Chapter 2

4.4K 95 1
                                                  

MAAAGA pa lamang ay naroon na si Imee sa Vijandre Regency Suites sa loob ng freeport zone sa Subic para sa kanyang trabaho at maikling bakasyon na rin. Tatlong araw kasi siyang mananatili doon para i-review ang hotel, mula sa accommodation, facilities, services pati maging sa mga pagkaing isini-serve sa hotel. Pero mula pagtuntong niya pa lamang sa lobby ng hotel ay wala na siyang maipipintas. Well, hindi naman ito maituturing na five-star hotel kung wala lang. Mediterranean inspired iyon at mula sa disenyo at dekorasyon ng naturang hotel ay nagsusumigaw na ang karangyaan. Lalong naging bongga pa iyon dahil sa malaking chandelier na nasa lobby ng hotel na tila ba nahiya pa nang kaunti sa chandelier sa Manila Hotel. Well, hindi naman talaga mapagkakailang world class ang hotel na iyon dahil pagmamay-ari ito ng Vijandre Global Inc. na hindi naman basta-basta.

"Good Morning Ma'am, How may I help you?" nakangiting bati sa kanya ng isang magandang receptionist.

"Hi, I'm Imee Acosta from The Press. I'm here to review this hotel. Your manager had already set a reservation for The Press." Saglit na may tiningnan ang receptionist sa desktop sa harap nito at pagkalipas ng ilang minuto ay muli siyang binalingan. Marahil ay na-confirm na nito ang kanyang reservation na ginawa ng manager ng hotel noong kinumpirma niyang siya ang nagpunta para sa The Press.

"Here's your room key," Ibinigay nito sa kanya ang susi ng magiging kuwarto niya at naglakad na siya patungo sa kuwartong naka-assign sa kanya. Maya-maya lang ay naroon na siya sa harap ng kuwartong nakatalaga para sa kanya. Excited na binuksan niya ang pinto at napanganga siya sa kanyang nakita. It was an executive suite based on the size of the room. It has intricately designed interiors. Mayroon itong airconditioning unit, 32" inch LCD cable television, isang king sized bed, mini bar, at whirlpool Jacuzzi bathroom. Pero ang mas nakapamangha sa kanya ay ang napakagandang view ng Subic bay na matatanaw mula sa balkonahe ng silid na iyon. Batid ni Imee na mahal ang isang executive suite ngunit kung ganoon naman kaganda ang silid na iyon, siguradong sulit naman ang ibabayad ng kahit sinuman. Suwerte nga lang siya dahil hindi niya na kailangang magbayad dahil ang mismong Vijandre Regency Suites na ang nagbabayad noon para sa The Press.

Itinapon niya ang sarili sa napakalambot na kama. Kung mayroon mang ikinatutuwa niya sa trabaho niya ay ang mga pagkakataong ganoon na nakakapagbakasyon siya sa isang magandang lugar habang nagtatrabaho at libre pa. Niyakap ni Imee ang napakalambot ring unan. Tila ba natutukso si Imee na matulog dahil napakasarap mahiga sa ganoon kalambot na kamang maaari niya pang maihalintulad sa ulap. Siguro ay magpapadala na siya sa tuksong iyon kung hindi lang niya narinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Bumangon siya at kinuha ang awditibo sa kanyang bag.

"O, Imee, nakarating ka na ba?" ani Yvonne sa kabilang linya.

"Oo, ang ganda pala rito. Salamat para sa assignment na 'to," aniya.

"Anong salamat? Hindi kita ipinadala diyan para sa trabaho." Kung katabi niya lamang ito ay siguradong inirapan na siya nito pero nagtaka naman siya sa sinabi nito.

"Anong hindi dahil sa trabaho?" Narinig niya ang paghinga nito nang malalim.

"Well, oo, mag-re-review ka ng hotel nila pero kaya ikaw ang pinili ko dahil pagkakataon na 'yan para makapagbakasyon ka nang kaunti at makapaghanap ka ng boyfriend." Napailing siya. Hindi pa pala talaga nito sinusukuan ang krusada nitong sumunod na siya sa pag-aasawa nito.

"You haven't given up yet?!" palatak niya. Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Ako nga, hindi mo ako sinukuan noon kaya't bakit kita susukuan ngayon?" Naalala niya ang mga panahong halos ipagtulakan niya na si Yvonne kay Terrence para lang magkaroon ito ng boyfriend. Nahirapan kasi noong muling magtiwala si Yvonne dahil sa panloloko ng ama nito. Ngayon niya lang napagtanto na parehas lang pala ang kalagayan nila noon. Iyon nga lang ay mas nahihirapan siya dahil hindi lang ama niya ang nawala sa kanya kundi pati na rin ang lalaking una at huli niyang minahal. Minsan kasi iniisip niya na kung sakaling hindi si Karlo ang anak ng ama niya sa labas, siguro ay mas mapapadali pa ang pagtanggap niya sa sitwasyon. Pero hindi, masyado talagang mapaglaro ang tadhana.

BGS 2: The Beach Club Book 1: Marco VijandreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon