"Hindi mo ba nakikita? We're discussing business here so if you don't mind, can you get lost?" kunut-noong wika ni Marco. Aalma na sana si Imee nang bigla na lang itong hilahin ni Yvonne patungo sa kinaroroonan nila Arvee para marahil ay huwag nang magkagulo. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Imee at Marco nang may maisip siyang magandang ideya.

"Payag ako sa proposal mo, Marco."

"Payag ka?" tila nagulat na wika ni Liam.

"Oo, sa isang kondisyon," ani Brent. "Papayag ako pero kailangang kung ano ang mayroon ang Bistro Guwapo main branch ay maroon rin sa beach club mo. Kaya iminumungkahi ko na kumbinsihin mo na ang kapatid mong si Sami dahil siya rin ang magiging interior decorator ng beach club mo." Agad na nag-protesta si Sami na tahimik na sanang umiinom ng piña colada nito kung hindi lang nadawit sa pinag-uusapan nila.

"There's no way, I'm working with my brother!" mariing wika ni Sami. Napangisi na lang si Brent nang makita ang frustrated na mukha ni Marco. Alam niyang matinik ito sa negosyo kaya natutuwa siyang bigyan ito ng kaunting challenge man lang.

"Hindi ba puwedeng kumuha na lang ako ng iba?" nakukunsuming wika ni Marco.

"Hindi. At oo nga pala, ang ibig sabihin doon ay kasama ang pausong tradisyon namin." Makahulugang napatingin sa kanya sina Liam, Steve at Zach pero nang mahinuha nito ang ipinahiwatig niya ay napangiti na lang ang mga ito.

"What?! That's stupid!" protesta ni Marco. Alam ni Brent na alam nito ang tradisyong tinutukoy niya dahil nabanggit iyon sa article na sinulat ni Yvonne nang ilabas sa publiko ang kasal nilang dalawa ni Arvee. Hindi na rin siya nagtataka na hindi papayag si Marco dahil numero unong playboy ito at ayaw nitong magpatali. Gusto niya rin namang sumaya katulad niya ang kanyang pinsan sa piling lamang ng isang babae at hindi sa kung sinu-sino. Tutal ay natagpuan naman na nila ang kani-kanilang tunay na pag-ibig kaya nararapat lamang na ipasa na nila iyon sa iba.

"Take it or leave it." He smiled a devilish grin. Nilingon ni Marco sina Liam na tila humihingi ng tulong pero bumagsak lang ang balikat nito nang magsalita na ang pasimuno ng Bistro Guwapo.

"Bistro Guwapo comes with a price and those conditions," nakangising wika ni Liam.

"Sang-ayon ako!" nakataas-kamay na wika ni Zach.

"Ako rin," segunda ni Steve. "Excuse me for a moment, I just have to talk to Matt" ani Steve nang makita ang pinsan at isa sa mga kaibigan ni Marco na paakyat sa second floor. Agad napalingon si Sami nang marinig ang pangalan na iyon at tila nataranta ito nang makita si Matt.

"Okay, papayag ako sa kondisyon ni Kuya Brent pero kailangan kasali ako sa mga members at ayaw kong isali mo ang Matt na 'yan?!" si Sami. Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Marco nang marinig ang tinuran ng kapatid.

"What?!" gulat na wika ni Marco. Kaibigan nito si Matt at natural lamang na isasali sana ito iyon sa mga members kaya lang nakialam na ang kapatid nito.

"O eh di isali mo siya, hindi mo naman makukuha ang franchise na ito?" There was a smug look on Sami's face when she turned to Brent.

"Bakit mo ba ito ginagawa, Sami? Masaya ka naman sa pagiging interior designer mo. Ano pa ba ang gusto mo?" si Marco.

"Ang gusto ko, hindi mo isasali ang Matt na iyan sa members. Mayaman rin naman ako, I can invest even three times bigger than he can," buong kumpiyansang wika ni Sami.

"Mayaman ka?" taas kilay na wika ni Marco. Npaahalukipkip si Sami at nakipagtagisan ng tingin sa Kuya nito. Napangisi na lamang si Brent sa eksena ng dalawa. He can see what Sami is trying to put off and that sparked interest in him.

"Oo. Mayaman ako, kapatid kaya kita?!" Inikot nito ang mga mata. "At malaki naman ang kinikita ko sa trabaho mo." Nakialam na si Brent dahil naaaliw siya sa pagtatalo ng dalawa.

"Pero babae ka," panggagatong niya. Nagliwanag ang mga mata ni Marco nang makakita ng irarason kay Sami para magbago ang isip nito.

"Yes. Bistro Guwapo is supposed to be consisted of male original members. Kaya nga guwapo 'di ba?" naiiritang wika ni Marco. Inayos ni Sami ang suot nitong bullcap bago muling binalingan ang kapatid.

"Bakit? Guwapo naman ako 'di ba?" Napahalakhak na lamang si Brent sa dalawa. Hindi talaga magpapatalo si Sami. Walang duda na pinsan niya nga ito dahil nagmana ito sa kanya.

"Narinig mo na ang kapatid mo, Marco. Sa iyo na ang desisyon," ngiti-ngiting wika niya.

Napakamot sa noo si Marco at tila tumanda ng limang taon ang hitsura nito noong mga sandaling iyon sa sobrang konsumisyon. Maya-maya ay naipukpok na lamang nito ang kamay sa bar counter dahil alam nitong wala na itong choice. Alam niyang gustong gusto nitong makuha ang Bistro Guwapo dahil malaking publicity iyon sa Pristine Residences.

"Damn! Sige na, payag na ako!" Ngiti ng pagkapanalo ang nakapaskil sa kanila ngayon nina Liam.

"Cheers!" ani Liam. Itinaas nito ang mga basong hawak nila at sabay-sabay na tinungga ang kanilang inumin. Ngayon ay natitiyak nilang magiging makulay pa ang Bistro Guwapo dahil nakini-kinita na nila ang mga bagong mukha ng pag-ibig.

--------

BGS 2: The Beach Club Book 1: Marco VijandreWhere stories live. Discover now