It was already night when Uno and I got home. Dumaan na lang kami ni Uno sa restaurant at doon na nag dinner, pagod na rin kasi kapag magluluto pa kami. He just took me to the apartment and went home.
Subra akong nag enjoy kasama si Uno. I can't imagine we would get to this point. He gave me a necklace with my name on it, He kissed my forehead, He hugged me, and He took me to his grandmother's house.
I hope we can always be happy like that, free from this chaotic world. We are happy and enjoying being together.
I'm lying on the sofa, holding the necklace that Uno gave me. It's almost ten o'clock at night and I'm still awake. I can't sleep because of the memories that Uno and I made.
Naisipan ko na mag open na lang ng Social media accounts ko. I saw Madi online so I video called her. The cellphone rang. "O? bakit gising pa ang bruha?" Panimula niya. I see her eating popcorn and watching a movie on her laptop. "Lumipat na ako sa apartment" Sabi ko tsaka tumayo sa pagkakahiga at pumunta sa Kusina para kumuha ng makakain.
"Shala ka talaga, Bruha! Iniwan mo bebelabs mo?" She laughed and drank water. "Namasyal kami kanina, sa manggahan, doon sa lugar nang lola niya." I put down my cellphone for a moment to get an apple from the fridge, the apple that Uno brought this morning.
Tiningnan ako ni Madi ng nakaka-asar. "Ikaw ah, gumaganern ka na, Reign" Aniya tsaka umayos sa pagkakaupo. Napag-isip isip ko na ikwento na lang kay Madison ang nangyari para naman hindi ako nag o-overthink dito mag isa sa bahay.
"Do you remember before I left? Nong nag confess ako" Sabi ko. Tumango lang siya "And then?" Ngumiti siya ng malapad.
"Madi! He confessed to me yesterday that he loves me too, He said, he waited for me for 3 years- k-kaso ano" Napahinto ako sa pagsasalita ng maalala yung pag-uusap namin ni Uno kahapon.
"Kaso ano? pabitin ka naman, Reign" He said angrily. "M-may girlfriend na siya, dalawang buwan pa lang naging sila, Madi! Ang sabi niya bago niya niligawan yun, sinubukan niya raw na kalimutan ako, and he did." I'm kicking the pillows at my feet because of the irritation.
"What?! May girlfriend siya right?" She asked me again, "Uulitin ko pa ba, Madi?" Inirapan ko siya. "No! He has a girlfriend, right? But he took you to his grandmother's house and even kissed you on the forehead, so that means he still loves you!" Seryoso na sabi ni Madi. Halos hindi na siya nanonood sa pinapanood niyang movie kasi nakatuon ang atensyon niya sa akin.
I nodded at her and forced a smile. "He even gave me a necklace with my name on it." Pinakita ko ang kwintas na nasa leeg ko. I can't imagine Madi's face, mixed with joy and excitement.
"Tangina! bakit hindi nyo subukan ulit?!" Pasigaw pero kinikilig na sabi ni Madi. "I d-don't want to be the reason for another woman's pain." Sinabunutan ko ang buhok ko nang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko pa rin tanggap! Tanginang yan!
"Tapos ano? ikaw, nganga? Ganon?" mas nilapit niya pa ang mukha niya sa screen. "Bahala na, mag move on na lang ako, Bruha" Sabi ko tsaka sinipa ulit ang unan na naabot ng paa ko. I heard her laughing. "Tanginang to! Magmomove-on kahit hindi naging sila" She laughed even harder.
"Hashtag, Ginusto pero hindi pinursue!" Umaksyon pa siya na tinuturo ang hangin. Sabagay tama naman si Madi, we like each other but we can't pursue our feelings.
"Sige na! Yun lang, matutulog na akong bruha ka!" I laughed at her even though the truth is I really couldn't sleep. "Goodnight, mahal kong bruha!" She even blew a flying kiss on the screen. Tinawanan ko pa rin siya. "Always remember, you deserve to be loved, that's why Thalia and I, love you. Babush" Tsaka kaagad niyang pinatay ang video call. Bastos talaga kahit kailan.
I scrolled through my socials until I felt sleepy. I was dozing off when my cellphone suddenly vibrated. Uno is calling me kaya sinagot ko ang tawag niya, since hindi na rin naman masyado masama ang loob ko sakanya at unti-unting kinakalimutan ang nararamdaman ko sakanya.
"H-hello? napatawag ka?" I asked him why he called. He didn't answer right away but I heard him take a deep breath. "Nag enjoy ka ba, Reign?" He asked me with his deep voice but it sounded so soft.
I smiled when I heard that. "Of course, I enjoyed it" I said happily. We both fell silent.
"Pupuntahan kita bukas dyan ng maaga, mamalengke tayo" After he said that I heard him laugh softly. "What?! Anong mamalengke?" I said in surprise. "Ito naman parang ano, mamalengke lang naman, para masanay ka na rin mamalengke sa sunod" Aniya. Napaisip naman ako, sabagay tama naman siya.
"Fine, what time ka pupunta dito?" I asked him, baka naman kasi tulog pa ako pagkarating niya dito. "Secret, para hindi ka makapag alarm." Aniya tsaka ako pinatayan ng tawag. When did Uno learn to be rude? Ngayon pa lang niya ako pinatayan ng tawag.
Kunot noo ako pumunta sa kama at nilagay ang selpon sa minitable, nakahiga at nakatitig naman sa kisame, hinihintay na makatulog ulit. "Walang hiyang unong 'yun! naistorbo niya pa ang tulog ko" Inis na sabi ko sa sarili ko.
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas, bago ko pinagbuksan ng pinto ang kumakatok ay tiningnan ko muna ang oras. "Alas dyes na pala, kainis" Kinusot ko ang mata ko tsaka bumangon at dumeretso sa pintuan.
I was surprised because Uno's face immediately appeared to me. Tagaktak ang pawis niya at maraming dala na. He was wearing black shorts and a red t-shirt. "Hindi ka sumusunod sa usapan" Aniya tsaka diretso lang siyang pumasok. Walang hiya na to?.
"Anong hindi?" Sinara ko ang pinto at tinignan siya na parang tinatanong. "Ako na ang namalengke sayo" Aniya ng hindi ako tinitignan.
I bit my lip when I remembered that he called me last night and had an agreement. "H-ala! sorry" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinulungan na siya sa ginagawa niya. "Palagi naman" Tipid niyang sabi.
"Sorry na nga kasi" I touched his waist pero hindi siya nagpatinag "hoy" inulit ko. "bukas na darating sila ma'am at sir" He doesn't even look at me. "Paki ko!" Umalis na lang ako sa tabi niya tsaka naupo sa sofa. "Maaga pa ako katok ng katok sa pinto mo pero-" hindi ko na siya pinatapos. "Sorry na nga kasi, tanghali na ako nagising!" nag cross arm ako at nagsalubong ang kilay. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang siya sa kusina, bahala siya sa buhay niya, malaki na siya kaya kaya niya na angsarili niya. Madali akong mainis, kasi mainitin ang ulo ko, pinaglihi siguro ako sa angry birds.
Hindi lang minuto ang ang katahimikan na bumalot sa amin kundi malapit mag isa't kalahating oras. "Ano namang kaartehan 'yan, hali ka na, hindi ka pa nag umagahan" malambing ang boses niya pero wala ako sa mood na kausapin siya. "Reign" Tawag niya sa akin pero hindi ko pa rin siya nilingon. I heard him breathing deeply "tatakpan ko na lang muna" aniya pa.
"balik na ako, may gagawin pa ako" he said reluctantly. Hawak niya ang susi ng sasakyan tsaka naglakad palabas, he didn't even glance at me.
Sino ba nagsabi sa kanya na agahan niya ang pagpunta dito? Bahala siya dyan.
"Nagtatampo ba 'yun?"
I feel lazy to talk when I'm not in the mood, lalo na kapag inuulit ulit ko ang sinasabi ko. Naiinis, Naiirita at ang sarap manadyak. Hindi naman ako dating ganito, hindi naman ganito ang ugali ko sa Europe, parang may nagbago na sa akin.
