CHAPTER 14

12 3 0
                                        

I'm packing the things I'm going to bring to Uno's wedding. Habang lumilipas ang araw makakalimutan kona na nagustuhan ko siya. I don't know why.

"Mauna ka na sa baba, ako na magbubuhat ng gamit mo, nandoon si Ash" Sabi ni kuya kaya tumango ako tsaka inabot sakanya ang susi. "Don't forget to turn off the light." Sabi ko tsaka lumabas na. Bumaba ako tsaka hinanap kong saang banda si Ash.

I'm typing on my cellphone because I'm texting Madi that my parents and I are now okay and also she will know that I'm going to Uno's wedding, because she might be worried. "Reign!" A familiar voice shouted. I searched for where that voice came from and the he is.

"Kuya Ash!" Sigaw ko pabalik sa kanya tsaka nagmamadaling lumapit sakanya at nakipag apir. "Reign, pinabibigay ni Uno" Kuya Ash gave me the small black box with a red ribbon. "Ano 'to?" Inabot ko tsaka pinagmasdan.

""di ko rin alam, dinaan niya 'yan kahapon sa mansyon, tsaka may iniwan rin siyang mga gamit sa kwarto ko, para daw sayo lahat ng 'yun". Aniya. I removed the ribbon and opened the box, inside, there was a necklace with my name on it and a diamond ring? Bakit niya ako bibigyan nito?

Napatingin ako kay kuya Ash, nanlaki ang mata niya ng makita ang nilalaman ng box tsaka napatingin rin sa akin. "May sulat, Reign" Aniya at tinuro ang gilid ng loob ng box. A handwritten letter from Uno, again obviously.

Reign

         Papalitan ko na lang ang kwentas, mukhang nawala mo yata. Tanggapin mo sana itong diamond ring na ibibigay ko sa iyo.
                                         Uno
                                 Nagmamahal.

I smiled as I read it, and at the same time, tears welled up in my eyes. Alam niya bang sinadya ko na iwala ang kwentas na bigay nya? "Bakit, Reign?" Inosenteng tanong ni kuya Ash. I gave him the letter and he read it too. "Hindi ko nawala, sinadya kong iwala para makalimutan siya, kuya Ash" Saad ko tsaka huminga ng malalim at pumasok na sa kotse. Binalik na sa akin ni kuya Ash ang sulat galing kay Uno.

Maya-maya pa ay dumating na rin si kuya Jacob. "Oh? problema mo? — problema nito?" tanong ni kuya. Umiling lang ako tsaka nginitian siya "W-wala nakakaiyak kasi pagmumukha ni kuya Ash." pinunasan ko ang mata ko tsaka tumawa, tumawa naman si kuya Ash pero si kuya Jacob parang nagtataka pa rin.

Si kuya Ash ang nag maneho nasa front seat si kuya Jacob samantalang ako nasa backseat hawak ang box. Sinuot ko ang kwentas na bigay ni Uno at hinayaan lang muna ang singsing. Hindi kasi ako mahilig mag suot ng singsing.

"What do you want to eat?" Nilingon ako ni Kuya, nag-isip muna ako bago sumagot. "Pizza tapos namiss ko ang kakanin kuya" Sabi ko.

Sa pagkaka-alala ko fifteen years old huli akong kumain ng kakanin, bigay pa 'yon ni Uno. "Nako, Reign. Wala masyadong kakanin ngayon bukas pa ang bagsak sa palengke" Sabi ni Kuya ash habang nagmamaneho. "No, it's okay, Let's just check kung meron" Sabi ni Kuya Jacob.

Napangiti ako kasi hindi pa rin nagbabago ang treatment sa akin ni kuya Jacob, kung magkaka girlfriend ito sigurado akong giving gifts at quality time ang love language niya.

Nakarating kami sa palengke, medyo marami nang tao kasi mataas na ang araw. "Dito ka lang, kami na ni Ash ang maghahanap" Sabi ni kuya Jacob tsaka bumaba sa kotse. Wala naman akong magawa kaya tinawagan ko na lang si Madi via Video call.

"Reign! Imissyou......." Sigaw niya sa cellphone niya, parang mabasag na ang speaker ko sa sigaw niya. "Hindi kita namiss! bruha ka" Sabi ko.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now