos ng nangyari sa cafeteria. Mukha namang walang pakialam duon si Hilton kaya pinabayaan ko nalang rin.

Nang makarating kami sa tapat ng detention room ay nagpaalam na ako kay Hilton. Papasok na sana ako sa loob ng maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. I looked back at him and arched my eyebrows.

He looked so serious, hindi katulad kanina na masaya siya, "Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.

He stared at me as if he's weighing if he should tell me something or not, pero mamaya lang rin ay nakita ko ang pagiling niya at pagngiti, "Wala. Sabi ko pumasok ka na sa loob naghihintay na mga tropa mo" aniya habang nakangisi.

Agad ko siyang hinampas sa braso kaya narinig ko ang halakhak niya. I scowled at him kaya't mas lalo niya akong pinagtawanan. He waved at me before I could finally enter the detention room. Tropa! This is my first time in detention! Paano kong magiging tropa ang mga nasa loob ng classroom na 'to? Ugh. Ang isang 'yun talaga!

Pagharap ko sa mga taong nasa loob ng detention room, halos lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. Inikot ko ang paningin ko, nagbabakasakaling makikita ko siya duon pero wala akong nakitang bakas ni Lance.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now