"The pleasure is mine."

"Welcome Ma'am. Ang ganda nyo naman po. Akala ko artistang naligaw dito sa opisina." Salita ng isang babaeng may katabaan. I smiled at her.

"Listen everyone!" Salita nung babaeng nakasalamin. "Siya si Ms. Julianne Gutierrez, ang bago nating Manager na pinadala ni Sir Gab mula pa sa Manila. Let's give her a warm welcome."

"Welcome Ma'am! Sana po mag-enjoy kayo dito." Pakuro nilang sagot.

Suminghap ako. Mukha namang mababait silang lahat at very accommodating. I think I'm gonna enjoy my stay here in Davao.

Nagpakilala sila isa-isa at agad kong nakabisado ang kanilang mga pangalan. Paano bang hindi eh sasampu lang ata silang lahat. Maliban kay manong guard na nakaabang sa labas ng entrance. Si Wella, ang babaeng nakasalamin ang mata kanina, ang assistant manager pala. Siya ang magtuturo sa akin sa pasikot-sikot dito sa office. And I must say that she's very efficient. Halata kasing alam niya ang kanyang mga sinasabi sa akin. I must tell Gab to promote this woman and she can take over the whole place when the time I have to leave.

Bandang alas dose, breaktime, ay nagpakain ako sa mga empleyado. Natutuwa ako dahil masigasig silang lahat at masisipag. Treat ko na rin sa kanila dahil hindi pala biro ang ganitong trabaho. Bandang alas nueve kasi kanina ay dinagsa ang opisina namin ng mga aplikante na hanggang ngayon ay may mga nakaabang pa rin sa labas at naghihintay ng kani-kanilang oras for interview.

Ang agency kasi naming ito ay hindi lamang internationally kundi locally rin. Isa rin pala kami sa partner ng DOLE kaya maraming company dito sa Davao ang kumukuha ng mga employees mula sa amin.

I stretched my body when the last interviewee leaves my office. I checked the time. It's six o'clock in the evening. Supposedly, my working time ends at five o'clock. Pero dahil hindi ko maatim na pauuwiin ang iba ay nag-extend pa ako ng isang oras.

Wella knocked on my door at napabaling ako doon. "Ma'am, pwede na po kayong umuwi. Magpahinga na muna kayo. Masyado nyong sinerseryoso ang trabaho. Nagpatawag na ako ng taxi na maghahatid sa inyo pauwi para hindi na kayo makatanggi." She laughed. She looked tired too. Well, I guess we all were. Ang isiping ganitong sitwasyon araw-araw ay nakakatuyo rin pala ng utak.

"Ang dami kasing applicants. Nakakapanghinayang namang pauwiin silang lahat eh nakapila na. Siguro gumawa tayo ng cut-off at numbering para naman makontrol natin ang bilang nila. Nakakaloka pala ito."

"Nako Ma'am. Monday po kasi kaya ganun. Tska madami rin ang nagseminar sa taas kaya akala mo lang maraming nag-aaply."

Napag-alaman kong ang second floor pala ay isang malawak na AVR Room kung saan doon ginaganap ang mga seminars and orientations ng mga applicants na nakapasa.

Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. "Hindi pa ba kayo uuwi?"

She shook her head. "Mga six-thirty pa Ma'am. Tatapusin lang namin ang pagsasaayos ng ibang dokumento. Tska hindi pa tapos ang last batch na nag-oorient sa taas. Patapos na rin tyak yun."

"Okay. Kayo na bahala dito. Huwag na kayong magtagal pa. Maiipit kayo sa traffic." Wika ko.

She nodded at me. Lumabas na ako ng aking opisina at nagpaalam sa ibang busy pa rin sa kani-kanilang mga table. Ang iba ay nag-e-encode pa sa kanilang monitor.

"Bye guys."

"Bye Ma'am. See you tomorrow." They replied, and I gave them my farewell smile.

Pagdating ko sa condo ay sumalampak agad ako and I leaned against the backrest of the sofa. Pinatong ko ang aking mga paa sa centre table at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon