CHAPTER 11:

27.6K 668 35
                                    

NP: Breakeven by The Script (My fave band♥♥♥)

  "aaaaahhhhh!!!"

Sigaw ni Gianna habang nagpagulong gulong sa kama nya. Ibinaon nya ang ulo sa unan at saka sumigaw. Narinig nya kumatok ang kuya nya.

  "Gianna! Bakit ka sumisigaw? Anong problema?"

  "Wala kuya Greg! Aaaaaaahhhhhh!! "

  "Hoy Gianna manahimik ka dyan kundi papasukin kita dyan!"

  "Shuuuu! Gregory John Mercado! Manahinik ka dyan!"

Nagulat na lang sya nang biglang bumukas ang pinto nya at biglang syang nitong tinalunan.

  "At may gana ka ngayong sigaw sigawan ako ha!"

Sabi nito sa kanya at kiniliti sya sa bewang.

  "Aaaah! Kuya naman eh!! Tamaaaa!"

  "No! Hindi kita titigilan hanggang di ka nagtatanda. Ilang beses mo na ako sinisigawan eh!

Kinikiliti pa din sya nito.

  "Oo na. Sorry na nga eh."

Sa wakas ay huminto na din ito. Naki higa na din ito sa kama nya. Limang taon ang tanda nito sa kanya. 31 na ito at sya naman ay 26, pero sa edad nito ay wala pa rin itong gf o dinidate, kaya di nya malaman kung bading ba ito o sadyang kuripot sa pera at ayaw gumastos sa date.

Nagulat sya nang bigla itong nagsalita.

  "Gianna, bakit pala pagkauwi mo noong nakaraang araw, parang lutang ka at bigla bigla ka na lang sumisigaw?"

  "Wala."

  "Wala? Impossible naman ata yan."

  "Wala nga kuya."

  "Hindi ka naman na sa ospital nagtatrabaho, lalong di na rin sa mental. Sa isang prestihiyosong kompanya ka na ngayon nagtatrabaho. Ngayon ka lang naging ganito. May nangyari ba?"

Tumingin ito sa kanya.

  "Wala. Walang nangyari."

Sabi nya at umiwas sya ng tingin dito. At naalala na naman nya ang nangyari noong araw na iyon.

*flashback*

   "WHAT DO YOU THINK YOU ARE DOING? PERVERT!"
sigaw sa kanya ni Ezekiel.

  "ANO? PERVERT AKO?! MALAY KO BA KUNG NASAAN KA? NA CR PALA IYON AT UMIIHI KA?! TINATAWAG KITA DIBA? DI KA NAMAN SUMASAGOT! AT AKO PA TALAGA NGAYON ANG PERVERT HA?!"

  "Bakit hindi ka na lang maupo dyan at intayin ako diba?!! Mahirap bang gawin iyon?!!!"

  "Bakit ka ba naninigaw?!"

  "Bakit mo din ako sinisigawan?!!"

  "Akala mo naman narape sya sa lagay na iyon. Wala akong nakita sayo dong!! Huh! Wala ka naman nyon eh!"

  "What did you say?"
Tumalim ang tingin sa kanya ni Ezekiel at unti unti itong lumapit sa kanya. Bigla syang napalunok. Hala! Anong gagawin nito sa kanya?

  "Oh? Bakit ka lumalapit sa akin?"

  "I heard what you said. Sabi mo wala ako nun? Wala pang nakapagsabi sa akin ng ganoon sa tanang buhay ko."
Palapit ito ng palapit sa kanya. Tinanggal nito ang coat ng suit nito.

  "Oh edo sorry na."
Nanginginig na sabi nya. Aaaahhhh!! Wag mong ituloy yan! Baka mapikot kita. Gusto sana nyang tumayo sa kinauupuan nya kaso bigla sya nitong kinulong at unti unti nitong nilapit ang mga mukha.

  "Oh? Bakit ka nanginginig at namumutla?"

  "Umalis ka nga."

  "You'll regret that you said those words."
Sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. Aaahhh! Mawawala na ang first kiss nya! Napapikit na lang sya.

  "You will be my Anastasia Steele from now on."
Bulong nito sa kanya

*end of flashback*

  "Ahhhhhhh!!!"

  "Ano ba Gianna! Ano bang nangyayari sayo?"

Sabi ng kuya nya, napatingin sya dito, nasa kama pa rin nya pala ito.

  "Kuya! Ano ba ang ibig sabihin nya?!"

  "Sino ba? Ano ba kasing nangyari? Halos mag-iisang linggo ka nang ganyan? Sabihin mo nga, anong nagyari?"

  "Di ko pwede sabihin sayo!"

  "Anong? Bakit hindi pwede?"

  "Basta kuya! Lumabas ka na nga! Shupi!"

Bigla naman sya nitong binatukan at lumabas na nang kwarto nya.

  "Halimaw ka Greg!!"

Sigaw nya dito.

  "Aaahhh!"

Ginulo nya ang sariling buhok. Naisipan nyang tawagan ang kaibigan. Kinuha nya at cellphone at dinaial ang number nito.

  "Hello Spencer."

  "Hey girl! Napatawag ka? Musta na?"

  "Okay naman ako, diba writer ka girl?"

  "Oo, bakit?"

  "May itatanong lang kasi sana ako eh."

  "Oh? Ano ba yon?"

  "Who's Anastasia Steele?"

  "Oh my goodness! Di mo kilala yon?"

  "Eh, sino ba sya?"

  "Read Fifty Shades of Grey for you to know who she is."

  "Fifty Shades of Grey? eh diba SPG yun?"

  "Hay naku girl! 26 ka na! Kaya mo nang basahin iyon. By the way, ibababa ko na to, nandito na yung editor ko eh. Babye! Basahin mo iyon para malaman mo ang sagot sa katanungan mo."

At binaba na nga nito ang tawag. Agad syang nagdownload ng online reading app sa phone nya at sinearch ang novel na iyon. Bahala na! Gusto nyang malaman kung sino iyong tinutukoy nang damuhong iyon.

A/N: hahaha! Iyon naman pala ang nangyari eh! Hahaha! Naku walang nakita kay Ezekiel. Hahaha! xD

Please read/VOTE/and comment so I can hear your feedbacks. xxx

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon