Chapter 35: Surprise

Start from the beginning
                                    

"Ughhh." Naisapo ni Marky ang isang kamay sa kanyang mga mata at saka humiga sa kanyang kama.

Sa ginagawa ni Alannah ay hindi niya maiwasang isipin na marahil ay tama nga ang nga sinabi sa kanya ni Yvette. Bata pa nga ang anak nila, kaya natural lang kung mangarap ito na magkasama sila bilang isang buong pamilya--kahit saglit at minsan lang.

"Pero hindi na nga 'yon puwede..." Sagot ni Marky sa sarili.

Mabuti kasi sana kung hindi na sila nagkabalikan ni Monic. Dahil kung hindi, makakaya niyang maging malapit kay Yvette sa ngalan ng ikakasaya ng anak nila. Pero ayun nga. Nagkabalikan na sila ng babaeng minamahal niya. Nabigyan na siya ng pangalawang pagkakataon at ayaw na ayaw niyang sayangin iyon. Pero... ayaw niya rin namang nalulungkot nang ganon ang anak niya. Nasasaktan din siya sa tuwing nasasaktan ito. Kaya naman sobrang frustrated siya ngayon. Ang hirap lang ng kinatatayuan niya sa pagitan ng kanyang anak at ng babaeng kanyang minamahal.

Iritadong bumagon si Marky at nagtungong kusina. Doon ay kumuha siya ng isang canned beer mula sa ref na madali niyang binuksan at ininuman.

Nang halos mangalahati sa iniinom ay tumigil siya at saka huminga nang malalim.

'Yung problema niya, may solusyon naman siyang naisip para roon eh. Ayun ay ang balak niyang pagpasyal muli kay Alannah bukas kasama si Monic. Gagamitin niya ang pagkakataong iyon para actual na magpaliwanag sa kanyang anak. Gagawin niya ang makakaya niya para mas mapaintindi rito ang kanilang sitwasyon--na hindi talaga sila maaaring magsama ng ina nito; na puwede pa naman silang magkaroon ng buong pamilya but with Monic instead.

Sana lang matanggap niya 'yon... Isip ni Marky bago muling nagbuntung hininga at bumalik ng kanyang kuwarto dala-dala ang canned beer na iniinom. Doon siya nagpatuloy sa pag-inom habang nagmumuni-muni. How he wished na dalawin na siya ng antok nang makatulog na siya.

Sa gitna ng pag-inom niya ay bigla siyang natulala, hanggang sa mapakurap siya at makabalik sa sarili nang makarinig ng cellphone na nagri-ring. Inikot niya ang kanyang paningin at nakita sa isang sulok ang pantalon na hinubad niya kanina. Nilapitan niya iyon at mula sa bulsa ay dinukot ang kanyang cellphone. May tumatawag. And much to his surprise--and delight--it was Monic who was calling.

"Uy," sagot niya sa tawag ng kanyang nobya.

"Anong uy?" Natatawa naman si Monic.

Natawa rin si Marky. "Uy, napatawag ka. Anong oras na eh." Napatingin siya sa digiclock na nasa bedside drawer niya--11:06pm na. "Hindi ba dapat tulog ka na?"

"Dapat nga. Perooo... espesyal ang gabing 'to eh."

Espesyal. Marky knew why but still, he asked, "Bakit naman espesyal ang gabing 'to? Ano bang meron?"

"Kunwari ka pa!"

At natawa na naman siya.

"Loko ka ha, Marky."

"Sorry na, mahal kong reyna."

"Tss... Anong time na ba... Ah, nako, halos isang oras pa pala hihintayin ko."

"Hay, Nix. Huwag ka na kasing magpuyat. Matulog ka na at bukas mo na lang ako batiin."

"Ayoko nga! Gusto ko eksaktong 12am kita babatiin eh. After all, 12am ng May 6 ka naman talaga pinanganak ni Tita, 'di ba?"

Paano niya nalaman 'yon? Nagtaka pa siya, pero agad din siyang nagka-ideya kung paano. Nakuwento malamang ni Mama.

And yes, it was true. Eksaktong 12am siya nailuwal ng mama niya. Nabibilib nga siya sa tuwing naiisip niya iyon eh. Para kasing nasa alanganin lang ang petsa ng kaarawan niya.

Hindi na niya kinontra pa ang gustong gawin na pagpupuyat ni Monic. Tutal naman gusto niya rin itong makausap. He always loved to, kahit ang marinig lang ang boses nito--lalo na sa mga oras na iyon. Parang nababawasan lang ang frustrations niya. Parang lumalakas ang loob niya. That was how Monic could affect him.

Matapos magkamustahan sa buong araw nilang nagdaan ay napag-usapan din nila ang balak niyang pagpasyal muli kay Alannah sa labas bukas para i-celebrate ang birthday niya. Game naman si Monic at excited na nag-suggest ng mga bagong lugar kung saan magandang ipasyal ang bata. Maya't maya ring nagka-countdown ang nobya niya. From thirty minutes to twenty, twelve, five, until...

"One minute na lang!" Exclaim ni Monic sa linya.

"Ahhh, one minute na lang tatanda na naman ako ng isang taon." Patampo na natatawang sagot ni Marky.

"Okay lang 'yan. Tumatanda ka naman nang guwapo."

Natawa siya roon. Then all of a sudden, may nag-doorbell.

"What the..." Napaupo si Marky mula pagkakahiga sa kanyang kama. "May nag-doorbell."

"Oh? Tignan mo kung sino..."

"Pero magte-twelve na..."

"Okay lang! Dalian mo na lang tignan kung sino 'yon..."

"Okay. Huwag mo ibaba ah? Diyan ka lang, Nix."

Natawa ang dalaga. "Oo, dito lang ako."

"Sino ba kasi 'to..." Medyo irita niyang sabi habang naglalakad patungong pintuan. Pucha, baka si Las 'to ah. Kunwari pang kapatid ang pupuntahan pero 'yon pala pagti-tripan lang ako. Tsk. Istorbo!

Halos padabog niyang in-unlock ang pinto at kunot-noong hinarap ang taong umistorbo sa pakikipag-usap niya sa kanyang nobya. Pero agad-agad nawala ang pagka-kunot ng kanyang noo nang makita niya kung sino iyon--isang babae na nakangiti sa kanya habang may hawak-hawak na nakabukas na box na naglalaman ng tatlong cupcake na may tig-iisang maliliit na asul na kandila.

"Surprise! Maligayang kaarawan, mahal kong hari."

That, made him smile and his heart flutter.

Las must be right. Mukhang magiging masayang-masaya nga ako sa pagse-celebrate ng birthday ko ngayon.

--TBC

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now