CHAPTER 19:

30.8K 656 14
                                    

  "Gianna! Hay girl! Namiss ka namin ng bongga dito sa ospital! Nako! Kinukulit ka ng mga pasyente dito kung nasaan ka na."

Sabi sa kanya ni Majho. Bumalik na kasi sya sa dati nyang trabaho sa ospital. Binalik na kasi sya ni Ezekiel kung saan talaga sya nagtatrabaho. Ayaw kasi nyang magkaroon ng issue tungkol sa kanilang dalawa.

  "Oo nga eh, namiss ko din naman kayo lahat eh, akala nyo kayo lang?"

  "So? Ano feeling na amo mo si Ezekiel Fontalejo?"

  "Okay naman? Bakit?"

  "Di mo man lang inakit? Ang gwapo gwapo ng lalaking iyon. Chance mo na iyon girl! Sus kung ako lang pinadala doon, ay di ko sasayangin ang opportunity."

  "Ewan ko sayo."
Hay Majho! Kung alam mo lang, kung alam mo lang talaga. Naramdaman nyang nagvibrate ang cellphone nya sa bulsa nya. Tiningnan nya kung sino ang nagtext, si Ezekiel.

*hey hun, I'll pick you up later. ;) xxx*

Ito ang nakalagay sa text, di nya mapigilang kiligin. Naramdaman nyang nag-init ang pisngi nya. Nagreply naman din sya.

*yeah sure mister ;) xxx*

Pero bago pa nya ito masend ay biglang nawala sa kamay nya ang cellphone, inagaw ito ni Majho.

  "Hoy bruha! Akin na yan!"

Sabi nya dito.

  "Hoy babae! Sino iyong susundo sayo? May boyfriend ka na?"

Sabi sa kanya ni Majho na halatang halata sa mukha nito ang pagkagulat sa nabasa.

  "Wala no! Akin na nga yan!"

Pero di nito binigay ang cellphone nya.

  "Hindi mo boyfriend pero ang pangalan nya dito sa cellphone mo 'Your future husband'? Ano? Lokohan?"

Naagaw nya din ang cellphone nya dito.

  "Pakialamera ka talaga."

  "Sino nga kasi. Sige na, sabihin mo na."

Pangungulit sa kanya ni Majho.

Hindi sya ang naglagay ng pangalan na iyon sa cellphone nya, si Ezekiel, dahil doon din naman daw sila mapupunta. At ang nakalagay namang pangalan nya sa cellphone ng lalaki ay 'my wife'. Di nya aakalaing may kakornihan ang lalaking walang ginawa kundi magsungit. Napangiti sya nang maalala ang pagsusungit nito sa kanya.

  "Uy, si Ezekiel ba yun?"

Napalingon sya sa direksyong tinuro ni Majho.

  "Ha? Saan?"

  "Ay! Confirm! Si Ezekiel ang 'my future husband' mo."

Pang-aasar ni Majho sa kanya. Nilingon nya ang kaibigan at nakangiti ito.

  "So si Ezekiel nga?"

Bulong nito sa kanya. Wala syang magawa kundi tumango sa tanong nito, at impit itong napatili.

  "Eeeeeee!! My goodness! My goodness! Ang haba ng hair mo te!!"

  "Uy, magtigil ka nga dyan. Pinagtitinginan na tayo dito sa cafeteria."

Saway nya dito.

  "Hayaan mo sila! Waaahhh! Congratulations! Ninang ako ha."

  "Anong ninang pinagsasabi mo dyan? Hindi ako buntis no."

  "Bruha! Ninang sa kasal nyo. Wait? Ibig sabihin, something happen between the two of you?"

Sabi ni Majho sa kanya. Nagulat naman syasa sinabi nito.

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon