"You can't fool me again bitch."

--

"Isang bangkay ang natagpuan sa isang liblib na iskinita malapit sa sang sikat na unibersidad ng Pash  Tinatalang dalawang lalaki ang umano'y pumaslang sa sinasabing bangkay. Napag alaman ng mga otoridad na isa itong babaeng nasa edad labing walong taong gulang. Hin---" bigla nalang akong napangisi sa narinig sa tv.

Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa akong may nababalitaan na namamatay. Unti unti na silang nalabas. Hindi ko alam kung nag tatago ba sila sa ibang katauhan.

--

--

P A S H  A C A D E M Y
---

Nag lalakad ako papasok sa eskwelahan ng may nakikita akong ilan ilang estudyanteng nag kukumpulan.



Pumunta ako sa gawing yon at isiniksik ko ang sarili ko makita lang yung kung anong pinag kakaguluhan nila.

"Anong meron?" Sabi ko dun sa isang babaeng nasa unahan ko.


"May litrato ng patay na babae, bago na naman na biktima. Halos araw araw na may namamatay. May nakikita silang bagay lagi na pare parehas." Sabi pa niya, tumingin ako sa litrato grabe ang ginawa don sa babae pero mas grabe kung ako yung gagawa non.



Smirk.



"Ano naman yung bagay na yon?" Sabi ko pa.

"Isang kwintas may nakaukit don na dragon at mata!" Sabi niya at nag madali ng umalis.


Marahil ay oras na ng klase. Inaayos na ng mga prof at lahat ng mga tao sa faculty ang nangyare.


Pinakalma nila ang mga estudyante at pinauwe ng maaga marahil madaming mga magulang ang nag rereklamo sa patuloy na paglaganap ng krimen sa paaralan.

Halos mapapansin nyo lahat ng mapasukan kong eskwelahan ay puro gulo at patayan. Napangisi ako sa kawalan at nag lakad papalayo sa kanila.

Pumasok ako sa aking sasakyan at pumunta sa pinaka malapit na cafe.



Sa hindi inaasahan nag tagpo ang landas namin ni Draye, ang mga mata niya labi at buong katawan.



Namiss ko. Hindi, hindi ito maaaring manyare.




Ako ang unang umiwas ng tingin agad akong pumasok, no choice ako kung hindi pumasok.



Masyado naman akomg obvious kung aalis ako.




Hindi ko alam kung kelan nag simula ang ganoong pakiramdam. Hindi naman ako nalapit sa kanya. Bwisit na puso ito.



Pumunta ako sa pinaka sulok ng cafe. May pumunta saakin waitress at kinuha ang order ko.


Umorder ako nga isang slice ng chocolate cake at isang coffee.  I love coffee. Nawala ang pag mumuni ko ng may nag salita sa likodan ko.

RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now