CHAPTER 15:

32.6K 746 23
                                    

  "Uy, teka."

Nanlaki ang mata nya sa sobrang gulat at kumabog ng malakas ang puso nya na ngayon nya lang naramdaman. Nakadagan sya dito kaya naman ramdam nya ang init ng temperatura nito dahil sa sakit. Pinipilit nyang kumawala sa pakakayakap nito ngunit ayaw sya nitong bitawan.

  "Uy, Ezekiel. Pakawalan mo na ako, inumin mo na tong gamot Sige na naman."

Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya kaya naman inialis nya ang mga braso nito sa katawan nya.

  "Sige na Ezekiel, tulungan mo naman ang sarili mo, sabi ka nang sabi ng masakit pero ayaw mo namang inumin tong gamot mo."

Sabi nya dito. Pinilit nitong idilat ang mga mata at saka marahang bumangon. Inalalayan naman nya ito. Inabot nya dito ang gamot at tubig, ininom naman ito ni Ezekiel. Hiniga nya ulit ito.

  "Can you please turn off the aircon."

Mahinang sabi nito sa kanya. Sinunod naman nya ito. Umupo sya sa lamesang nasa tapat ng sofa at saka tinitigan ang lalaki. Kung siguro ganito ka palagi, yung wala yang kasungitan at rudeness mo, maiinlove ako sayo ng bongga. Nakita nyang may luha ito sa pisngi kaya naman pinunasan nya ito gamit ang kamay nya. Nang dumampi ang kamay nya sa pisngi nito parang nakuryente sya. Hala! Ano iyon? Bakit para akong nakuryente? Kumabog ng malakas ang puso nya. Natigil sya sa pag iilusyon ng may tumunog at mukhang nanggagaling ang tunog sa loob ng coat nito. Kinapa nya ang coat nito at dahan dahan nyang kinuha ang cellphone nito. May tumatawag pala.

*Incoming call from Mom*

Nakalagay sa screen ng phone.

  "Patay! Sasagutin ko ba ito?"

Nagdadalawang isip sya kung sasagutin ito hindi. Huminga muna sya ng malalim at saka swinipe ang ang screen.

  "Hello?"

  "Hello? Who's this? Bakit babae ang sumagot sa phone ni Kiel? Where's my son? Oh my gosh! Are you his girlfriend?"

Sunod sunod na tanong ng babae sa kabilang linya, na mommy ni Ezekiel.

  "Ah, Im sorry ma'am. This is Mr. Ezekiel's secretary. Uhm, ako po ang sumagot ng phone nya dahil may sakit po ang anak nyo."

  "What happen to my son? Is he okay? Where are you?"

Nag aalalang tanong nito sa kanya.

  "Ma'am nagkalagnat po si Sir Ezekiel, at sumumpong po ang migraine nya. Nandito po kami sa office nya."

  "Oh my poor son, Im not in the country right now iha, do me a favor please. Take care of my son please. You seems a good woman, call Lucas to drive the both of you to our house. Don't leave his side please."

Sabi nito sa kanya. Napakamot na lang sya sa ulo.

  "Okay po Mrs Fontalejo."

  "I need to go iha. Please take care of my son."

  "Yes, Mrs. Fontalejo."

  "Thank you iha."

At pinutol na nito ang linya. Napatingin naman sya kay Ezekiel na natutulig pa din. Malalim ang pinapakawalan nitong hininga. Sinalat nya ang noo nito. Ang init mo pa din. Agad nyang hinanap ang number ni Lucas para tawagan ito. Nag-ring naman agad ang cellphone nito.

  "Hello Kiel? Napatawag ka?"

Sabi ni Lucas sa kabilang linya.

  "Hello Sir Lucas, si Gianna po ito."

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon