Chapter 16

43 10 2
                                    

Meeting his grandmother the next day is one of the most embarrassed moment in my life. Katatapos ko palang magbihis ng damit ko at mabuti na nga lang ay nakapagbihis ako agad kundi ay baka naabutan niya akong damit ni Conan ang suot.

"Kumain ka muna hija bago ka umuwi sa inyo. Ihahatid ka naman nitong si Conan." Pagyaya niya sa'kin.

Napatingin ako kay Conan atsaka pinandilatan siya habang naglalakad na papunta sa kusina ang matanda. Tinanguan lang ako ni Conan na may kasamang ngiti tapos ay marahan niya akong tinulak para makasunod sa matanda.

Pareho kaming nagulat ni Conan nang marinig namin ang boses ng lola niya na tinatawag ang pangalan niya para pagbuksan ito ng pinto. Nasa kwarto pa kami ni Conan pero parehong nakabihis na kaming dalawa.

After our make love last night, I slept but he made sure I won't sleeping naked. Binihisan niya ako ng underwear ko na kinuha niya pala sa dryer at ibinalik yung t-shirt at boxer shorts sa akin para mas komportable daw ako kaysa sa suot ko kahapon.

"Pasensya ka na sa munting bahay namin. Kapag may trabaho na ng maayos si Conan ay saka kami lilipat ng tirahan. Sa ngayon ay dito lang muna kami habang hindi pa siya nakakapagtapos sa pag-aaral." Panimula ng matanda.

"Okay lang po lola. Hindi naman po kami mayaman." sabi ko.

"Anong pangalan mo neng?" tanong niya habang naglalagay ng plato sa lamesa.

"Narra po."

"Apelyido?"

"Palermo po." Magalang kong sagot.

Napatango naman ang matanda sa blanko niya akong tinignan. It seems like it's her signature look. But her voice is as soft as marshmallow and calm as the stream.

"Parang narinig ko na ang apelyido na 'yan." sambit niya.

Sa likod ko ay naramdaman ko ang paninigas ni Conan pero hindi ko siya nilingon. Siguro ay nabanggit niya na sa lola niya yung apelyido ko hindi lang natandaan ng matanda kung saan at kailan niya yun narinig.

"O siya, upo na kayo at mag-aagahan tayo. Sakto at marami ang nabili kong pagkain. Dumaan ako sa isang kainan na masyadong maaga pang binubuksan. Masarap itong binili ko kasi hango ito sa mga pagkaing Koryano."

Tinapik ako ni Conan at nilingon ko siya. Hinila niya lang ang silya at pinaupo na ako tapos ay tinulungan niya ang lola niya na magsandok na maglagay ng ulam sa bowl at inilagay sa lamesa. Tapos ay kumuha siya ng isang plato para ilagay ang pritong galunggong rito.

Nagsandok ng kanin ang matanda na ininitan niya kanina pagdating mismo sa bahay.

"Upo na po kayo 'la. Ako na po ang bahalang kumuha ng baso at pitchel." sabi ni Conan sa lola niya.

"Kumuha ka na'rin ng kutsara at tinidor hijo. Nakalimutan kong kumuha."

"Opo."

Agad na sumunod si Conan sa inutos ng lola niya. Yung matanda naman ay sinabihan ako na magsandok nalang ng pagkain sa plato ko. Kunti lang ang kanin na kinuha ko at kinuwestyon niya yun. Ang sabi ko lang ay hindi ako kumakain ng marami sa umaga kasi sumasakit ang tiyan ko.

Ang totoo niya ay nahihiya lang talaga ako. Ito yung araw na pormal kaming nagkakilala kaya nahihiya ako sa harap niya dahil talagang nasa harap ko na siya. I thought I have enough confidence to face her but it's just that I feel like my tongue gets tied and I want the earth to eat me out of embarrassment.

"Kain na." Mahinahong sabi ni Conan sa akin.

Tumango naman ako at nagsimulang kumain. Kahit nahihiya ako ay napilitan akong ibuka ang bibig ko. Sinipa ko ang paa ni Conan nang makita ko siyang nakangisi sa akin. Talagang pinagtatawanan niya ako na parang maamong tuta sa harap ng lola niya. Tumingin lang siya sa lola niya na seryosong kumakain at sa pagkain lang itinuon ang atensyon nito.

Color of Hate (School Series #1)Where stories live. Discover now