CHAPTER 9:

27.7K 751 31
                                    

  "Come in!"

Pumasok ang secretary nito sa opisina at nagpaiwan si Gianna sa labas.

  "Sir, Ms. Gianna is here."

  "Oh?! Buti naman at dumating na sya? Let her in."

Narinig na Gianna ang sinabi ni Ezekiel sa secretary nito.

  "Yes sir."

Lumabas na ang secretary.

  "Mam, pumasok na po kayo."

  "Sige, thank you."

Sa huling beses at nagpakawala sya nga isang malalim na buntong hininga. Nangangatog ang tuhod nya na pumasok sa opisina nito. Hay! Grabe! Ngayon lang sya naging ganito sa buong buhay nya, ang kabahan ng sobra. Pagpasok nya ay nakita nya ito na naka upo at may binabasang papeles. Wuuuu! Gulalay! Ang gwapu nyang titigan! Sabi ng isip nya. Pinilig nya ang ulo.

  "After a decade, dumating ka din. Ang ayoko sa lahay ay pinag-aantay ako, alam mo ba iyon? Alam mo ba kung anong oras na?"

Sabi nito habang binabasa pa din ang mga papeles na hawak nito.

  "Mag-aalas otso pa lang, alas nuwebe pa ang pasok ko dito hindi ba?

  "Alam ko."

  "Alam mo naman pala eh. Bakit mo pa kailangan tumawag sa bahay namin? At papaano mo nalaman yung number namin?"

Tanong nya dito, at hanggang ngayon ay busy pa din ito sa pagbabasa ng bmga papeles. Hoy! Tumingin ka naman sa akin! Sabi ng isip nya. Teka? Bakit nya ito pinapaharap sa kanya? Sows Gianna! Gusto mo lang titigan ang mga mata nya. Waaaah! Ano ba!

  "Why are you staring at me?"

Nagulat sya sa sinabi nito. Nakatitig ba sya dito? Hala!

  "Staring? At you?! Haller! Abnormal ba ako para tumitig sayo? Assuming much."

Tinitigan sya nito na mula ulo hanggang paa.

  "Oh? Why are you staring at me?"

Balik tanong nya din dito.

  "Staring? Hah! Assuming?"

  "ABA'T!"

  "Sit down, papaano kita iinterviewhin kung nakatayo ka?"

Inirapan niya ito at umupo sa bakanteng upuan. Ilang minuto nya itong hinintay dahil patuloy itong nagbabasa ng papeles. Kaya naman ay nagsalita na sya.

  "Akala ko ba iinterviewhin mo ako? At tsaka dapat ang HR manager ang gagawa nun?"

  "Let me finish this first."

  "What? Are you kidding me? Pupunta na lang ako sa HR Department."

Akmang tatayo na sya sa kinauupuan nya nang bigla syang pinigilan nito.

  "Just sit. Matatapos na din ako. Hindi ka ba nakapag hintay?"

  "Okay! Okay. Hihintayin po kita kamahalan. Sanay naman akong naghihintay."

  "Ang lalim nun ah?"

Narinig nyang sabi nito. Medyo natawa na lang din sya sa sinabi nya. Oo nga Gianna bakit ka humuhugot? Hay! Ano ba yan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na din ito. Naghikab na sya sa sobrang pagkabagot.

  "Okay, Im done. Buhay ka pa ba?"

Sabi nito sa kanya. Eh kung batukan nya kaya ito? Baka sakaling matauhan.

  "Malapit na akong humimlay dito sa sobrang tagal mo. Inuubos mo ang oras ko. Magtatrabaho pa ako."

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon