CHAPTER 4:

31.7K 735 14
                                    

Galit na galit syang pumasok sa loob ng coffee shop kung saan naiwan nya ang mga katrabaho.

  "Hey girl! Okay ka lang ba? Mukhang hinabol mo pa si Mr. Gwapuness-overload."

Asar ni Majho sa kanya.

  "Tigilan mo ako Majho ha? Bwiset na lalaking yon? Bugahan ba daw ako ng usok! Nyeta sya! Pati yung order natin kinuha!"

  "Hey girl! Chill lang okay? Gwapo naman sya eh!"

  "Gwapo?? Oo GWAPONG WALANG MODO!!"

Sabi nya sa kaibigan. Nanginginig ang kalamanan nya sa sobrang asar.

  "Hey girl! Maupo ka nga muna. Inom ka muna ng kape ay este tubig pala"

Inabot sa kanya ni Majho ng isang basong tubig kinuha nya ito at ininom. Kahit papaano ay kumalma ang sistema nya.

  "Okay ka na girl? Kalma lang kasi okay? Wag gg."

  "Sino ba kasi yung bwiset na iyon? Teka? Parang kilala ko yung sasakyan nya?

  "Kilala mo yung sasakyan? Pero yung gwapong nilalang na yon di mo kilala?"

Di nya pinansin ang sinabi ni Majho. At inisip nyang mabuti kung saan nya nakita ang sasakyan nya iyon.

  "Ah alam ko na! Ang bwiset na yun ang nagtalamsik sa akin ng putik noong isang araw!"

  "Huh? Nagtalamsik? Di ko gets?"

Naguguluhang sabi ni Majho sa kanya. Biglang nag init ulit ang ulo nya ng maalala ang tagpong iyon.

  "ARGH! BWISET! SYA NGA!!!"

Napalakas nyang sabi.

  "Shhh. Miss can you please lower your voice?" Sabi ng isang costumer sa shop. Magsosorry na sana sya nang may umepal.

  "Hey miss? Di mo ba kilala yung lalaking sinasabihan mo ng bwiset??" Sabi ng babaeng epal.

  "Sino? Yung gunggong na yon? Huh! Pinagtatanggol nyo talaga yung walang modong iyon?"

  "Excuse me! He's Ezekiel Fontalejo!"

Nakataas ang kilay nito ng sabihin sa kanya ang pangalan ng damuho.

  "So?? Kahit sino pa sya, wala akong pake!"

Bulyaw nya sa epal.

  "Oh my G!! This is disaster!!" Maarteng sigaw nito.

  "Hoy!! EPAL NA MAKAPAL ANG BLUSH ON! WAG MO AKONG SISIGAWAN! GUSTO MONG MASAPAK?!!"

Sigaw nya dito at aambahan nya na sana ito ng awatin sya ng mga katrabaho nya.

  "Halika na Gian! Wag mong patulan yan." Hinila na sya ng mga katrabaho nya palabas ng shop.

  "Wag nyo akong pigilan! Tuturuan ko lang ng leksyon yung epal na yon!"

Nagpupumiglas nyang sabi pero nanatiling nakahawak sa mga braso nya ang mga katrabaho.

  "Kung di ka namin pipigilan ngayon baka sa presinto ka pulutin nyan."

Bigla nyang naisip ang sabi ng Kuya Greg nya noong nakaraang gabi. Kahit papaano ay pinilit nyang kumalma.

  "Breath in... Breath out..."

At sinunod na lang nya ang pinapagawa ng kaibigan.

-----------------------------------

Nagtataka si Gianna dahil pinatawag sya ng head psychiatric nurse nila pagkatapos nilang magmeryenda. Dumiretso na sya sa pinakaquarter nila.

  "Mam Vicky, pinapatawag nyo daw ho ako?" Sabi nya sa boss nya

  "Ah, yes. Sit down Ms. Mercado."

Pinaupo sya nito sa katapat na bakanteng upuan.

  "Tungkol po saan ito mam?" Kinakabahan sya sa sasabihin nito

  "May kaibigan akong nangangailangan ng psychometrian sa kompanya nila."

  "Psychometrician po?"

  "Yes, so I decided na irecommend ka."

  "Po? Ako? Bakit po ako?"

Nagulat nyang sabi dito.

  "You're qualified enough naman. Pasado ka sa board ang lisensyado ka naman. In fact may M.A. ka pa nga." Sabi ng boss nya.

  "Sigurado po kayo mam na ako ang ipapadala nyo doon?"

  "Oo naman! I trust you and your credentials as well."

  "Papaano naman po yung trabaho ko dito?" Kahit paano ay nanghihinayang sya at napamahal na din sya sa mga batang pasyente nya.

  "May papalit naman sayo."

  "Pero mam pwede po bang dumalaw dalaw ako dito?"

  "Oo naman. You're still part of the quarter, ipapadala lang kita sa ibang field."

  "Okay po mam"

  "Ay next week ka na pala lilipat sa Fontalejo Inc."

  "Ah, sige po! Ay teka Ms. Vicky, Fontalejo Inc.?"

  "Yes! Its a very renowed business in business industry."

OH SHOOT! FONTALEJO INC? Di ba apelyido iyon ng gwapong walang modo? Sya ba ang may ari non? PATAY! WAG NAMAN SANA. Sabi ng isip nya.

A/N: nakaka excite ang pag kikita nila ni Ezekiel. Hahaha! #teamGiaKiel ♥♥♥

Please read/VOTE/comment so I can hear your thoughts about this story. ;)

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon