CHAPTER 12:

30.8K 732 29
                                    

  "Hey, Gian? Are you okay girl?"

Tanong sa kanya ng kaopisina nyang si Gracey, noong nakaraang araw ay pumasok na ito kaya naman ay may kasama na sya sa opisina nya.

  "Yeah, Im okay."

Lulugo-lugo nyang sabi dito. Naghikab sya at iniyukyok ang mukha sa lamesa.

  "Mukhang nanood ka ng porn ah? Hehe!

Biro nito sa kanya.

  "Ano? Hindi ah."

  "Mukha ka kasing walang tulog eh. Natulog ka ba?"

  "Hindi ko alam."

Di nya alam kung nakatulog pa nga ba sya. Halos dalawang gabi na syang walang tulog. Hay! Walang hiya ka Spencer! Bakit ba ako nagpauto sayo. Arhg! Matawagan ka nga mamaya. Lagot ka sa akin. Paano ba naman kasi ay sinunod nya ang payo nito na basahin yung Fifty Shades of Grey, hindi naman nya alam na ganoon pala ang kwento nun. Hay! Bwisit ka ding Ezekiel ka! Kung di mo binanggit banggit yung Anastasia, eh di sana di ako macucurious na alamin kung sino iyon. Hay! Sana wag akong matulad sa kanya. Please po. Huhu! Di pa ako ready.

  "Ui, Gianna. Nandyan si Ma'am Vicky."

  "Huh?"

Pagkataas nya ng ulo nya ay nakita nya agad ang head nila.

  "Ma'am sorry po."

Agad nyang inayos ang sarili.

  "No, its okay. Are you feeling well? You look pale."

Sabi nito sa kanya.

  "Yes Ma'am, Im okay."

  "I think you're not. You should go to the clinic."

  "No ma'am. Okay lang po talaga ako."

  "Are you sure?"

  "Yes ma'am."

  "Basta kapag di maganda ang pakiramdam mo pumunta ka na ng clinic para makahingi ka ng gamot o kaya mag undertime ka muna."

  "Okay ma'am."

  "Sige, I'll go ahead."

Lumabas na ito. At muli syang kinausap ni Gracey.

  "Hey girl, tama si ma'am Vicky, pumunta ka na sa clinic. Baka mamaya magcollapse ka dito mahirap na."

  "Sige na nga. Ikaw muna ang bahala ah? Babalik din ako agad."

  "Dont worry, ako ang bahala."

  "Thank you Gracey."

Ngumiti ito sa kanya at lumabas na sya ng opisina. Tamang tama ay huminto ang elevator sa floor nila. Pagkabukas nito ay agad na bumungad ang lalaking palagi nyang nakakasabay. Agad itong ngumiti sa kanya at gumanti naman din sya ng ngiti dito. Pumasok na sya at pinindot ang 5th floor button. Mukhang paakyat ito sa 31st floor dahil naka kulay pula ang 31st button. Walang ano-ano'y bigla syang nahilo at medyo natumba sya. Agad syang nasalo ng lalaki.

  "Hey, are you okay miss?"

Sabi nito.

  "Yeah."

Pagkasabi nya ay muli syang nabuwal sa pagkakatayo. Parang umiikot ang paningin nya.

  "I think you're not. You should go to the clinic."

  "Doon nga ako pupunta eh."

Sabi nya dito, nagulat sya dahil biglang sinalat nito ang noo nya.

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon