Hindi ko na kinuha pa ang jacket ko at tuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong kunin ang pitaka at cellphone ko. Tahimik ang buong dorm at onting estudyante lang ang nasa hallway. Agad akong dumiretso sa parking lot nang makalabas ako ng dorm. Duon ay nakita ko ang mga nakahilerang sasakyan ng mga estudyante ng cecilian, hinanap ko ang sasakyan niya. Of course I know his car, ilang beses na ba akong nakasakay duon.

Nang makita ko ang isang pulang vios ay agad akong nagpunta duon. Kahit na hindi naman ako sigurado kung siya ba ang may-ari nuon ay agad kong kinatok sa bintana ng sasakyan. Dahan-dahang bumukas ang bintana nuon at nakita ko ang mukha ni Clef sa driver's seat na nakatingin sa akin. I stepped back dahil sa pagkagulat, "Hop in" aniya.

Kinagat ko ang labi ko at umikot agad papunta sa passenger's seat. Nang maisara ko ang pinto ay agad na minani-obra ni Clef ang sasakyan papalabas ng parking lot. I quickly put the seat belt and watched him driving.

"Where are we going?"

"Party" tipid niyang sagot.

Nanlaki agad ang mata ko ng marinig ko iyon.

"Party!? I don't want to go to the party. Stop the car, Clef" utos ko sa kanya pero hindi niya itinigil ang pagmamaneho. Partying is the least thing I would do at this time, mas gugustuhin ko pang matulog o kaya naman ay magmukmok kaysa sa makipagparty. Isa pa, party is for those person who loves to socialize and I am not like them.

"It's a birthday party of my stylist, Ferm. Only few are be invited. I'm sure you would like to be there" anas niya.

"And what if I wouldn't like it? Can you just please stop the car? Ayokong pumunta sa party ngayon. Not this time" halos pakiusap kong sabi sa kanya. 

Tinitigan niya lang ako bago siya nagbuntong-hininga, "Nah. You're going with me so just sit there and relax"

Relax? How can I relax if he's dragging me somewhere I don't like. Napabuntong-hininga nalang din ako ng dahil duon alam ko kasing kahit ayaw kong pumunta sa party ay hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya. How many times I tried to stop him from doing things pero palaging siya ang nasusunod. He always have reasons and alibis katulad nalang nuong hinatid niya ako sa Laguna.

Nanatili akong nakasandal sa upuan habang siya ay tahimik na nagdridrive. Pero hindi ko maiwasang hindi mapasimangot.

"Why didn't you ask Searcy instead?" I blurted out.

He looked at me pagkatapos kong itanong iyon. Those black orbs that I always noticed lingered on me na parang binabasa niya kung bakit ko iyon natanong sa kanya. Itinaas ko ang kilay ko at tsaka niya ibinalik sa daan ang paningin niya at ganuon din ang ginawa ko.

"Maraming kakilala si Inesia sa party. They can't see me with Searcy"

"And it's okay if they'll see us instead? Are you using me to cover up your relationship with Searcy?" dire-diretsa kong tanong sa kanya na may bahid ng pagkairita.

If he's just fucking using me to cover their relationship I will hurt him until he faint and die. I don't want the feeling of someone's using me dahil naaalala ko si mommy duon. Pakiramdam ko ay ginagamit lang ako ni mommy dahil sa pagko-control niya sa buhay ko and it really sucks.

I closed my fist as I waited for his answer pero natapos ang limang minuto ay hindi siya sumasagot. Tumigil ang sasakyan dahil sa red light sa poste ng kalye at iritable akong bumaling sa kanya. Nuon ko lang nakitang nakatingin na pala siya sa akin.

I wanted to shout on him pero hindi ko na iyon natuloy dahil nakita ko ang pagpungay ng kanyang mata, "I will never do that to you" halos paos niyang sagot sa akin.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now