Chapter 20 – Aiah’s POV
A Mastermind’s Confession
Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang nakatayo sa harapan ng pinto ng bahay nila Miguel.
Ramdam ko pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa galit na pilit kong kinakalma.
Hindi ko na kaya.
Hindi na ako makapaghintay.
Gusto kong marinig mula mismo sa kanya.
Ang totoo.
Ang lahat ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit na bumabangon sa utak ko.
Bakit niya ginawa ‘to?
Bakit niya ako ginamit?
Bakit siya ganito kasama?
Anong kasalanan ko sa kanya para paglaruan niya ako nang ganito?
Napakapit ako sa doorknob, bahagyang napapikit, bago ko marahang itinulak ang pinto.
Tahimik sa loob ng bahay.
Walang ibang ingay maliban sa mahinang tunog ng ice cubes na kumakalansing sa baso.
At doon ko siya nakita.
Si Miguel.
Nakaupo sa sofa, may hawak na baso ng whisky habang nakatingin sa kawalan. Parang isang hari sa sarili niyang trono, walang pakialam sa mundo.
Tahimik akong humakbang papasok.
Hindi siya agad lumingon.
Pero alam kong alam niyang nandoon ako.
Hinintay niyang ako ang unang magsalita.
At hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Putangina ka.”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.
Pero imbes na magalit, tumingin lang siya sa akin, unti-unting ngumiti na parang aliw na aliw.
Tangina.
Ang kapal ng mukha niya.
Galit na galit na ako pero natutuwa pa siya?
Isa pa.
Pak!
Mas malakas.
Namuo ang luha sa mga mata ko, pero hindi ako iiyak. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahang makita akong basag.
Pero siya?
Tinatawanan lang ako.
Halos magdilim ang paningin ko sa sobrang poot.
“Anong nakakatawa, ha?” sigaw ko, nangangatog ang boses ko.
Umiiling lang siya habang hinihimas ang pisngi niyang namumula na. “Ang cute mo talaga ‘pag nagagalit.”
Nagpanting ang tenga ko.
“Hindi ito biro, Miguel!” bulalas ko. “Ano bang problema mo?!”
Bumuntong-hininga siya, nilapag ang baso, saka tumayo. Halos magpantay lang ang mga mata namin, pero ramdam kong mas mataas siya. Mas dominante. Mas may kontrol.
“O, gusto mong marinig ang totoo?” tanong niya, bahagyang nakangisi. “Gusto mong malaman kung bakit?”
Napalunok ako.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Ngunit tumango pa rin ako.
Kailangan kong marinig.
Kailangan kong malaman ang lahat.
Hinila niya ang upuang malapit sa akin at umupo, kaswal na nagpatong ng isang paa sa ibabaw ng isa.
“Simple lang.” Ikiniling niya ang ulo. “Dahil gusto kitang makuha.”
Halos lumakas ang tunog ng pintig ng puso ko.
“Gamit ang kapatid mo?” halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang poot.
Hindi siya sumagot.
Ngumiti lang.
At doon ko na napagtanto ang lahat.
Lahat ng nangyari, pinlano niya.
Mula umpisa.
Mula sa pagkakalapit namin ni Mikha.
Mula sa pagkalulong ko sa kanya.
Mula sa pagtitiwala ko sa kanya.
Mula sa—
“Pinaglaruan mo ako,” mahina kong sabi, nanginginig ang mga kamay ko.
Natawa siya. “Oo.”
Napaatras ako.
Hindi.
Hindi.
Hindi totoo ‘to.
Napahawak ako sa dibdib ko, parang may kung anong pumipiga sa puso ko nang napakahigpit.
Hindi ako makahinga.
Parang hindi ko kayang paniwalaan.
Pero sa ekspresyon niya, sa paraan ng pagtawa niya, sa kaswal niyang pagkukumpisal—wala nang ibang katotohanan.
Lahat ng naramdaman ko, lahat ng sakit at saya, lahat ng pinaniwalaan ko—
Lahat ng ‘yon, wala lang sa kanya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya.
Maayos. Malinis. Hindi nanginginig.
Hindi tulad ko.
Ako lang ang durog.
Ako lang ang wasak.
Ako lang ang nakaramdam ng sakit na ganito.
Siya?
Wala lang.
Parang isang laro lang ang lahat para sa kanya.
Napakuyom ako ng kamao.
“Dapat hindi na kita pinagkatiwalaan,” pabulong kong sabi.
Tahimik.
Walang sagot.
Hanggang sa marinig ko ang mahinang tawa niya.
At doon ako tuluyang nabaliw sa galit.
“Tangina mo, Miguel!” sigaw ko, halos hindi na mapigil ang sarili ko. “Wala kang puso! Wala kang—”
Napatigil ako.
Dahil sa isang iglap, nagbago ang itsura niya.
Yung ngiti niyang puno ng panunuya—naging mas malalim.
Mas delikado.
Mas nakakatakot.
Lumingon siya sa akin, at sa boses na halos isang bulong, sinabi niya:
“Wala nga.”
Napahakbang ako paatras.
Lumalabo ang paningin ko.
Lumalamig ang pakiramdam ko.
Wala siyang puso.
Wala siyang awa.
At ako lang ang tanga na naniwala.
-d lang pala si mikhs redflag, pati pala si migs guys😔👊
ESTÁS LEYENDO
Unwritten Strings
Novela JuvenilMikha never planned for this-stealing glances, lingering touches, and secret kisses with Aiah, her brother Miguel's girlfriend. It was reckless, a silent betrayal woven between moments they weren't supposed to have. Aiah knew it was wrong. She loved...
