Hindi ko na binuksan ang maleta ko, aalis lang rin naman ako dito, Nilabas ko na ang lahat na pasalubong ko sa kanila. Alam ko namang ikakatuwa nila ito. Tinabi ko na lahat para hindi magulo at hindi mukhang makalat.
There is a knock on the door. "Reign? pinatawag mo raw kami?" Manang Fe's voice is tranquility. Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto. Kasama ni Manang Fe sila Manong Ambo, Uno at Ash. Kaagad ko silang sinalubong ng ngiti at pinapasok.
"Ang ganda mo na, Ma'am Reign" Ngumiti sa akin si Kuya Ash, nginitian ko lang rin siya pabalik. "Imposibleng hindi nagka boypren yan sa Europe" Sumali na rin si Kuya Uno, nakita ko pang tinatago niya ang ngiti niya. I'm ashamed of kuya Uno because he was my first crush at ang malala pa, nag confess ako no'ng grade 9 ako bago umalis ng Pilipinas, Jusko po! nakakahiya. "Oy, 'di ah, bantay sarado kaya ako kay auntie Keira." Pagtanggi ko, pero nakatalikod ako kay kuya uno. Nakakahiya talaga.
"Manang Fe, at dahil tinuring mo akong parang tunay na anak, ito'ng para
sayo" Inabot ko sa kanya ang pasalubong kong mga bestida at lipstick, 'yung kasi ang mga gusto niya. I saw her smile widened, everyone in the room was smiling. Parang nagtrabaho abroad lang ako eh, tapos nakauwi na Pilipinas tas may dalang regalo sa pamilya at kamag anak. "Nako, Ikaw talaga Reign, pero salamat dito, alam mo talaga kong ano yung mga gusto ko" Tumawa si Manang Fe ng bahagya.
"And then- hulaan nyo kanino ito." Natatawa kong sabi. "Nako! Reign, maka Europe ka lang ginawa mo na kaming manghuhula." Kalmado lang ang boses ni Kuya Uno na nakatayo sa likuran ko. Nilingon ko siya at tinawanan. "Hula mo? kanino ito?" Tinanong ko siya habang nagpipigil ng tawa. Kinuha niya ang hawak kong pasalubong, nakabalot kasi kaya hindi nakikita kung ano ang laman. He smelled it and estimated the weight. "Kay Manong Ambo" Aniya at lumapad ang ngiti tsaka tinaas baba niya ang dalawa niyang kilay. Well, His right, kay manong Ambo nga, paano niya nalaman?
"Oh- 'di makapag salita, tama ako noh?" mas lalo pa niya akong tinawanan, ganon rin sila Ash at Manang Fe at Manong Ambo. "Oo na nga" Natawa na rin ako. This is good, at least I can forget how I feel. Kinuha ko ang pasalubong kay Kuya Uno na para kay Manong Ambo. "Manong Ambo" Nginitian ko siya. "Nako, salamat dito, Ma'am Reign" Aniya na nakangiti. Bahala na walang celebration na magaganap makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako.
"Kuya Ash" Inabot ko sakanya ang paperbag na may lamang hoodie, perfume, at chocolate. Lahat naman sila may tig-iisang perfume at tiglilimang chocolate para fair, except nga lang kay Manang Fe, Limang matte na lipstick binigay ko. Kinuha ni Kuya Ash ang hawak kong paper bag tsaka ngumiti, 'yung ngiti na parang wala ng bukas. Tumingin ako kay kuya Uno na masayang nakatingin kay Ash. What if lokohin ko?
"Hala! OMG!" Kunwaring nagpapanic ako at tinakpam ko pa ang labi ko. Nakita ko ang reaksyon nilang apat. "Bakit?" Unang nagsalita si Kuya Uno. "Bakit, Reign?" Nag-aalalang tanong ni Manang Fe. "Pasensya na Kuya Uno" Nagkunwari pa akong nalungkot. Ganap na ganap ang ate nyo. "Ang alin ba?" Nagugulahang tanong ni Kuya Uno. Nagpipigil ako ng tawa sa reaksyon nilang apat.
"Nakalimutan ko 'yung sa iyo" Ngumuso ako at tiningnan sya, pero bakit tumawa lang s'ya? Bakit ba? Nahalata niya ba akong nagbibiro?. "Sus! Ano ka ba? Di baleng walang pasalubong, at least nakauwi ka na." Aniya, teka! sandali bumilis yung tibok ng manhid kong puso. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.
Hindi ko naman crush si Kuya Uno, pero nakakahiya pa rin kasi 'yung ginawa ko bago ako umalis ng Pilipinas. "Hoy!" Marahang hinampas ni Kuya ash si Uno ng hawak niyang tuwalya. "Baka nakakalimutan mong may shota kana, Uno?" Natigilan ako sa sinabi ni Kuya ash. Totoo ba? may jowa na 'tong lalaking ito? "Tanga! big deal naman sayo yun, pre" Nakapamulsa na ngayon si Kuya Uni na nakatingin sa akin, habang si Manang Fe ay abala sa pag susukat ng mga bestida na bigay ko sakanya at si Manong Ambo naman ay abala sa oagbubukas ng paperbag.
