Chapter 35: Surprise

Start from the beginning
                                    

"Ikaw, bakit ganyan porma mo?" Tanong niya rin dito.

"Ah, may gala ako."

"Nang ganitong oras ng gabi?"

"Aww, worried sa akin si Daddy Markyyy." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya sa braso.

"Ay ano ba!" Matawa-tawa niya itong tinulak.

"Makatulak ka naman! Sapakin kita diyan eh!" Umamba pa ito kunwari ng suntok. "Pasalamat ka, magbi-birthday ka na mamaya! Kundi, nako. Itutuloy ko talaga ang pagsapak sa'yo!"

Napangiti na lang si Marky. He was glad Alastor knew it would be his birthday the next day--or in the next two hours to be exact. Makakalimutin kasi ito lalo na sa mga birthday ng mga kaibigan.

"At maligo ka nga, dude. Amoy alak ka eh. Hindi pa naman magandang salubungin mo ang birthday mo nang ganyan. Malas 'yan."

Napakunot-noo si Marky sa narinig.

"Paano naman naging malas 'yon?" Tanong niya.

"Basta! Kasabihan ko 'yon. At basta maligo ka na lang. Huwag mo 'yang kakalimutan." Nag-wave ito ng isang kamay, dismissing the subject, kasabay ng paglapit sa pintuan. "Alis na ako. Doon muna ako sa kapatid ko. Sa Lunes ng umaga na ako uuwi. Okay?"

Hindi sumagot si Marky. Medyo ikinagulat niyang malaman na pupuntahan ni Alastor ang kapatid nito--ang isa sa mga miyembro ng pamilyang tinalikuran at nilayasan nito noon. Pero sabagay, labas na siguro sa galit nito ang kapatid nito na nag-iisa lang at mas bata pa kaysa rito. Kung hindi nagkakamali si Marky ng alala ay babae ang kapatid na iyon ni Alastor.

"Advance happy birthday na nga lang din pala, dude. Hayaan mo, magiging masayang-masaya ka rin mamaya pagdating ng birthday mo." Pinat ni Alastor ang isa niyang balikat at nginitian siya nang nakakaasar. "Bye na!"

Tuluyan nang umalis si Alastor at iniwan si Marky na wala pa ring imik.

Magiging masayang-masaya rin daw ako mamaya? Dobleng saya pa talaga, eh iniwan niya ako ditong mag-isa.

That made him feel sad but shook it off right away. Ni-lock na niya ang pinto at pumunta na sa kanyang kuwarto. Dapat ay didiretso na rin siya sa pagtulog. Kaya lang ay ginulo ang isip niya ng kasabihan ni Alastor. Alam niya namang kalokohan lang iyon. Pero nakaramdam siya ng kaba na baka nga malasin siya kung sasalubungin niya ang kaarawan niya nang amoy alak siya.

Kainis. Labag man sa kalooban ay naligo na siya. Inisip na lang niya na mas okay na rin iyon para maging mahimbing ang tulog niya--para mas mabilis na dumating ang umaga at magawa na niya ang kanyang plano na puntahan at makasamang mag-celebrate ang kanyang nobya at ang kanyang anak.

Anak--nanghina naman si Marky nang maalala si Alannah. Idinaan niya sa pagbuntung hininga ang panghihina niya kasabay ng pag-upo niya sa kanyang higaan at pagpupunas sa basa niyang buhok gamit ang isang tuwalya.

Mula nang konprontahin siya ni Yvette nung nakaraang linggo, sinikap niya na araw-arawin na ang pagtawag at pakikipag-usap sa kanilang anak para ipakita na hindi naman problema ang paninirahan niya nang malayo sa bata. Kaso hindi nangyari ang inasahan niya. Dahil sa kada tawag at pakikipag-usap niya kay Alannah ay lagi nitong sinasabi na sana doon na lang siya nakatira para magkasama raw silang mag-daddy at maging happy kasama ang lola at mommy nito.

May hinala si Marky n iniimpluwensiyahan lang malamang ni Yvette ang anak nila. Kaya naman lakas loob siyang nagpaliwanag sa bata. Pero walang naging magandang epekto iyon. Yes, naiintindihan nga ni Alannah na dahil iyon sa trabaho niya, pero hindi ito sumusuko sa paghiling sa bagay na hindi niya magawang ibigay. Lalo lang tuloy itong nalulungkot sa tuwing nagdadahilan siya, which also saddened him every time they talked.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now