Chapter 10

39 16 11
                                    

Three days of practicing for our graduation ceremony is tiring. Paulit-ulit na lakad, upo, at tayo. It's so boring that I could almost eat my whole nail out of boredom. Thankful naman ako dahil bukas ay Saturday na naman so hindi kami pupunta sa eskwelahan para sa practice.

Next week dalawang araw pa ang practice at sa Tuesday ay general rehearsal na at magrerelease na'rin ng program para sa graduation day namin. Sa Friday ang graduation day at may dalawang araw kaming pahinga at salamat nalang at binigyan kami ng dalawang araw na pahinga bago ang graduation.

I cover my mouth as a soft yawn escapes from my lips. The boy beside me slips a sheepish grin. I only roll my eyes at him and I receive an elbow from him. Kaya mas lalo ko siyang inirapan dahil ginugulo niya ako.

Since the night he asked for my number, he couldn't stop texting me. Time to time yun at kung hindi ko siya pinagsasabihan na matutulog na o kahit may kailangan pa akong gawin ay hindi siya titigil sa kakatext.

Nakaka-adik din siyang text mate sa totoo lang, palagi kong nireremind ang sarili ko na dapat hindi ako mabaliw sa kakahintay sa reply niya dahil marami din akong kailangan gawin gaya nalang kapag nasa bahay ako ay may mga gawaing-bahay din akong trinatrabaho.

Nakaupo kami sa benches habang nakikinig sa mga pangalan na tinatawag para makapunta sa stage. Nakayuko at ipinikit ko ang aking mga mata kasi gusto ko lang munang umidlip habang hindi pa natatapos yung yung ibang estudyante sa pag-akyat sa stage.

"Narra."

I peel my eyelids open when Conan pokes his finger to my arm. He shows me a bar of Snickers, I smile as I receive it.

"Thank you." I mutter then I peel the plastic wrapper.

"May plano ka bang sumama sa kaibigan mo mamaya?"

I turn my face to look up upon him. "Ha?" sambit ko kasi hindi ko siya naintindihan nung una.

Bahagya niyang iniyuko ang kanyang mukha para marinig ko siya ng maayos pero nag-init lang ang pisngi ko dahil sobrang lapit niya na halos pagkamalan na kaming naghahalikan, although no one notices us because we all have our own businesses to take care of.

"Narinig ko kayong nag-uusap kanina nung kaibigan mo, napadaan lang ako kanina, tapos narinig ko na niyaya kang pumunta sa sorority party ni Celestine."

I crinkle my face and just shake my head. "Hindi ako makakasama. Maa-out of place lang ako doon kasi wala naman akong kaclose doon kundi si Vega lang."

"So hindi ka pupunta?"

"Bakit?"

"Nothing. Akala ko busy ka mamaya. Hindi kita matetext kung busy ka."

Napangisi ako sa ginawa niyang biro. Piningot ko siya sa tenga na mayroong suot na hikaw. Akala ko ay tinanggal na niya yun pero binalik niya nung matapos yung laro niya noong unang araw.

"Talagang ineexpect mo akong mahulog sa joke mo ah. Hoy, for your information, ang cheesy mo kaya."

"Ikaw lang naman ang rason kung bakit ako nagiging ganito."

Sa sagot niya ay napahinto ako. Mabilis na kumarapas ng takbo ang puso ko. I know there's no denying that I develop a special feelings for him. I may be have a crush on him but I'm still not certain about my true feelings. And I still want to confirm it.

Mahina kong hinampas ang hita niya saka kumain ng chocolate na bigay niya. Mayroon din siyang kinakain, inalok nga niya ng isang chocolate yung katabi niya pero umiling lamang ito para tanggihan ang alok niya.

Napapangiti ako kapag nakikita ko siyang hindi pinagdadamotan ang ibang tao, maliban sa'kin na palagi niya akong nililibre. Hindi siya madamot sa iba pagdating sa pagkain o gamit. Someone asked him if he has an extra paper, humihingi ng isang sheet yung classmate niya at binigyan niya ng limang sheets para may extra pa daw.

Color of Hate (School Series #1)Where stories live. Discover now