Chapter 4

93 12 0
                                        

Ija? Reign? May problema ba?" Manang Fe said with concern. "Umiiyak ka raw sabi ni Ash" Dagdag pa ni Manang Fe.

Until now, I still can't believe that Uno loved me during the three years I was away from the Philippines. "Hindi ka rin nananghalian" Kumakatok pa rin si Manang Fe pero hinayaan ko lang siya at ayaw kong magpakita sa kahit na kanino ngayon.

"Manang ako na po" I heard a familiar voice from outside. Si Uno, boses ni Uno ang narinig ko. "Ano ba ang nangyari, Uno?" Nagaalala pa rin si Manang Fe sa kalagayan ko. "Sasabihin ko na lang po kapag okay na si Reign" Uno's voice was calm.

"Nako, kayong mga bata talaga, Sige ikaw na ang bahala kay Reign" Manang Fe said, I heard her footsteps leaving. Uno knocked on the door. "Reign, si Uno ito. Buksan mo ang pinto may dala akong pagkain" Kalmado lang s'ya, hindi ako kumilos para pagbuksan siya ng pinto.

I wiped the tears flowing down my cheeks and got off the bed to open the door for him. "Pasok" paos ang boses ko at mahapdi ang lalamunan ko. "Kainin mo muna ito, may hangover ka pa" Aniya. I just looked at the food he put on the bed.

"Namamaga na ang mata mo, Reign" Aniya. He touched my cheek and lifted my head so I could see his face. I can see in his eyes that he is sad too, dinadamdam niya rin ang nararamdaman ko. "Kailan uuwi sina Jacob at Mommy?" Iniba ko ang topic ay iniwas ko ang tingin sa kaniya.

"Rinig ko, next week" Aniya, He took the food from the tray and handed it to me. "Aalis ako bukas" walang gana kong sabi. "Saan ka na naman pupunta?" He still speaks calmly. "Pupunta ako sa apartment na kinuha ko no'ng nasa Europe pa ako." I said and ate the food he handed me. "Lilipat ka? Bakit? Ayaw mo na ba dito?" Nag-iba kaagad ang boses niya, hindi niya inakala na lilipat ako.

I nodded and continued eating. "B-bakit, Reign?" He knelt in front of me and held my knee. "Hindi ako belong sa family ni dad" Namamaos pa rin ang boses ko dahil sa sobrang pag iyak. Magulo ang isip ko, iniisip ko kung Martinez ba talaga ako, paano kong sinubukan ni Uno, paano kong pabalikin ako ulit ni Daddy sa Europe? Hindi ko na alam ano ang gagawin ko. "Anak ka pa rin ni sir Diego, Reign" Nakatitig lang siya sa mga mata ko.

"R-reign? 'Wag ka na ulit aalis" He's begging in front of me, I can see in his eyes that he's not kidding about his feelings. "Hindi na ako aalis ng Pilipinas, pero aalis ako sa bahay na'to, wala na rin naman akong kakampi" hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kutsara para mapigilan ang nararamdaman ko.

"Reign, ako! Kakampi mo ako lagi" His voice is weak, hindi na tulad kanina. Pinigilan kong mag paapekto sa sinasabi niya.

"Hayaan mo na muna ako, Uno. Gusto ko muna palamigin yung utak ko" I finished eating, I made Uno stand up. "Don't worry, hindi naman masama ang loob ko sayo, g-gusto ko lang muna ng peace of mind sa ngayon" I smiled at him even though it hurt.

"Sasamahan kita bukas, I'll check if you're safe where you're moving."

"Pwedeng ngayon na lang natin puntahan?" I said while looking into the distance. "Sige, wala na rin naman akong gagawin." He took the tray and left the room, I wore a brown tailored short and a white hoodie. Mag-aalas-tres na kaya medyo mainit pa rin sa labas. Even though I put on simple makeup, it was obvious that my eyes were sore from crying.

"Ija, ano ba kasi ang nangyayari sa iyo? sabihin mo para matulungan ka namin" Manang Fe said worriedly, Manong Ambo and Ash nodded, Uno remained silent. "Wala naman po, aalis nga po pala kami ni Kuya Uno, Manang Fe. Babalik rin kami mamaya." Sabi ko tsaka lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Saan ba ang lakad nyo, pre? Sama ako?" Kuya Ash said. "Hindi pwede, baka ihulog ka lang ni Reign sa kotse" Uno is serious about what he says but it's funny. "No, it's okay. Sama kana lang" I just smiled at Kuya ash.

Default Title - Write Your OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon