CHAPTER 16:

33.6K 811 26
                                    

  "Kailangan ko ba talagang kainin pa itong pagkain na to?"

Tanong ni Ezekiel kay Gianna. Sa sandali kasing iyon ay pinapakain nya ang lalaki, at nag iinarte na naman ito.

  "Wag kang choosy, buti nga pinagtitiisan kitang pakainin eh. Arte mo."

  "Di kita inutusang pakainin ako. Nasaan ba iyong mga kapatid at mga pinsan kong magagaling? Himala iniwan nila ako dito?"

  "Syempre may mga trabaho din ang mga iyon, si Yuan at Eric pala, sila muna ang nag asikaso ng mga naiwan mong trabaho. Si Lucas naman, mamaya baka darating na iyon para ihatid ka na sa bahay nyo. Bakit ba kailangan mo pang umuwi ng bahay, di ka pa masyado magaling? Walang magbabantay sayo?"

  "Ayoko na dito sa ospital, mas gusto ko sa bahay magpagaling, nahihilo na ako sa sanitizer nila. At sino may sabing walang magbabantay sa akin?"

Makahulugan ang tingin nito sa kanya. At agad nyang nakuha ang ibig sabihin nyon.

  "Hoy! Secretary mo lang ako, di mo ako nurse okay? Wala sa kontrata iyon."

  "Di mo ba talaga binasa iyong kontratang pinirmahan mo?"

Napaisip sya sa sinabi nito. Binasa ko nga ba iyong kontrata? Hayst! Nakalimutan ko na!

  "Kita mo na? Pirma ka ng pirma, di mo alam kung anu-ano ang mga nakalagay sa kontrata. Baka mamaya kasal ka na pala di mo pa alam."

Tinitigan nya ito ng masama.

  "Oh? Bakit ganyan ang tingin mo? Im just telling the truth."

  "Alam mo, may sakit ka na nga, ang sama pa din ng ugali mo."

Natigil sya nang tumunog ang cellphone nito.

*mommy incoming call*

  "Oh, mommy mo."

Binigay nya kay Ezekiel ang cellphone.

  "Hello mom."

Habang kausap nito ang mommy nito ay inayos nya na ang pinagkainan nito pati na din ang ibang gamit.

  "Mom she's not my girlfriend okay?"

Nagulat nyang sabi ni Ezekiel, napatingin sya dito at nakatingin naman ito sa kanya. Ano kayang sinabi ng nanay neto?

Ilang saglit lang ay binaba na nito ang linya.

  "Anong pinagsasabi sayo ni mommy?"

Tanong ni Ezekiel sa kanya.

  "Ah, wala naman."

  "She said she talked to you the day that was Im unconscious? What did she say?"

  "Sabi nya lang alagaan kita, iyon lang."

  "At pumayag ka naman?"

  "Eh wala akong magawa dahil sa kalagayan mo. Bakit ba parang big deal sayo? Buti nga inaalagaan ka eh,nanghingi ng pabor yung nanay mo kaya pumayag ako. Ano bang problema mo?"

  "Problema ko? Ginawan lang naman nya ng malisya yung pagpayag mo at sinabi nya na may girlfriend ako."

  "WHAT?!"

Nagulat sya sa sinabi nito.

  "You dont know my mom. Sana pinakausap mo sya sa akin."

  "Di ko naman alam eh, tsaka wala kang malay nun eh."

  "Well kahit na, ngayon alam mo na."

Sabi nito sa kanya.

  "Oo na, pero bakit di ka din kumontra?"

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon