CHAPTER 6:

27.6K 649 16
                                    

This is going to be fun! Wahihi! Nagkrus na nang bongga ang landas ni Gianna at Ezekiel. Hahaha! Ciao! ;)

******

  "IKAW!!!!"

Halos sabay na sabi ni Gianna at Ezekiel. Kumulo naman agad ang dugo ni Gianna.

  "Anak ng teteng naman! Noong una natalimsikan ako ng putik ng pesteng sasakyan mo, pangalawa kinuha mo ang order namin, pangatlo binugahan mo naman ako ng usok, at eto ngayong pang apat binangga mo ako!!! AT IKAW PA ANG MAY GANANG MAGALIT??!! ADIK KA BA!!"

Bulyaw nya dito.

  "CAN YOU PLEASE LOWER YOUR VOICE?!!"

  "EH IKAW NGA ITONG SUMISIGAW EH!"

Hinilot ng lalaki ang sentido nito tanda ng pagkairita at tinanggal nito ang shades.

  "Ikaw itong paharang-harang sa daan, akala mo nasa buwan. Kita mong nagmamadali ako!"

  "Huh! Wow ha! SORRY PO KAMAHALAN!!"

Sarkastikong sabi ni Gianna kay Ezekiel. Tinalikuran na sya ng lalaki nang marinig ang sinabi nito.

  "Wag kang pahara-hara. Bulag."

Biglang tumaas ang dugo ni Gianna sa narinig kaya naman ay hinabol nya ito. Wala syang pakialam kahit marami nang nakatingin sa kanya.

  "HOOOYY!!"

Naabutan nya ito at hinawakan sa balikat para humarap sa kanya. Kinuyom nya ang palad para gawin ang matagal nya nang gustong gawin.

  "Kailangan mong turuan ng leksy-"

Aambahan na sana nya ito nang mapatitig sya sa mga mata nito.

  "syon.."

Kitang kita nya ang kulay kape at malamlam na mga mata nito. Parang nakikita nya ang buong pagkatao nito. Parang tinutunaw ang buong pagkatao nya.

  "Ang gwapo ko ba?"

Sabi ni Ezekiel sa kanya. Biglang bumalik ang kaluluwa nya sa realidad. Hawak pala nito ang braso nya at ang isang kamay nito ay nakahawak sa bewang nya. Pumiglas sya sa pagkakahawak nito ngunit ayaw sya nitong bitawan.

  "Bakit ka nakatitig sa akin? Nagagwapuhan ka sa akin no?"

Pang aasar nito sa kanya. Unti-unti nitong nilalapit ang mukha nito sa kanya. Hindi pa din sya makagalaw dahil parang nawalan sya ng lakas.

  "Sabi ko na nga ba, nagpapapansin ka lang sa akin dahil gusto mo ako. Mga babae talaga. Halik lang ang habol sa mga lalaki."

Bulong nito sa kanya. Dahil sa sinabi nito ay walang ano-ano'y bigla nya itong sinipa sa tuhod. Bigla sya nitong nabitawan at napaigik sa sakit.

  "Walang modo! Manyak!!"

  "Damn you! Ouch! Fvck!"

Hawak nito ang tuhod. Mukhang napalakas nga ang sipa nya dito. Paano ba naman kasi black belter sya sa taekwondo.

Tatakbo sana sya nang biglang may tumawag sa kanya.

  "Mam wait!"

Isang security guard at may kasamang may edad na lalaki.

  "Mam kailangan nyo po munang sumama sa amin kasama si Sir."

  "WHAT??!"

Gulat na gulat nyang sabi. Hala! Makukulong ba sya?

A/N: hay my goodness! Pati ako kinikilig habang dinadraft ko to. Abangan ang mga susunod na kabanata mga kababayan!! ;)

Please read/VOTE/comment. So I can hear your feedbacks. ;)

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon