Chapter 23 - With Girls/Tears

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    


"Hoy! Francis! Wag mo kami idamay, kung gusto niyo mag race ni Yuna wag niyo gamitin tong Land Rover ko, ikaw lang pinagdrive ko ngayon." –Lance


"Hahaha! Wag ka mag alala Lance, kung sakali man magkabungguan tayo sa sinasakyan nila quits lang kay Eliza kaya yung BMW na yun." Sabi ko habang natatawa ako sa mga reaction nila. Masyadong napakapit sa upuan kahit na may seatbelt na.


Tinapakan ko naman agad ung silinyador kaya lalong bumilis ung takbo namin. Overspeeding na tong ginagawa namin but I call my Tito na iHack ang mga camera sa dadaanan namin. Kaya no problem. Wala lang silang tiwala sakin.


Paul POV

Gago talaga tong Francis na to! Idamay ba naman kami sa kalokohan nilang dalawa ni Yuna?! Tsk. Ewan ko ba sa dalawang yun laging may paligsahan sa pagitan nilang dalawa.


"Tangina! Steven! Mapapatay kita pag may nangyaring masama kay Aya." Sinigawan ko siya ulit pero parang wala lang sa kanya at natawa pa sa sinabi ko.


Pota! Pwede bang sakalin ko na to agad? Pero di pwede dahil baka mabunggo naman kami. Itong mga kasama namin na nakaupo sa likod parang easy-easy lang pero si Lance hindi na maipinta ung mukha dahil kanya tong sasakyan.


Medyo binagalan naman niya ung takbo kaya nauna naman ung sasakyan nila Yuna. At ang ginagawa ng gago na to pangisi-ngisi pa, sinundan nalang namin ung sinasakyan nila.



Yuna POV

"Waaaaahh! Ang bilis mo magpatakbo! Wag na kayo mag race ni Francis ditto—-waaaahhh!"


"Shut up! Aya! Hindi tayo madidisgrasya. Marunong naman ako makipag race kahit papaano." Sabi ko para naman ma at-ease siya kaso ayun parang maiiyak na.


Kanina pa sigaw ng sigaw yan si Aya dahil nininerbyos na daw siya. Sabi ko naman sakanila na dating car racer ung father ko kaya walang problema tapos grabe ung tatlo saka ung dalawa pa sa likod mga nagyakapan na at tahimik lang.


Binilisan ko naman uli ung pagpapatakbo kaya napapikit na tong katabi ko. Hanggang sa medyo binabagalan ko nalang. Dahil mamaya mahuli pa kami. Overspeeding na kaya tong ginagawa namin. Yari talaga sakin mamaya si Francis.


Siya ang sisihin ko kung bakit kami ng race. Saka wala pang 30 minutes yun. Hinayaan ko nalang sila Francis dahil ayoko na at natatakot na tong mga kasama ko. Napansin ko naman na parang nakabuntot nalang sila samin.


I sigh. At lumiko na kami dahil pupunta kaming Mall. Hayaan ko nalang ung mga bwisit na lalaking nakasakay dun, lalo na ung nagdadrive. *smirks*



Lyn POV

Waaaahhh! Hindi talaga ako makahinga ng maayos kanina. Natatakot ako. Ang bilis kasi magpatakbo nitong si Yuna eh. Nakipag race pa kay Francis. Babatukan ko talaga yung mga yun pag nakababa ako dito sa sasakyan.


Lahat kasi kami dito nagtatanggal ng nerbyos dahil sa ginawa ni Yuna. Walang nagsasalita samin lahat kami tahimik well except pala kay Yuna na chini-cheer up pa kami.

HousemateΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα