Mag isang linggo na nang hindi nagparamdam si Uno, walang text, walang tawag, walang chat. Hindi niya na rin ako dinadalaw dito sa bahay. Hindi rin ako pupwedeng dumalaw sa mansion kasi sigurado akong naka uwi na sila mommy. I tried to call Uno but he wasn't answering me. Nakapag enroll na rin ako no'ng nakaraang araw at BS hospitality management ang kinuha ko.
"Madi?" Nakasimangot kong tawag kay Madi, busy si Madi sa pagluluto ng pancit canton, habang si Thalia naman ay nagtitimpla ng juice. Tinapunan ako ng tingin ni Madi.
"Ohh?"
"Mag isang linggo na kami hindi nagkikita, hindi na rin niya ako tinatawagan, hindi tulad ng dati." Ngumuso ako tsaka hinagis ang malambot na unan sa kabilang upuan.
"Bakit? ano ba nangyari?" tanong ni Thalia tsaka bago niya tinikman ang tinitimpla niyang juice, habang si Madi naman busy sa paghahalo ng pancit canton. "Hindi ko alam, I tried to call Uno but he wasn't answering me, Cannot be reached." Sagot ko.
Hindi naman kami nag-away no'ng huli naming kita? Talagang wala ako sa mood kasi bago akong gising. "Imposibleng walang nangyari, Reign. Hindi magkakaganyan kung hindi kayo nagkaproblema dalawa." Seryoso na sabi ni Madi, tumango tango naman si Thalia at agree sa sinabi ni Madi.
"Tama ka dyan, Madi." Naglakad palapit sa akin si Thalia dala ang gawa niyang juice at sandwic, nilapag niya 'yon sa mini table sa tapat ng sofa tsaka tinabihan ako.
"Nako Reign, forget about Uno na lang, may jowa na siya tsaka look-" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa "Ang ganda mo, sexy, mayaman, may utak, bobo nga lang mamili ng lalaki" Aniya tsaka tumawa ng malakas. Sinamaan ko siya ng tingin. Okay na sana eh, hinaluan pa ng kagagahan.
"You're right, Thalia. Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba, Reign. Kesa naman umasa ka kay Uno na may girlfriend na yon." Sabi ni Madi tsaka lumapit sa amin dala ang lutong pancit canton. Huminga ako ng malalim, kung sabagay may point naman silang dalawa. Bakit pa ako aasa kay Uno na siya na mismo ang nag sabi na may Girlfriend na siya. Uncrush na kita Uno, sakit mo.
"Mabuti pa, inom na lang tayo mamayang gabi, tutal wala naman tayong gagawin tomorrow." Panghihikayat ni Madi. "Sige, Go ako, ewan ko na lang dito" tiningnan ako ni Thalia na pangiti-ngiti. Tumango na lang ako at ininom ang juice na bigay ni Madi.
"Hanapan kita ng bago mong kababaliwan, Celeste Reign." Tumatawang sabi ni Madi. Nagtawanan lang kaming tatlo, kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa loob ng tatlong taon.
"Ano nga ulit yung course na kukunin mo, Madi?" Tanong ko habang nanonood ng Rewind. "HM" Tipid niyang sabi, seryoso siya kakapanood, ganon rin si Thalia.
"Owemgie! HM ka?" Kinikilig na tanong ni Thalia. "Hindi te! Mag mekaniko ako" sarkastiko na sabi ni Madi. I just laughed at them.
"Eh ikaw?" Tinapunan ako ng tingin ni Madi. "Of course, HM rin. Alam nyo namang pangarap ko magtrabaho sa barko, KUNG papalarin, pero kung hindi, maging isda na lang" Tumawa ako saktong nabulunan ako, kaya mas tinawanan ako ng dalawa.
"Talagang magkakaibigan nga talaga tayo." Natatawang sabi ni Thalia.
Natapos na namin ang Movie ni Dingdong Dantes at Marian Rivera. Natatawa ako sa pagmumukha ng dalawa, iyak ng iyak parang hindi naman nakakaiyak. O hindi lang talaga ako relate sa palabas.
"Matutuloy pa ba kayo mamaya?" Nililigpit ko ang pinagkainan namin. "Of course naman, 'wag mo sasabihin na hindi ka matutuloy, talagang kakalbuhin kita." Kunot noong sabi ni Madi. "Kaya nga tinatanong ko kayo, kung matutuloy ba kayo kasi para makapag ready na tayo."
Iniwan ko muna sila sandali at pumunta sa kusina, napatigil ako sandali ng maisip ko ang sinabi ni Thalia. Maybe I should forget about Uno, after all, he already has a girlfriend. I'll forget about you, Uno. Kailangan ko na umusad.
