Chapter 06

55 25 5
                                    

The next day is Saturday. I help my mother to bake in our humblest kitchen. The reason why I'm helping my mother is because it's not just a simple thank you—it's about her giving me extra allowance. She knows I need money. And it's also our time to be with each other.

Kapag nasa bahay ako na walang pasok at may umoorder sa kanya na pastries o kung ano-ano lang ay tinatawag niya ako at pinapatulong sa pagbebake. Hindi ako kasing galing sa kanya na magbake, taga-whip lang ako at taga-lagay ng icing kung mayroon mang ilalagay.

Kung magaling lang din akong magbake ay yun din ang magiging business ko para kumita pa ng mas malaking pera.

"Ma, nandito na po yung kukuha ng cupcakes." I announce with my calm voice.

"Nandiyan na ba? Sige, tulungan mo akong ihatid sa labas yung mga nakakahon." utos niya.

Kinuha ko ang dalawang nakakahon na cupcakes para ibigay sa nag-order. Hinatid namin ni mama sa labas saka binigay yung bayad sa kanya. Pagkabayad ay binigay sa'kin ni mama yung suhol ko.

Nagpasalamat naman ako dahil may idadagdag na naman ako sa ipon ko. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha yung wallet ko saka ipinasok ko yung pera ko doon sa wallet bago ko ito itinago sa ilalim ng damit ko sa loob ng aparador.

"Ady, bumili ka ng isang toyo sa groserya. Wala na tayong toyo dito!" utos ni mama.

"Gagamitin mo na ba ngayon, ma?" tanong ko.

"Hindi pa naman. Pero kapag dumating ang papa mo mamaya ay baka maghanap yun, ang hilig pa naman gawing sawsawan ang toyo. Bumili ka muna sa groserya."

Inilahad niya sa'kin yung perang pambili ng toyo. Inabot ko yun at pumasok ako sa kwarto ko para kumuha ng jacket. Ang init pa kasi. Ala una palang ng hapon at sobrang init na sa labas. Kumuha din ako ng sombrero ko para hindi mainitan ang ulo ko.

Ibinulsa ko yung pera na pambili ng toyo sa bulsa ng jacket ko. Lumakad ako papunta sa likod ng bahay namin para kunin yung bisekleta ko. Magpepedal na naman ako papunta doon sa may groserya sa tapat ng park, doon lang kasi kami mahilig bumili. At mas malayo sa palengke dahil ilang kanto pa ang lilikuin ko makapunta lang sa palengke.

"Woah, ang init!" reklamo ko.

Nakajacket na ako at nakasombrero pero yung init ay tumatagos hanggang sa laman ko. Mas mainit pa lalo dahil nakasuot ako ng jacket.

"Ma, baka magtagal pa ako ha! Ang init kasi." sabi ko kay mama.

Dumungaw siya mula sa bintana. "Ikaw ang bahala pero huwag kang magpaabot hanggang gabi, Ady. Toyo lang ang bibilhin mo at hindi malayo ang groserya."

"Opo ma. Hindi naman ako magpapagabi. Baka abutan kako mamaya pa ako makauwi kasi ang init talaga ng panahon ngayon. Nakakatamad ngang lumabas." reklamo ko ulit.

"Hala huwag ka ng magreklamo. Mag-ingat ka sa daan baka may malalaking sasakyan na makasalubong mo." sabi niya sa'kin.

I nod and then I hop on my bike. I pedal my way to the road. The scorching heat of the sun penetrating inside of my jacket even though I'm pedalling. Hindi nakakaganda ang sikat ng araw.

Binilisan ko ang pagbike kasi kapag bagalan ko ang pagpedal ay baka hindi ako makarating kaagad sa may grocery store. Hinihingal akong makaabot doon. Hindi naman siya gaanong kalayuan mula sa bahay namin pero feeling ko sobrang tagal kong nagpedal.

When I finally get to my destination, I sigh deeply. It feels like I outran some zombies in our area. Isinandal ko ang bike sa gilid ng dingding, yung hindi mapapansin ng mga tao. Tapos ay hinubad ko ang jacket ko at tinali sa bewang.

Color of Hate (School Series #1)Where stories live. Discover now