Chapter 04

59 28 6
                                    

We're back to school only to comply our courses before our grades finalized by our teachers before graduation. Do'n ay titiyakin kung pwede na bang maka-graduate o hindi pa. Pero sa section namin, lahat ay pasado dahil walang may absents sa amin. Kami palagi ang perfect sa attendance compared sa ibang sections as we're so competitive.

Hinila ko pababa ang skirt ko nang makaupo ako sa silya ko. Wala na kaming klase dahil tapos naman yung exam pero ang tagal pa ng graduation namin. Nimove kasi ang date dahil yung principal namin ay ang hilig niyang umalis lately. Siguro nga ay always busy.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at naglaro ng offline game. Yung ibang kaklase ko ay iba ang pinagdidiskitahan. Yung iba ay cellphone ang hinahawakan at ang iba naman ay nakikipag-tsismisan ng kung ano lang na topic. Tapos may couples din kami sa classroom kagaya ng ibang sections.

May magkasintahan na nasa gilid at natutulog. Nakayuko yung babae sa armchair habang nakapatong ang boyfriend niya sa kanya. Buti at hindi nagrereklamo yung babae na mabigat.

Si Vega ay kasaling makipagtsismisan sa ibang kaklase namin. Puro kalalakihan naman ang pinag-uusapan nila. Kaya hindi ako sumasabay sa kanila na makipagtsismisan dahil palaging out of place lang ako. Wala kasi akong ideya kung sino ang pinag-uusapan nila.

Pag-angat ko ng tingin sa labas ng bintana ay namataan ko si Preston na may kasama. My brows get furrow when I see him talking to Conan. Padaan sila sa classroom namin pero nang magtama ang tingin namin ni Conan ay bigla niyang inangat ang isang sulok ng labi niya. I snarl at him with my silent eyes and lips.

Nang lumagpas sila ay sinundan ko pa sila ng tingin, paglingon ko rin ay nakita kong naghiyawan ang classmates ko pati na si Vega.

Umikot ang mga mata ko at mabilis na tumingin sa harap, binaba ko ang tingin sa nilalaro kong game sa cellphone ko.

It isn't the first time I saw those two boys together. Before, I have already seen them passing by together, chatted or even eat at our school canteen. They seem they know each other too well, they could even pass as best friends because they're like always together.

Hindi kaya parehas silang bakla?

Nah.

Hindi dapat ako maging judgy kasi hindi ko pa naman lubos silang nakikilala.

Si Preston ay kilala ko talaga siya dahil naging classmates ko siya ng apat na taon mula lower grades hanggang noong grade eleven kami. Star section ay yun ang top section sa school namin para sa mga bright students, hinati lang ng A and B dahil masyado kaming marami.

Preston Elijah is one of the best taekwondo player in our school. Naging two times black belter siya at isa siyang pride ng school namin. Hindi ko alam kung bakit naging kakilala niya si Conan.

"Vega hindi ka ba sasama sa akin sa canteen?" tanong ko nang isinuksok ko sa bulsa yung wallet ko.

"Canteen? May pupuntahan pa kasi ako."

My brows turn into a knit.

"Saan naman?"

She exhales but I know she's just thinking her answer.

"Pupunta lang ako sa section C dahil nandoon si Celestine. May kukunin lang ako sa kaniya."

Napasimangot naman ako.

"Okay." Yun lang ang sagot ko at sinara ko ang bag ko.

Hindi ko na dinala pa ang cellphone ko dahil hindi malalim ang bulsa ko at baka mahulog pa yun. Wala pa naman akong pambili pa ng bago.

Lumabas ako ng classroom at mag-isang lumakad papunta sa canteen. Nagugutom kasi ako at gusto kong kumain doon. Ang tagal pa ng lunch time at hindi ko na matiis pa ang gutom ko.

Color of Hate (School Series #1)Where stories live. Discover now