Nagpakawala iyon ng hininga at hinaplos ang aking pisngi. "Mabait kang bata at alam kong mahal mo ang pamangkin ko. Sana pagdating ng araw, ano man ang kahinatnan nito, sana manaig pa rin ang pag-ibig mo sa kanya."

Natulala ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Or perhaps guilt? Paano ko ba sasabihin na ibang tao na ang isinisigaw ng puso ko?

"Makakaasa po kayo, tiya." Sagot ko at malumanay na ngumiti lamang ito sa akin.

"Sige na at baka ma-late ka pa sa trabaho. See you later, hija."

"Opo. Ingat po kayo dito."

Tumawa ito. "I'm safe here. Ikaw dapat ang mag-ingat."

Napawi ang ngiti ko. Bakit pakiramdam ko ay may ibang kahulugan ang kanyang mga salita?

Habang naglalakad ako papunta sa driveway ay hindi maalis-alis sa utak ko ang anyo ni Tiya Leonora. She looked bothered, concerned. Para saan at kanino?

Napaigtad ako sa pagbusina ng sasakyan. I hooded my eyes and saw Jack seating on the driver's seat, watching me.

Ngumuso lamang ako habang binuksan ang pintuan ng kotse. Umupo ako sa passenger seat at nilagay ang aking bag sa dashboard. Nagkabit din ako ng seatbelts.

"Hi." He smirked.

Just like that, my heart skipped a beat.

"Hello." Ngumiti ako.

"Hindi kita mabati kanina. Malakas kasi makaramdam si tiya." Umiiling-iling ito.

"Ang cold mo nga eh." I stuck my tongue out at him.

He chuckled at may inabot na kung ano sa likuran. Nasurpresa ako ng makitang isang bugkos iyon ng bulaklak. Nilapag niya iyon sa aking kandungan.

"Beautiful flowers for a beautiful lady like you."

"Where did you get this?"

"Namitas ako kaninang madaling araw. Hindi ako nagpaalam kay tiya." His face beaming, parang bata na gumawa ng kapilyuhan. He then winked at me.

Natawa ako at hinampas ang kanyang braso. "Lagot tayo dun."

"Okay lang yun. Hindi niya naman iyon mapapansin eh."

Inamoy ko ang bulaklak at napapikit. Ang bango ng rosas. Niyakap ko iyon sa aking dibdib. "Salamat, Jack."

Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang pagkagat ng kanyang labi habang nakatitig sa akin. "How I wish I was the flowers. Yung nahahalikan at nayayakap mo ng ganyan. Is it wrong to feel jealous of it?"

Umirap ako sa kanya. "Pati ba naman bulaklak Jack?"

He pouted at me at umirap din pabalik. Napangisi ako. Parang bata talaga at ang cute niya. Pinisil ko ang kanyang pisngi nang hindi nag-iisip at napaaray ito.

"Sorry..." Nasobrahan ko yata sa pagpisil. Hinimas nito ang kanyang pisngi na ngayon ay namumula na dahil sa kurot ko.

"Sakit kaya nun."

"Sorry po." Sabi ko.

Tinapik ng daliri nito ang kanyang pisngi at iniumang sa akin ang kanyang mukha.

"What?" Hindi ko nakuha ang nais niya.

"Kiss mo para mawala ang sakit." Ngumuso ito.

Nanlaki ang mata ko at pinamulahan agad ng mukha. Luminga-linga pa ako sa paligid kung may tao bang nagmamasid sa amin. Hindi pa naman tinted ang windows ng kotse. Hindi kasi ito katulad ng isa niyang sports car na ginamit niya noong muntik na ako nitong mabunggo.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now