Chapter 6: Her Crush

Start from the beginning
                                    

"Ahhh." Yun na lang ang nasabi ko. Ayoko namang magtanong pa kung sino man iyo. Baka akalain ni Kelly na napakachismosa ko.

Natapos din ang movie.

"Wow! Ang ganda. Inlove na ako kay Edward Cullen!" May bago na naman akong pagpapantasyahan gabi-gabi. 

"Sabi na sa iyo at magugustuhan mo ang Twilight. Next time yung Twilight Saga: New Moon naman. Pag hindi tayo busy sa office, movie marathon tayo sa bahay naman." Alok niya.

"Masaya yan! I can't wait!" Ooohh. Edward Cullen. Ba't ba ang gwapo mo? Hindi ka na tuloy maalis sa isipan ko. Naku, patay ako nito kay Bella. 

Pagtingin ko sa relo it's almost 11pm. Mukhang ayaw pa ni Kelly umuwi, siguro kung ako din ang nasa katayuan niya, hindi ako uuwi ng bahay hangga't may hindi kanais-nais na bisita ang nandoon.

"Mmmm, Kelly, kasi 11pm na" Bigla siyang nalungkot, wait! Baka akala niya pinapaalis ko na siya. She misunderstood it.

"No! No! No! It's not what you think! Kasi, it's almost 11pm. Madilim na sa labas at walang katao tao kaya dito ka na lang matulog." Offer ko sa kanya. Bukas na lang kaya siya umalis, mamaya kung ano pang mangyari sa kanya kapag pinaalis ko pa siya. Mahirap na.

"Euphy, huwag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa" 

"Kelly, please. Isipin na lang natin na Sleep Over itong ginagawa natin. So, ano? payag ka? Huwag kang mag-alala, papahiramin kita ng damit." Sana pumayag siya.

"Sleep over? Ok yan ha. OK! Pumapayag na ako! Wait, lang ah, tatawagan ko si Kuya!" Kinuha niya yung phone niya at tinawagan si Boss.

"Arrggh! Ano ba! Ba't hindi sumasagot?" Naiinip na si Kelly. I wonder kung anong ginagawa ni Boss ngayon? Teka, ba't ko ba siya naiisip?

Pumunta na lang ako sa kwarto at kumuha ng damit para sa pampalit ni Kelly. Paglabas ko ng room, nandun pa rin si Kelly at mas lalong kumunot ang noo. Hindi yata macontact ang Kuya niya. 

"Nakakainis naman oh! E-eto na! Eto na!" Finally, ano naman kaya ang pinag bibusyhan ng taong yun? Sa oras na ito, huwag mong sabihing nagtatrabaho pa yun.

"Hel-" Napatigil siya sa pagsalita niya. At biglang nanlaki ang mga mata ni Kelly. 

  

"Kuya! Ano bang pinagsasasabi mo! It's me, Kelly. Itatanong ko lang kung diyan ka matutulog sa bahay" Ano kaya ang problema ni Boss? Baka naman nasigawan niya si Kelly. Kaya pati si Kelly mas lalong na badtrip.

"Ah ganun ba. Then tell mom na hindi ako uuwi tonight. Don't worry, nandito ako sa bahay ni Euphy. I'll be back tomorrow morning. BYE! By the way, usap tayo bukas. Mukhang may hindi magandang nangyari." Hindi ko na narinig yung last sentence na sinabi ni Kelly. Basta na lang niya binaba yung phone niya.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now