CHAPTER 7:

28.5K 734 16
                                    


  "Kuya Greg, sunduin mo na ako dito please."

Nagsusumamong sabi ni Gianna sa kapatid habang kausap sa cellphone.

  "Oo na, malapit na ako dyan. Ano ba kasing ginawa mo Gianna Rose Mercado at hinold ka nang management ng mall?"

  "Basta kuya. Dalian mo ha?"

  "Oo na. Ibababa ko na tong tawag dahil nagmamaneho ako. Bye."

  "Ingat. Bye."

Pinutol na nya ang tawag.

  "This is all your fault! Damn it! I haven't attented my meeting because of you"

Sabi sa kanya ng damuhong si Ezekiel.

  "At ako pa ngayon ang may kasalanan? Eh ikaw na nga tong namangga kanina? Ang galing mo din no?!"

  "Mam, Sir, pag-usapan nyo po ang problema nyo. Wag nyo pong palalain. Dahil po sa nangyari kanina kakausapin po namin kayo."

Sabi ng manager sa kanila

  "Ano bang ginawa namin?"

Tanong ni Gianna dito.

  "Mam your action caused a scandalous scene. Nakita po namin sa cctv na sinaktan nyo si Mr. Fontalejo, which is he's one of the stockholder here in this mall.

Nagulat si Gianna sa narinig.

  "WHAT?! ISA SYA SA MGA STOCKHOLDER?"

  "Yes mam."

Tiningnan nya si Ezekiel at nakatingin ito sa kanya, at sa mga titig nito ay para syang gustong balatan ng buhay. Patay! She's really dead.

  "Di ko naman gustong sipain sya eh, binastos nya kasi ako."

  "Mam do you have proof na binastos ka ni Mr. Fontalejo? Sa nakita namin sa cctv ay ikaw ang unang sumugod sa kanya at pinagtanggol nya lang ang sarili nya."

  "Hah! Ikaw babastusin ko?"

Natatawang sabi ni Ezekiel sa kanya. Tiningnan nya na lang ito ng masama. Ang bwisit talaga! Ako pa ang babaliktarin! Sabi nya sa isip nya. Inisip nya ulit ang sinabi nito sa kanya kanina. Binastos ba sya nito?

  "Sabi ko na nga ba, nagpapapansin ka lang sa akin dahil gusto mo ako. Mga babae talaga. Halik lang ang habol sa mga lalaki."

  "Sabi nya kasi halik lang ang habol ng mga babae sa lalaki."

  "Mam, I dont see anything malicious sa sinabi ni Mr. Fontalejo."

Magsasalita na sana sya nang biglang may nagsalita.

  "Mam, nandito po ang kapatid ni Ms. Mercado."

Nakahinga sya kahit papaano ng maluwag dahil nandito na ang kuya nya. Pumasok na ito sa loob.

  "Kuya!"

Tiningnan sya nito ng masama at umupo sa tabi nya.

  "Okay! We're all dramatic here! I'll fix this mess with my girlfriend."

Nagulat sya sa sinabi ni Ezekiel at napatingin dito. Pati ang kuya nya ay nagulat.

  "GIRLFRIEND??!!"

  "I have to go I have meetings to attend. Excuse me."

Tumayo na ito at lumabas.

  "Sandali lang kuya, sandali lang po mam."

Naiwang gulat ang kuya nya at ang manager.

  "HOY FONTALEJO!!"

Hindi sya nilingon ni Ezekiel. At naabutan nya din ito.

  "Hoy! Adik ka ba? Anong yung sinabi mo kanina? Anong girlfriend? Adik ka ba?"

Tumingin ito sa kanya. Ay syet na malagkit! Ano bang meron sa  mata neto!

  "Ayoko nang palakihin ang eskandalong ginawa mo. Masyado na akong naabala. Ibabawas ko sa sweldo ang ginawa mo kanina."

  "Huh? Anong sweldong tinutukoy mo?"

Unti unting lumapit ang mukha nito sa kanya, at naramdaman nya na halos dumampi na ang labi nito sa tenga nya at saka bumulong.

  "Magkita na lang tayo sa opisina ko sa susunod na araw Ms. Mercado."

Lumayo na ang mukha nito sa kanya at nanatiling maka dilat bg bongga ang mga mata nya. Isinuot nito ang shades at saka naglakad palayo sa kanya. Parang nawalan ng lakas ang tuhod nya. Buti na lang ay nakahawak sya sa pader.

  "Gianna!"

Narinig nyang tawag sa kanya ng kuya nya.

  "Mukhang marami tayong pag uusapan." Sabi nito sa kanya.


---------------------------------

  "Ano bang tumatakbo dyan sa isip mo Gianna! Hindi kita pinasalibsa taekwondo club para makapanakit!"

Bulyaw sa kanya ng kuya nya. Pagkauwi pa lang galing ng mall ay tinadtad na sya ng sermon nito.

  "It was only self defense kuya!"

  "Self defense? Wala namang ginawa yung tao ah! Kitang kita sa cctv na ikaw pa nga ang sumugod. Nakakahiya Gianna! Stockholder ng mall yung kinalaban mo! At isa pang dekalibreng negosyante!"

  "Teka? Kilala mo si Ezekiel Fontalejo kuya?"

  "Malamang! Magbasa ka ng dyaryo nang malaman mo kung gaanong makapangyarihan ang kinalaban mo kanina."

Ang kuya nya ay isang editor sa isang broadsheet newspaper. Kaya di na sya magtataka kung kilala nito ang mga Fontalejo. Dahil ayon na din sa nabasa nya ay sikat ang mga Fontalejo sa larangan ng negosyo.

  "At totoo ba iyong sinabi ni Ezekiel?"

  "Na girlfriend nya ako? Hahahaha! Kuya naman! Natatawa ako sa mga kalokohan nya."

  "Kaya pala nakita kong hinalikan ka nya?"

Doon na sya nagulat sa sinabi nito.

  "Ha?! Anong hinalikan? Hindi ah!"

  "Wag ka nang magkaila Gianna"

  "May binulong lang sya kuya maniwala ka."

Tumalikod na ito sa kanya at nagsalita.

  "Basta wag ka lang magpapaloko Gianna. Hahahaha! At kaya pala nawalan ka nang lakas kanina."

Pang aasar nito sa kanya.

  "Waaaah!! Humanda ka talaga sa akin Ezekiel Fontalejo!"


A/N: Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. ;)

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon