Chapter 17 – Aiah’s POV
Falling Apart
"Mikha..."
Napakababa ng boses ko habang nakatayo kami sa gilid ng veranda, malayo sa iba. Sa wakas, nagkalakas-loob na rin akong kausapin siya matapos ang mga araw ng pag-iwas. Hindi ko na matandaan kung ilang beses kong inisip na gawin ito, pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.
Tumingin siya sa akin, at sa sandaling iyon, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata—isang lungkot na parang salamin ng nararamdaman ko.
"Salamat," bulong ko.
Nanatili siyang tahimik, nakatitig lang sa akin.
"Salamat," inulit ko, mas buo ang boses. "Dahil... tumigil ka na. Dahil hindi mo na ako ginugulo."
Huminga siya nang malalim, saka pilit na ngumiti. “Akala ko gusto mong magpatuloy pa.”
Napayuko ako, mahigpit na hinawakan ang railing sa harapan namin. “Alam mong mali.”
"But it felt right," sagot niya agad. "And I know you felt the same way."
Napapikit ako. Hindi ko kayang tanggihan ang sinabi niya, pero hindi rin ako pwedeng sumang-ayon.
"Mikha, please," pakiusap ko. "Tama na."
Gusto kong matapos na ang usapan na ito nang walang masyadong sakit, pero alam kong imposible iyon.
"Hindi ko alam kung paano ko titiisin ‘to, Aiah," mahina niyang sabi. "Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na wala na ako sa’yo."
I wanted to say something—anything to make it easier. Pero wala akong masabi.
Nagpatuloy siya. “Alam mo bang bawat araw, pakiramdam ko unti-unting nababawasan ‘yung dahilan ko para lumaban?”
Napakagat ako sa labi ko, pilit nilulunok ang bigat sa lalamunan ko. “I’m sorry, Mikha.”
And then, all of a sudden—
BANG!
Halos mapatalon ako nang biglang bumukas nang malakas ang pinto sa likuran namin.
Paglingon ko, tumambad sa akin si Miguel—nakapamulsa, nakatayo sa anino ng pinto, pero kitang-kita ko ang lagim sa kanyang mukha.
Tumayo siya roon, tahimik, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng galit.
"Miguel—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sinuntok si Mikha sa panga.
"Miguel, tama na!" sigaw ko, pero bago ko pa siya mahawakan, muling lumipad ang kamao niya, at tumama iyon sa pisngi ni Mikha, dahilan para matumba ito sa sahig.
Dumura si Mikha ng dugo at napangiti ng mapakla. “So, nalaman mo rin pala.”
Nanginig ang kamay ni Miguel habang nakatayo sa harapan niya, ang dibdib ay mabilis na umaakyat-baba sa galit. "Gaano na katagal, ha?"
"Miguel—"
"Gaano katagal mo akong tinridor, Mikha?" sigaw niya, hindi ako pinakinggan.
Dahan-dahang bumangon si Mikha, pinunasan ang dugo sa labi. “Wala na ‘yon, Miguel. Matagal na.”
“Matagal na?” Tumawa si Miguel, pero walang kahit anong saya sa boses niya. "Alam mo bang halos araw-araw kitang ipinagmamalaki sa harap ng ibang tao? Na ikaw ang kapatid kong hindi ko ipagpapalit kahit kanino?”
Napakapit ako sa braso ni Miguel, pilit siyang pinapakalma, pero hindi niya ako pinansin.
"Hindi na kita itinuturing na kapatid, Mikha," malamig niyang sabi. "Simula ngayon, wala ka nang kwenta sa buhay ko."
Nanginig ang puso ko sa sinabi niya.
Hindi ako makapaniwala.
Nakikita ko ang sakit sa mga mata ni Mikha, kahit pa pilit niyang pinagtatakpan iyon ng matigas na mukha. Hindi siya sumagot. Hindi siya nagtangkang ipagtanggol ang sarili niya.
Tahimik siyang lumingon sa akin, at sa sandaling iyon, parang gumuho ang mundo ko.
Dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang dati.
Hindi ko na sila maibabalik.
At ang pinaka-masakit?
Alam kong ako ang may kasalanan.
YOU ARE READING
Unwritten Strings
Teen FictionMikha never planned for this-stealing glances, lingering touches, and secret kisses with Aiah, her brother Miguel's girlfriend. It was reckless, a silent betrayal woven between moments they weren't supposed to have. Aiah knew it was wrong. She loved...
