Chapter 05

62 28 4
                                    

Ano kaya ang iniisip ni Conan at bakit kaya niya yun nasabi? So kahit saan man ako magpunta ay dapat isasama ko siya? Bakit hindi nalang siya umalis mag-isa tutal hindi ko naman hawak ang buhay niya. At kung may isasama man ako ay yun ay yung taong kakilala ko na ng lubos.

Bumalik ako sa pwesto ko at diretsong humarap sa pisara. Sobrang boring ng araw na'to. Gusto ko nalang na umuwi.

Kinalabit ako ni Vega sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakasimangot siyang sinalubong ako ng tingin.

"Saan ka nagpunta at ba't ang tagal mong bumalik?"

"Bakit?"

"Eh magpapasama ako sayo sa CR."

Kumunot ang noo ko.

"Eh diba sabi mo may kasama kang iba, bakit hindi ka nalang pumasok kanina sa banyo?"

Napangiwi siya sa tinuran ko. "Ngayon lang ako naiihi pagpasok dito sa classroom."

Napakamot ako sa ulo ko. "Kararating ko lang galing canteen. Ikaw nalang."

"Sige na." Pagpilit niya sa'kin.

"Ayoko nga. Nakakatamad ng lumabas."

Kaninang hindi pa ako nakakapasok ay hindi siya nagsabi sa akin na samahan ko siya o di kaya kanina dapat na nasa labas pa siya para naman hindi na ako tamarin pa sa paglabas. Nakakainis lang, kaninang nagpasama ako ay ayaw niya tapos ngayon ay mamimilit pa siya.

"Sige na, libre kita ng milktea mamayang lunch time."

Napahinga nalang ako ng malalim. Ang daya niya talaga. Sobra. Sa huli ay sumama ako sa kanya dahil sa pamimilit niya sa akin. Kahit hindi naman niya ako ilibre ay pipilitin niya pa'rin ako hanggang sa pumayag ako.

Dumaan kami sa star-B section kasi kasunod lang ng room namin ang room nina Conan. Napansin ko na ang kupad maglakad ni Vega. Tapos panay pa ang sulyap niya sa loob ng classroom ng star-B.

"Hoy, akala ko ba naiihi ka na? Ba't ang bagal mong maglakad diyan?"

Hindi niya lang ako pinansin pero panay pa'rin ang kanyang tingin sa loob ng classroom at minsan naman sumusulyap siya sa daan pero yung atensyon talaga niya ay nasa loob ng star-B. Pangiti-ngiti din siya.

Napausisa ako kung sino ang sinusulyapan niya. Karamihan din sa star-B ay maraming gwapo pero yung nakikita ko ay sina Conan at Preston tapos may dalawa pang mga boys na nasa tabi nina Conan at Preston. Hindi ko mawari kung sino ang tinititigan ni Vega sa kanilang apat.

Si Preston ay nagbuklat ng notebook at binasa yung nakasulat doon. Yung notebook ay kulay pink at pakiramdam ko talaga na hindi sa kanya yun dahil pink ang kulay. Sa classmate niya yatang babae siya nakihiram.

I feel like someone is watching me when I glanced to look inside of their classroom. And there I notice that Conan catches my gaze. He grins as he sees me but I just make a frowning face. Naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina na sasama siya sa'kin kung saan ako pupunta.

"Tch." I mumble.

Lumagpas na ako sa may bintana at palapit na sa pinto nang makita ko si Idy na nasa gilid ng bintana at may seryosong nagbabasa ng libro. Hindi ko alam kung ano ang binabasa niya, as if naman may pakialam ako sa kanya.

Marahas na paglingon ang ginawa ko para tawagin si Vega. "Hoy bilisan mo na! Kung hindi ka agad lumapit sa'kin babalik ako sa classroom." banta ko.

Bumilis ng bahagya ang lakad niya hanggang sa makalapit siya sa'kin. Hindi ko masyadong tinignan si Conan kasi baka siya yung tinititigan ni Vega, ayokong pagselosan ako ng kaibigan ko kung sakali mang makita niya kami na nagpapalitan ng tingin.

Color of Hate (School Series #1)Where stories live. Discover now