Chapter 33: Plea

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero... ayun na ang tipo ng kaba na gustung-gusto niyang maramdaman.

Idiniin pa ni Marky ang mga labi sa kanyang sintido, dahilan para unti-unting mapawi ang takot niya at mapangiti na lamang habang nagbibisekleta sila.

***

THEIR DATE WAS more for Alannah, para i-celebrate nila ang pagkapasa nito sa Double-A. Two weeks late na kasi ang celebration nila, so to make sure na makakabawi sila sa bata ay sinunod nila ang halos lahat ng request nito--maglaro sa malaking playground, matutong mag-bike, subukan ang ilang rides sa amusement center na naroon din sa parke, at maging pagbili ng ilang laruan na nagustuhan nito sa may tiangge. Pati ang kinainan nilang fast food for dinner, ito ang pumili. Walang paglagyan tuloy ang saya nito nang makauwi na sila.

"Bye po, Tita Nix! Punta po tayo ulit doon ah, at saka mag-bike po tayo ulit at saka 'yung carousel!" Masayang sabi ni Alannah na kandong-kandong niya sa passenger seat ng sasakyan niya.

Kakahinto lang nila sa tapat ng pamamahay nina Marky. At ang oras? Pasado alas nueve na ng gabi. Pero si Alannah, masigla pa rin. Palibhasa sanay magpuyat.

"Yes, mahal naming prinsesa." Sagot niya rito habang nagtatanggal ng seatbelt. "Basta magtagpo lang ulit ang free time namin ni Daddy, papasyal ulit tayo."

Bumaba na silang tatlo.

"Teka," pigil sa kanya ni Marky nung papasok na siya sa may driver's seat. "Ipag-drive kaya kita pauwi sa inyo?"

Natawa si Monic. "Ipagda-drive mo ako tapos magco-commute ka pabalik dito? Nako, huwag na, Marky. Mapapagod ka lang. Kaya ko pa namang mag-drive pauwi nang ganitong oras."

Hindi na umimik ang binata. Tila nag-iisip pa rin kung ipagda-drive pa ba siya o ano.

"Marky, i-reserve mo na lang 'yang lakas mo mamaya sa pagda-drive mo pabalik sa Pasay."

"Pero--"

"Huwag na pero!" Pinanggigilan niyang hawakan ang baba nito bago tumingkayad at hinalikan sa pisngi.

"Lah... Pisngi lang?" Reklamo nito.

Ngumiti lang nang nakakaloko si Monic, at saka nag-squat para naman halikan sa pisngi si Alannah na nakaakay rito.

"Bye, Alannah."

"Buh-bye po!"

At sumakay na ng kotse si Monic.

"Prinsesa ko, pumasok ka na sa bahay natin. May pag-uusapan lang kami ni Tita Nix." Utos ni Marky sa anak na agad namang sumunod.

"Anong pag-uusapan natin?" Sobrang nagtatakang tanong ni Monic pagkaalis ng bata.

Niyukuan siya ni Marky sa nakabukas na bintana ng driver's seat. Pinatong pa nito ang isang braso sa may pinto. Akala naman niya ay may ibubulong ito sa kanya. Pero hindi pala. Inabot ng isa pa nitong kamay ang kanyang mukha at saka inangkin ang mga labi niya. That, surprised Monic. Pero hindi nakahadlang ang pagkabigla niya para sagutin ang paghalik na ginagawa ng kanyang nobyo, hanggang sa ito ang unang tumigil at bahagyang lumayo.

"If I could, I'd kiss you more. Kaso hindi na puwede. Gusto na kitang makauwi. So t'saka na lang."

"Right..." Pagsang-ayon ni Monic. "T'saka na lang..."

"Ingat ka, ha."

Tumango siya, at muli naman siya nitong hinalikan--sa kanyang noo.

Pinasara pa ni Marky ang bintana niya bago siya hinayaang magmaneho paalis--nang may napakalapad na ngiti sa kanyang mga labi.

***

TODO NAKANGITI SI Marky nang pumasok siya sa pamamahay nila ng kanyang ina.

Nakabukas ang ilaw sa sala pero walang tao roon. Kaya dumiretso siya sa hagdanan para pumanhik sa itaas. Pero bago siya makaapak sa unang hakbang ng hagdanan ay natigilan siya dahil eksaktong bumababa si Yvette.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon