CHAPTER 13

14 3 0
                                        

"Hindi ka ba nahihirapan dito, Reign?" Palakad lakad si kuya Jacob habang chinecheck ang bawat sulok ng bahay. Kuya Jacob is here today because he insisted on coming here so I just let him.

Umiling lang ako tsaka sinusundan siya. "I'm really really sorry baby kung masama ang loob mo sa akin." Hinarap niya ako. "Tsk! Can you stop calling me baby? I'm not a baby anymore kuya. Malaki na ako" Inirapan ko siya tsaka tinalikuran.

"Aba, ayaw mo nang tawagin na baby, samantalang dati nagagalit ka kapag Reign ang tinatawag sa'yo" Pang-aasar niya. "Pumunta ka lang ba dito para inisin ako?" Hinarap ko siya at masamang tinitigan.

"Whoa chill" Timaas niya ang dalawa niyang kamay "I came here to check  your situation, tsaka gusto kitang makita." Aniya at umupo sa sofa.

"Mas gumanda ka, siguro may boypren ka na, ano?" Tinaas-taas niya ang kilay niya at halatang nang-aasar talaga. "Boypren mo pagmumukha mo!" Inirapan ko ulit siya at naglakad papunta sa kitchen.

"Balita ko ikakasal na si Uno, 'di ba crush na crush mo 'yun noon?" Aniya. Natigilan ako ng marinig 'yun. Kailan pa ba ako lulubayan ng pangalan na 'yan? Jusko naman, kinakalimutan na 'yung tao eh.

"H-huh? Noon 'yun, tsaka paki ko kung ikakasal na siya." I pretended not to be hurt. "Alam mo sayang, Reign. Nagpaalam na sa akin si Uno na liligawan ka eh,  tsaka botong-boto ako sakanya." Kinuha niya ang remote tsaka nanood ng Tv. "Halos bukam—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Pwede ba kuya?! tumahimik ka na! Ayaw ko na marinig 'yang pangalan na 'yan! o kahit anong kwento tungkol sakanya" I said annoyed. He looked at me and smiled.

"Anong nginingiti mo?!" Kunot noo ko siyang tiningnan. "Nothing, baby. I just proved something." Aniya tsaka binalik ang tingin sa Tv. Hinayaan ko na lang siya kaysa naman asarin niya pa ako, baka hindi ako makapag timpi at makalbo ko siya ng wala sa oras.

"Mom and dad want to see you." Hawak niya ang selpon niya at may tinatype. "Kuya naman eh! Gusto ko na nga ang buhay ko dito mag-isa!" Iritado kong sabi. Tarantadong 'to, matagal ko na itong pinagplanuhan tapos masisira lang. "Why? isusumbong kita kay mommy" Tumatawa siya. Kailan pa ba mag seseryoso ang isang 'to.

"Edi isumbong mo, alam ko namang kayo ni Iluvia ang kakampihan ni mommy at daddy." Inis kong sabi. Kahit kaialn naman never ko naging kakampi si mom at dad.

"Ayan na naman, nagseselos ka na naman." Tumayo siya tsaka tiningnan ako. "I'm not jealous of you, Kuya. I'm just telling you what's true.— totoo naman na kayo ang laging kinakampihan sa tuwing nag-aaway tayong tatlo, tapos ako? ayon, mag-isang umiiyak sa kwarto, tapos malalaman ko na lang na ipapadala ulit ako sa Europe kasi hindi kaya ni daddy ang pag-uugali ko? Huh!" I laughed a little even though what I said wasn't funny, but I just wanted him to know.

Natahimik siya bigla, naglakad siya palapit sa akin tsaka hinawakan ang magkabila kong braso. "I'm so sorry, Reign. Ganon na pala ang nararamdaman mo, but now, I promise you that it will never happen again." May lungkot sa mga mata niya. Kaagad naman niya akong niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry, baby." Hinagod niya ang buhok ko tsaka kumalas sa pagkakayakap.

"Ang oa mo!" Tinawanan ko siya. I felt happy because after three years of being separated from Kuya, he hugged me again.

"Totoo nga, promise ko sa'yo 'yan" Tinaas niya pa nga ang kanan niyang kamay. Tinawanan ko lang ulit siya tsaka pumunta sa sala, naka sunod naman si Kuya.

We watched TV, laughed, and played games like we always used to do. While watching, the doorbell suddenly rang, Kuya and I looked at the door. Tumayo ako tsaka sinuot ang tsinelas ko. "Kung nagugutom ka, kuha ka lang sa ref, may mga drinks do'n tas tingin ka na lang ng makakain mo" Sabi ko tsaka inayos ang nakalugay kong buhok.

Default Title - Write Your OwnHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin